WARNING: Typographical and Grammatical errors ahead.
Yexamine's POV
Nasa supermarket kami ngayong dalawa ni Natasha. Busy kami sa pamimili ng mga snacks at drink para mamaya. Nalaman ko kasing hindi pala sya pwedeng magipon ng junkfoods sa bahay kaya eto bumili nalang kami. Kung nagtataka kayo kung nasaan si Arissa ayon nagsasarili dun sa department store hinahanap yung unicorn na sinasabi nya kanina pa. "Nahanap na kaya ni Ari yung unicorn? Baka nakalipad na" sabay kaming natawa dahil sa sinabi ko hindi nya naman maririnig saka joke lang naman. "Tara unahin na muna natin mga yun, ihuli na natin yung mga drinks" nakaturo si Natasha doon sa mga junkfoods. May tulak-tulak akong push-cart kasi hindi ko kayong buhatin mga bibilhin. Kumuha kami ng clover, nova, chippy, piattos, pic-a, cracklings, at syempre boy bawang. May idinagdag pa syang ibang brand na hindi pamilyar sa akin sana ay magustuhan ko ang lasa mamaya.
"Pwede na siguro yan, dun naman sa drinks" tinignan ko ang laman ng push-cart na tulak-tulak ko kanina pa. Halos mangalahati na ito sa dami kaya sobra na 'toh para sa aming tatlo. More on soda lang ang kinuha namin additional nalang ang ibang drinks tulad ng blue, c2, yakult, at chukie. "Andito naba favorite ni Arissa? Baka magtampo sya eh" umiling ako saka itinuro ang mga paborito ni Ari kaya napatawa sya. Halos lahat kasi ng nasa cart ay madalas kainin ng isang yun kaya napapagalitan eh. "Oh wait hindi dapat mawala ang ice cream, bibili na rin ako ng ready-to-fry na fries" nice combination tiyak na busog na busog kami nito. Tinignan ko ang listahan na hawak ko kung kumpleto naba ang mga kailangan namin. Pagkatapos nun ay pumila na kami at saka ko itinext si Ari.
To: Arissa the bitter
Nakapila na kami sa counter. Kung hindi mo pa nahanap yung unicorn nakalipad na yun. Kita nalang sa harap ng chowking.
Sent.
Nang malapit na kami sa counter ay inigaw ni Natasha ang push-cart saka sinabing sya na ang magbabayad. Agad akong tumanggi pero nagpumilit sya saka thankyou gift nya na raw iyon dahil nga pumayag kami sa sleep over. Pagkatapos maibalot lahat ng pinamili namin ay pinagtulungan namin itong buhatin. Buti nalang medyo sanay na ako sa ganito kasi nga naging boyish ako dati saka may regular workout naman ako. Naghintay kami sa harap ng chowking at tinitignan kung malapit naba si Ari.
"Malapit na raw ba sya?" tanong ni Natasha habang palinga-linga sa paligid. "Oo naglalakad na sya ewan ko lang kung may unicorn syang nakita" may kumakaway mula duon sa crowd kaya tinignan namin. Base sa ngiti nya nabili nga iyong pinakahanap nya na costume. "Sorry natagalan, ang dami kasing tao eh""Tutal nandito na tayo kain naman, nakakapagod magikot-ikot" sabay kaming napalingon sa comment ni Arissa. Wow sya pa talaga ang napagod samantalang isang item lang hinahanap nya at triple ng bigat nun ang binuhat namin. "Mahirap talaga maghanap ng unicorn sa mall, may magic kasi sila" napairap nalang sya sa sinabi ko saka tinulungan kami sa mga pinamili. Pagkapasok namin ay inihanap muna kami ni Ari ng upuan saka sya nagvolunteer na magorder. Chicken with rice, chao fan & siomai topings, at wonton soup lahat ng drinks ay iced tea. "Ang tagal mo atang nagikot sa dept. store kanina?" tanong ni Natasha habang humihigop ng sabaw. Pinunasan nya muna ang labinya gamit ang tissue saka sumagot "Ahh oo tanong kasi ako ng tanong eh, sabi nung isang saleslady sa toy kingdom ako pumunta" pinagpatuloy nalang namin ang pagkain habang pinag-uusapan ang mga ginawa kanina.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Fiksi RemajaA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...