WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead.
Rayvier's POV
Kumakain ako ng breakfast ng biglang may maingay na nakapasok sa bahay namin. "COUZ!Anong kinakain mo?" Andito pala ang pinsan ko sana naitago ko yung mga matatamis sa ref kanina. Tulad ng inaasahan dito sa kusina ang diretso nya syempre hindi na sya nakapagpigil na buksan ang ref. Nagningning ang mata nya dahil nakakita sya ng ice cream kaya kinuha nya ito para magsalin sa mug.
"Couz may chika ako sayo hihihi si kuya magkakalovelife na sya" humahagikgik na sabi nya kaya napakunot ang noo ko.Sa pagkakakilala ko kay Xender walang kasing sungit yun maliban nalang syempre minsan kay Ari binabawasan nya. "Lunukin mo muna yang nasa bibig mo baka tumalski" sinunod nya naman ang sinabi ko. "Kasi ganito yan may nakabangga kay kuya kahapon at natapunan ng kape yung tshirt nya, malay mo diba tulad sa mga drama ganun nagkikita mga soulmates" ngiti-ngiti pa ito at parang manghang-mangha sa sinabi nya.
"Kakanood mo yan ng movies at kdramas, hayaan mo nalang si Xender malaki na yun" bumulong pa sya ng kung ano ano pero hindi ko na narinig ng maayos. Inaya ko na syang sumabay sa akin papasok sa school. Mabilis naman nyang hinugasan ang bibig nya dahil napalibutan na ito ng ice cream. "Wag mo na akong ihatid sa classroom hindi ako don didiretso" sabi nya habang sinusuklay ang buhok naglalakad kami ngayon sa open field papunta sa building namin. "Cutting ka noh? Isusumbong kita mamaya kay tita" Kelan pa natutong magskip ng class toh?
Sa lahat pa naman ng mga pinsan ko eto pinaka seryoso sa pag-aaral. Hinampas nya ako sa braso gamit ang hair brush na hawak nya kaya nilingon ko agad sya. Tinignan ko sya na parang sobrang sakit ng ginawa nya. "Cutting ka dyan wala kaming prof for 2hrs sa library ako magtatambay" sabi nya sabay hikab.
Arissa's POV
Nagbabasa kami ngayon dito sa library. Kesa masayang ang oras na vacant ko napagdesisyunan ko nalang na mag advance reading. Nireview ko na rin siguro yung mga past lessons namin. Si Yexa naman ay tulad ko nakatutok sa libro habang nagsusulat sa notebook. Malapit na rin pala ang midterm exam namin kaya gagawa na ako ng reviewer. Nagpaalam si Yexa na sya na ang magbabalik ng mga tapos na namin gamitin. Nakarinig ako ng ingay na papalapit sa table at ayun na nga may nakabuntot na kay Yexa tiyak ako na makikishare na naman ng table ang mga ito.
"Kayo muna dito ah kukunin kolang mga pointers to review kay Rayvier" paalam ko sakanila habang sinasara ang mga libro na ginamit ko. Sabay-sabay naman silang tumango kaya nauna na ako. Sana ay payagan ako ng guard na lumabas. "Kuya nakita nyo po bang dumaan si Rayvier Cardalle?" Tanong ko kay manong guard dito sa gate ng school.
"Yes po ma'am pumasok sya dyan sa fastfood ngayon lang" sinabi ko naman ang pakay ko kaya pinayagan nya ako pagkatapos kunin ang id. Inabot naman agad sakin ni couz ang long bond papers na mga pointers to review kada subject. Nagtake out nalang ako ng panlunch ko tutal malapit na mag twelve.Kanina pa ako nakauwi at nandito ako ngayon sa court. Sabi ni kuya dito lang daw ako pwedeng magtambay baka hindi na ako makabalik. Maganda pala dito buti nalang may pera akong nadala gusto kong puntahan yung sinabi ni kuya. Simpleng shorts at pink tshirt lang ang suot ko. Naka slippers na white ang kulay habang ang buhok ay naka pony. Pagkaserve ng inorder ko ay pinicturan ko ito kaagad. Syempre nagpost den ako habang nagbabasa ng libro. Kinapa ko ang wallet ko sa bulsa dahil naramdaman kong wala ito buti nalang nasa lamesa pa kung saan ako nakaupo kanina. Nasa exit na ako ng may babaeng papasok na binangga ako. Dahil sa lakas ng impact ay napaupo ako at napahawak sa balikat na natamaan.
Parang nagdadalaeang isip pa ang babae pero tinulungan nya naman ako tumayo. "Miss sorry talaga, hindi na mauulit" nagtaka ako dahil parang ayaw nyang makasalubong ang tingin ko. Namamawis den ang noo nya at parang kinakabahan. "Ok lang po yun miss wag po kayong kabahan sakin" napakamot nalang ako sa ulo at nagpaalam. Napailing nalang ako ang weird nya ah. Napatigil ako sa paglalakad at tinanaw ulit ang coffee shop. Naalala ko ang pagkakadescribe ni kuya sa nakabangga sakanya. Hindi kaya sya iyon? Hay ewan basta iba ang pakiramdam ko.
Zeff's POV
Nasa canteen na kami ngayon dahil lunnch break na. Tinititigan namin si Kael na hindi kinakain ang pagkaing nasa harap nya. Gustong-gusto na namin magtanong kaso mukhang badtrip sya eh. "Kung ayaw mo sa inorder mo sa akin nalang" pabulong na sabi ni Morrix.
Hinala lang pabalik ni Kael ang plato saka sumubo ng isang kutsara. "Nababadtrip kasi ako dun sa Rayvier na yun" sabay-sabay kaming napa "huh" nila Xamiel at Morrix. Speaking of Rayvier nakita ko syang papasok dito sa canteen at kausap si Yexa. Sabi na eh kaya pala masama ang pakiramdam ko kanina bago umalis sa library. "Gets kona, ikaw naiinis ka rin diba Zeff?" Magkaharap ngayon ang dalawa na para bang naguusap gamit ang mga tingin. Masusuntok kona talaga itong si Morrix pati ikaw Xamiel.
Arissa's POV
Nasa garden ako ngayon si Yexa ay pumuntang canteen para bumili ng lunch nya. Ayaw nya kasi ng fastfood itatake out ko sana sya kanina ng pagkain. Inilabas kona ang 1pc chicken na may rice, meron ding coke float at fries. "Ang konti ata ng tinake out mo" natatawang salubong ni Yexa na may hawak na paper bag at slurpee sa kamay. Kumain nalang kami tutal malapit na ang mid terms may naisip ako. "Yexa makisleep over ako sainyo please sabay tayong mag review para sa mid terms" sinimsim nya muna ang slurpee bago sumagot. "Sure basta sabihan mo ako kung kailan namiss kona ring maingay iyong bahay namin" niyakap ko naman sya sa sobrang tuwa at gumanti rin sya.
Pagkapasok sa classroom ang bungad lang naman ay mga matang naniningkit sakin hehe. Tinignan pa nila ako mula ulo hanggang paa nagtinginan sila Camille at natawa. Nababadtrip ako ah sa lahat ng ayaw ko yung busog ako tapos ganyan ang sasalubong. Tinaasan ko sila ng kilay at ginaya ang pagtingin na ginawa nila. Nakita ko lang naman ang mukha nilang may kolorete, maikli at hapit na hapit na blouse at mini mini skirt. Sa pagkakaalam ko dapat below knee ang haba ah?
"BWAHAHAH oo yung ano pft HAHAAHH yung ano talaga grabe, sila ano kasi ang aano nila kaya naano sila HAHAHAH!" Sa sobrang lakas ng tawa ko lahat ng kaklase ko nakitawa tas naki ano ren. Ang apat naman ay gulong-gulo at pinag-isipan pa ata yung sinabi ko. Si Yexa naman ay hinila na ako paupo pero hindi ko pa rin matigil ang tawa ko. Nakahawak na ako sa tiyan dahil sumakit na ito titigil na talaga. Inayos ko ang buhok ko at matamis na ngumiti sa mga kaklase with matching kaway na pang miss universe. "Crush na ata kita Arissa!" Sigaw nung isa kong kaklase na lalaki kaya tinignan ko ito ng masama. Ganun talaga magbiruan dito.
"Palakpakan para kay binibining Hesty" baliw na talaga yung nagsabi nyan, nagsipalakpakan nga sila habang tumatawa. Tumigil na kami dahil seryoso na si Ms.Ruis ibinalik na namin sa ayos ang upuan saka inihiga ng lahat ang ulo sa desk. Inilabas ko nalang ang headset saka nagpatugtog. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana pinagmamasdan kung gaano kaganda ang kapaligiran. Bigla ko namang naisip paano kung hindi ako si Arissa Hesty? Anong magiging buhay at kapalaran ko? Makikilala ko pa rin kaya yung mga kaibigan ko ngayon? Nako nadadala na ako sa kdramahan ng pinapakinggan ko.
Chapter 25 is done! Sorry if maikli itong chapter bawi ako sa sunod. So yun maraming salamat sa pagbabasa at keep safe always.
READ
VOTE
COMMENT
FOLLOW are highly appriciated.@MoonShines29
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Novela JuvenilA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...