C19-Performance

26 6 3
                                    

WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead.

Arissa's POV

Mahigpit ang kapit ko sa braso ni Yexa na natatawa sa akin. Bakit daw kasi ako nahihiya eh may kaya naman akong ipagmalaki sinabi ko na hindi talaga ako sanay ng pinagtitingin at ayaw ko ng ganun. Pakiramdam ko kasi kung ano-anong bagay ang nasa isip nila habang nakatingin sakin. Dahil mas ayaw kong pagtawanan inayos kona ang tayo ko pero hindi pa rin inalis ang kapit sa braso nya. Tulad ng inaasahan ay marami ang napapalingon kung saan kami naglalakad. Sa mga oras na ito gusto ko nalang magpalamon sa lupa o kaya mawala muna saglit ang mukha ko.

Sa wakas ay nakaupo na kami sa upuan pero naglilingunan pa rin ang ibang nakaupo kaya naiilang pa rin ako. Tinapik naman ni Yexa ang kamay ko kaya napatingin ako sa nakangiti nyang labi na sinasabing dapat akong maginf confident kaya nabawasan ang pagkailang ko. Nagbihis na rin ata sila Kael dahil wala sila ng datnan namin. Sa pagkakalam ko ay mauuna ang section namin bago ang section nila Kael dahil nga sikat ang grupo nila ay inaabangan talaga ng lahat ang performance nila. Nga pala ang mga stockholders ay libang na libang ang kaso hindi pa sila kumpleto dahil kakauwi lang daw nung mga late galing ibang bansa.

Nagtilian naman ang mga babae sa likod namin kaya napalingon kaming agad. Muntik na akong masamid sa iniinom na tubig ng makita ko ang apat na naglalakad na parang walang mga babaeng sumisigaw. Nakasuot lang naman sila ng black pants at white long sleeves. Idagdag pa natin ang isang butones na nakabukas at pagkaka tuck in nito. Napaiwas tuloy agad kami ng tingin at sunod-sunod na paglunok ang ginawa. Agad kong sinara ang pinaginuman ko at kinuha ang phone para mangalkal ng kung anong makita. Si Yexa naman ay agad na kinalikot ang bag nya na parang may importanteng hinanap. Hinampas ko tuloy si Yexa kaya napatalon pa sya ng kaunti sa upuan. Wala na akong nagawa kundi ilabas ang tawa ko na agad namang nagpasimangot sa mukha nya. Tinignan nya ako ng masama kaya nag peace sign na ako. Humarap nalang kami ulit sa stage at inayos ang upo.

Tumigil naman na ang tumitiling mga babae  ng makaupo na ang apat sa kani kanilang upuan. Nakita ko naman ang reaksiyon nila ng makita nila kami kaya agad akong humarap.

"Uwi na tayo mga tol prepared ang grupo nila Arissa" sabi ni Xamiel at tinapik isa-isa ang mga balikat ng kaibigan nya.

"Mas maganda pa rin ako noh mas maputi pa legs ko dyan bawal ko lang talaga iexpose" naiirita na sabi ni Moerid habang may pairap pang nalalaman.

"HAHAHAH wag nyo ng inisin si Ari kanina pa yan nahihiya baka hampasin den kayo" natatawang sabi ni Yexa kaya sakanya naman ako lumingon pero nakitawa rin ang apat.

"Tsk dapat ay nagpantalon nalang kayo, wala pa akong nakikita na mga naka shorts sa stage" pailing-iling na sabat ni Kael at umupo na. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya wala namang kabastos-bastos sa suot namin eh mas malala pa nga yung sa iba.

"Nga pala kayo lang bang apat ang kakanta nyan? Wala kayong ibang kagrupo?" Nagtatakang tanong ko kasi sila Camille ay naasign na kalahati ng section namin eh.

"Ah oo kami lang talagang apat request namin yun" simpleng sagot ni Zeff kaya nagfocus na ulit kami sa harap. Bigla nalang ay umakyat ang emcee sa stage pagkatapos nung isang performance galing sa midyear.

"Can i have your attention? the major stockholders of Clave Univeristy just arrived with their one and only son who already enrolled in our univeristy. Let's give around of applause Mr. & Mrs. Cardalle!"

BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon