C49-Birthday Girl

14 3 1
                                    

WARNING: Typographical and Grammatical errors ahead.



Arissa's POV




Inaayusan ako ngayon ng mga kaibigan ko dahil kailangan daw maganda kapag hinipan yung kandila. Pinasuot nila sa akin ang beige daisy print dress na off shoulder at hanggang tuhod lang ang haba. Maganda sa dress na ito na hindi sya lumilipad kahit mahangin. “Ang ganda sabi na eh  bagay talaga sayo ang mga ganyang dress” kasama namin sa kwarto ngayon sila Yexa, Natasha, Amber, at Gella. Tulong-tulong sila sa pag-aayos sakin kahit naiirita ako minsan. “Nasa legal age na tayo! Pero hindi ibig sabihin nun aabusuhin na ang freedom ah” may baon pang pangaral si Natasha tutal ilang months ang tanda nya sa'min. “Copy that Ate Celena HAHAHA, btw tara na kanina pa naka-ayos ang lahat” pinasuot lang nila sakin ang beach sandals bago sumakay ng elevator pababa.









Woah naabutan naming may mga upuan at mahabang lamesa sa dalampasigan. May mga bean bags na upuan with fairy lights na nakapalibot. “See? Ayan lahat ng pinaghirapan namin para sayo. Desserve mo naman lahat ng ito after all, you need to take a break for being too strong in previous events” naka-akbay na sabi ni Yexa sa'kin habang pinagmamasdan ang sinasabi nya. Hindi ko maiwasang hindi matuwa ng sobra. Kung tutuusin simple lang ang gusto kong mangyari kahit na 18th birthday ko ngayon. Nalagpasan pa nila ang maari kong maimagine. “Tita ang sarap nyo talagang magluto para tuloy gusto ko nang magpa-ampon sainyo!” dahil sa narinig ko ay nilapitan ko agad si mama na naghahanda ng pagkain. May hawak na kutsara si Morrix at tinikman ang ulam na nasa mangkok. “Hindi ako papayag na maging kapatid kita! Baka hindi ko matiis na kasama ka at maglayas ako” napahawak sya sa dibdib nya at umaktong sobrang nasaktan sa sinabi ko. "Hoy i-play nyo nga yung 'Asim Kilig' sasayaw ako dali!" pabibong sabi ni Morrix ng makita ang mini speaker na dala ni Luke pababa.











“Bakit mo isasayaw yun? Wala namang sinigang sa uulamin natin, para kang ewan” guys pigilan nyo si Natasha sa sobrang gigil nya malapit nang lumanding ang sandok na hawak nya sa ulo ni Morrix. “Sinong may dalang milo dyan? Icover natin yung 'Energy Gap' sigurado naman na mas maganda version natin” ayun na nga tuluyan nang tumama sakanya ang sandok kaya napatakbo sya palayo kay Natasha. Habang ang mga kasama namin lalo na si Amber ay sobrang tawa. Nasa kwarto namin ang mga regalong ibinigay nila. Napagkasunduan na sa bahay ko nalang buksan dahil baka may makita raw silang hindi dapat na hindi ko naintindihan. Gusto pa sana naming lumangoy kinagabihan pero malamig na ang hangin saka delikado dahil madilim na ang dagat. Tinakot pa kaming may mga shark na kakagat sa'min kapag nagpumilit kami. “May bonfire na roon, naghanda rin kami ng marshmallows on stick” pabilog kaming umupo isa't kalahating metro ang layo sa apoy. May mahabang stick na nakahanda na may marshmallows sa dulo na itatapat sa bonfire.











Nag-decide silang mag movie marathon nalang kaakyat namin sa hotel. Pinapasok na kasi kami nila mama at tita malamig na kasi sa labas, ayan tuloy sa kwarto nalang kami magpupuyat. Kahit na ganon sobrang saya ng experience kanina puro kulitan, tawanan, asaran, at pagkain. Sinubok ang mga tiyan namin kanina sa lakas kumain, ang dami kasing sinerve na pagkain buti nalang walang nasayang. May inihaw na manok at isda, buttered shrimp, alimango, barbeque, itlog na maalat at iba pang pwedeng ulamin. Sa desserts nagbigay sila ng banana sundae at leche flan, dahil nasa beach kaliwa't-kanan ang buko juice.
“Wala akong maisip na movie baka mag away-away lang tayo dito. Ano bang gusto mong panoorin Arissa tutal ikaw naman ang birthday girl” napasimangot tuloy ako ng wala sa oras nakakaasiwa marinig ang birthday girl na yan. “Pili nalang kayo dun sa twilight miss ko si Edward Cullen. Tsaka tigilan nyo ang kakatawag sa'kin ng birthday girl naiirita ako” tumango nalang sila at napagdesisyonang panoorin yung pangalawa tutal lahat kami tapos na yung una.












BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon