WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead.
Arissa's POV
Habang tumatakbo kami ni Yexa ay naalala ko nga pala na may klase pa kami kaya ako naman ang humila sakanya at tumakbo ulit.Pagkadating namin sa room ay laking pasasalamat ko ng late ng 5 minutes ang next teacher namin.Agad kaming umupo sa aming upuan at inubos ko agad ang malamig na tubig na nasa tumbler ko.Bumalik na sa normal ang paghinga at pagtibok ng puso namin kaya agad kong tinanong kung bakit nya ako hinila kanina at biglang nananakbo.
Sinabi nya namang may kasalanan daw kasi sya dun sa Zeff nahampas nya daw ito ng libro dahil akala nya ay ako yung nasa likod nya tinanong ko naman kung nagalit ba ito dahil ayaw ko syang matulad sakin na isang basura ang tingin.Nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin nyang hindi naman daw ata dahil imbis na sigawan sya ay pinagtawanan pa sya nito.
Bigla namang pinatawag si Yexa kaya naiwan ako dito sa room kasama ang mga kaklase kong may kanya-kanyang mundo na.Inilabas ko nalang ang cellphone ko mula sa bulsa para tignan ang mga pictures namin kanina sa magical garden.Bigla namang nawala sa kamay ko ang kaninang hawak kong cellphone at nakita ko sa harap ko sina Camille at Izy na nakangisi.
Puro panglalait naman ang lumalabas sa bibig ni Camille ulit-ulit nyang sinasabi kung gaano ako kabaduy,kapangit at kung ano ano pa habang iniiswipe ang pictures na kanina naming kinunan wala na akong nagawa kundi ang yumuko.Hindi naman kasi ako sobrang ganda mas lalong hindi ako pangit baka nga kapag inayusan ako eh mas disente pa akong tignan kesa sakanila.Eh ano bang magagawa nila eh sa mga t-shirts,hoodies,pants,rubber shoes at doll shoes ako kumportable.Hindi lang naman ako sanay sa mga ganon eh pero nagsusuot ako nun lalo na kapag may okasyon o program si mama pa mismo ang nag-aayos at naghahanda ng susuotin ko.
Nagulat ako at agad na nilapitan ang cellphone kong ihinagis ni Izy nakita ko agad ang malaking crack sa screen na ito na labis kong ikinalungkot mabuti nalang ay sumisindi pa ito ay gumagana kaya hindi ko kakailanganin na magpabili ng bago kay papa.Tawa ng tawa si Camille at Izy at nag apir pa sila.Inis na inis ang mukha ng mga kaklase ko at agad na tinawagan si Yexa upang sabihin na may nailabag na rule sina Camille at Izy na ngayun ay labis ang kaba.
Kaming lahat ang gumawa ng mga rules na dapat ipatupad dito sa room,nung ipasa namin ito sa adviser namin ay pumayag den ito agad.
Rules here in our section list:
Rule#1- Bawal sirain ang gamit ng kahit na sino.
Rule#2-Bawal bastusin ang mga kaklase ito man ay sa kanyang kasuotan o kanyang estado sa buhay.
Rule#3-Bawal ang kumuha ng hindi sayo kung manghihiram ay dapat maibalik ito bago matapos ang araw.
Rule#4-Bawal tumakas kapag grupo nyo ang na assign maglinis ng room.
Rule#5-Higit na ipinagbabawal ang pagkakalat ng malalaswang bagay dito sa klase.
Rule#6-Dapat igalang ang mga guro at kamag-aral.
Rule#7-Bawal mambully dito sa room mapa pisikalan man o emosyonal at sa iba pang aspeto ng bullying.
Rule#8-Dapat gawin ang sariling assignment at tumulong kung ito ay group project.
Rule#9-Dapat makicooperate ang buong section sa mga school activities,programs at iba pa.
Rule#10-OBEY RULE#1-9.Yan lang naman ang pintupad na rules dito sa classroom ni Yexa na agad na sinang-ayunan ng lahat pati na ang teacher namin.Kahit gaano pa kayaman ang pamilya kung may nailabag kang rules ay paparusahan ka pa din.Ang parusa ay majority vote,magsusuggest ang lahat kung ano ang nararapat na parusa sakanila.At pagkatapos mag desisyon ng nga officers ay ibibigay na ang dapat nilang makuha.
Pagkadating ni Yexa ay agad na pumila ang mga nakakita sa ginawa nila Camille at Izy,sila Jaira at Ruby ay hindi kasama kahit na kagrupo nya ang dalawa dahil wala naman silang ginawa sakin o nilabag na rule.Sinamahan naman ng officer si Yexa upang marinig ang totoo at buo na nangyari kanina lang.Habang pinapakinggan nila ang mga sinasabi ng kaklase kaya pinaupo muna kaming tatlo.Tumayo na si Yexa hudyat na magmemeeting na silang officer kung may nailabag nga na rule.Hindi naman porke kaibigan ko sya ay kakampihan na nya ako alam nya padin na kaklase namin sina Camille at Izy kaya andyan ang officer katulong nya.
Nilapitan muna ako ng officer para naman hingin ang side ko habang si Yexa naman ang humihingi sa side nila Camille at Izy.Ipinakita ko sakanila ang malaking crack na nasa phone ko at ikwinento ang nangyari.Nagpasalamat na sila matapos kong sabihin ang kailangan nila nilapitan na nila agad si Yexa dahil ito daw ay nakapag desisyon na.Sinabi nya na may nalabag nga daw na rules sina Camille at Izy ito ay ang mga rule #1,#8,#10 pero isang parusa lang ang ibibigay ng lahat at magsisimula na ang botohan.
Dapat ay palitan nila ang cellphone ni Arissa!
Sang-ayon ako ang lakas ng loob nilang sirain kaya dapat palitan ng bago!
Oo nga baka walang magamit si Ari nyan lalo na madaming projects ngayun!
Tama!
Yan na nga lang!
Nagbulungan ang mga officer na tila nagpapasya kung ang ibibigay na parusa ay bilhan ako ng bagong cellphone.Kung tutuusin ay wala lang yun sa pera nila pero dapar ay magtanda at alam nila ang kasalanang nagawa nila sakin."Ang parusa na ibibigay sainyo Camille Cauerva at Izy Villafuerte ay kailangan nyong palitan ang cellphone ni Arissa Hesty ng katulad ng cellphone nyo ngayun.Tinanggap naman nila ang parusa at sinabing bukas na bukas ay ibibigay nila ito sakin nag-sorry den naman sila sakin at this time kita ko naman ang guilt sa mata nila kahit umiirap haha.Ngumiti nalang at tumango para matapos na ang ganitong senaryo sa classroom.
Biglang nagsigawan ang mga kaklase ko ng sabihan kaming pwede na kaming umuwi dahil nga ay matagal pang matapos ang meeting nila.Agad naman na kaming umuwi ni Yexa sumakay na ako ng jeep at ganun din si Yexa pero magkaibang direksyon ang dadaanan namin.Tinawagan ko agad si kuya para ipaalam na halfday lang kami ngayun kaya papunta na ako sa bahay,sinabi naman nyan maglinis daw ako ng bahay tutal wala naman daw akong gagawin.
Pagkadating sa bahay sinabi ko agad kay mama na halfday lang kami kaya maaga akong umuwi ngayun.Umakyat na ako sa kwarto upang hubarin ang uniporme ko at palitan ng pambahay.Dahil nakacentralize naman ang bahay namin naisipan kong manood nalang ng movie sa sala kesa magkulong dito sa kwarto.Nadatnan kong naghahanda ng tanghalian si mama kaya niyaya kona den sya na sabayan ako kumain.Pagkatapos kong hugasan ang mga pinag-kainan ay nagulat ako ng umuwi na den si kuya ang sabi nya ay aalis daw ang mga teachers sakanila kaya pinauwi nalang den sila.Agad kong hiniram sakanya yung usb na puro movies at series ang laman.Pagkakuha ko dito ay cinonnect ko agad sa tv namin at hinanap ang twilight.
Kumuha ako ng chichirya at yung tumbler ko namay tubig sabay upo sa sofa.Sinara ko den ang mga kurtina para dumilim kahit konti.Bumaba naman na si kuya at kumain na din habang kami ni mama ay nanonood na ng twilight habang naka upo sa sofa.Umupo naman na si kuya sa tabi ko at hinampas ako ng unan.Tinignan ko ito ng masama at inihagis na mukha nya yung clover na hindi pa nabubuksan.Nanood nalang kami ng mga movies hanggang sa dumating na si papa at dumilim na ang kalangitan.
Chapter 5 is done!nagkaproblema sa drafts ko kaya kinailangan kong ulitin toh huhu naiyak ako sa inis grr.Comment lang kayo ng feedbacks at babasahin ko ang mga ito.Thankyou sa mga nagbabasa at sumusuporta.
READ
VOTE
COMMENT
FOLLOW are highly appriciated.@MoonShines29
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Genç KurguA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...