WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead.Yexamine's POV
Todo practice kami ngayun dahil nageenjoy kaming sumayaw. Si Ari ay kanina pa tawa ng tawa kaya naman napaka ingay dito sa dance room. Sinabi nya naman ay ginagawa nya yon para hindi sobrang bored o mapagod mga kagrupo namin. Napansin kong matagal-tagal na rin kaming nagprapractice kaya naman nag water break muna. Nagpunas agad kami ni Ari ng pawis lalo na sya basang-basa na ang buhok nya parang bagong ligo, naligo sa pawis. Sinabi ko na pwede namang magpalit ng shirt pero tumanggi sya at sinabing mamaya nalang at ok pa sya. Inabot nya sakin ang tumbler ko at agad na uminom. Nakakapagod ang araw na ito medyo nahirapan kami sa pag gawa ng steps pero dahil nakikipag cooperate naman ang lahat kaya nabuo na rin namin sa wakas.
Pinuntahan muna ni Ari ang mga kagroup namin para kamustahin at makipag-kwentuhan hindi nya kasi matiis ang bibig nya eh ang bilis pang magsalita. Pagkatapos ng 15minutes water break ay tuloy ulit ang practice. Mga stockholders lang naman ang pupunta kaya doble pressure diba pero ibibigay naman naming lahat ang pinaka best kaya naniniwala akong kaya namin ito. Si Ari muna ang naglelead sa oras na ito at ako naman ay tinitignan kung may mga hindi ba nakakasunod or nahihirapan para naman agad naming maturuan. Importante rin ang pagkakasabay-sabay dahil nga grupo kami at lahat dapat ay pantay-pantay. Naisipan kong bigyan muna ng afternoon break ang grupo namin dahil 3:55pm na rin at nagugutom na ang karamihan sa amin.
Pagkapasok sa canteen ay hindi na maraming tao dahil panigurado busy ang iba sa practice o kaya naman ay umuwi na lang. Si Arissa ang humanap ng uupuan habang ako ay magoorder para sa aming dalawa. Yung necklace nga pala ay nadeliver na balak ko sanang ibigay ngayun eh pero sa susunod nalang siguro. Buhat ko ang tray nang makita ko si Morrix na kinukulit si Ari na nakataas ang kilay at konti nalang ay magsasabunutan na ang noo sa pagkakakunot nito.
Inilapag ko ang tray at ngumiti pagkaharap kay Morrix. Parang bata naman syang nagsumbong sa akin na ayaw raw syang payagan na maki share sa table namin. Sinabi kong pwede na silang umupo at ako na ang bahala kay Ari. Pumalakpak naman sya at binelatan si Ari bago umupo. Kalaunan ay dumating na rin ang mga kaibigan nya. Nagsimula na silang kumain kaya kumain na rin ako. Sinulyapan ko naman si Ari na inis na inis kay Morrix dahil binubuysit sya nito. Natatawa nalang kami dahil konti nalang ay sasabunutan na ni Ari itong nasa harap nya.
"Wala ka pala Ari eh pinayagan kami ni Yexa na umupo dito bleh"
"Oh tapos? Wag kang mag-alala kapag nakabili ako ng lamesa willing naman akong masira yon basta hinampas ko sayo ng hard"sagot pabalik ni Ari.
Natawa kami lalo ng irapan lang sya ni Morrix bago ipagpatuloy ang kinakain nya. "Parang busy ata kayo Yexa tungkol ba yan sa mga bibisita na stockholders?" Tanong ni Xamiel.
"Ah oo gumagawa kasi kami ng sayaw eh medyo hirap sa mga steps, pero andyan naman ang alalay ko diba Ari?" Siniko ko naman agad si Arissa kaya sinamaan nya ako ng tingin. Tumango nalang sya at pekeng ngumiti sakin dahil sa salitang alalay haha. "Sayaw pala ang sainyo yung samin kasi kakanta raw kami eh buti nalang pwedeng gayahin yung ibang artists" sabi ni Zeff.
"Yeah ang hassle siguro if kayo ang magcocompose pero aabangan ko yan" nakangiting sagot ko, ngumiti nalang din sya. "Ano ba yung kakantahin nyo? Magpatulong kayo kay Ari expert yan" pang-iinis ko kay Ari ayaw nya kasi na sinasabihan syang maganda ang boses hindi na nun sya kakanta. Choosy ka gurl?
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Teen FictionA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...