C34-Lorenzana Avenue

15 4 0
                                    

WARNING: Typographical and Grammatical errors ahead.




Natasha Celena's POV







Naglalakad ako sa hallway ngayon para puntahan ang room nila Yexa at Arissa. Ngayon na kasi ang usapan kung kailan kami magtitingin ng gown at kung may magustuhan ay bilhin na agad. Actually kasama dapat si mom ang kaso lang puno ang schedule nya at nasa Dubai sila ngayon. Sanay naman na ako sa pagout of town nila lagi kasi naexplain na nila sa akin yun bata palang. Dad gave me an extra money para itreat ang sarili ko with my friends. Last week pa yung slumber party namin pero naalala ko pa rin kung gaano kasaya 'yon. Lately ay wala akong conversation sakanila dahil busy talaga sa mga lessons. Ilang days nalang kasi at foundation day na kaya naman rush talaga ang lahat. Sino ba naman ang gugustuhing gumawa ng activities pagkatapos ng masquerade ball?









"Excuse me? Dito ba ang room nila Yexamine Ruis at Arissa Hesty?" sa pagkakaalam ko ay ito na yun. Nagtanong ako dito sa student na may hawak na libro at papasok na sana sa classroom nila. Inayos nya muna saglit ang suot nyang round eyeglasses 
saka tinignan ang librong hawak nya.
"Ah oo, MISS PRESIDENT SAKA ARI ANDITO TROPA NYO!" akala ko naman mahinhin at nerdy boy ang isang 'toh pero kung makasigaw ay parang wala sa paaralan. "Hoy ang ingay mo isusumbong kita kay ma'am nakalunok ka ng megaphone" hinampas ni Ari ang braso nito saka pinagsabihan. Nag peace sign nalang iyon at inabutan ng tig-isang libro sila Yexa. Naghintay nalang ako sa labas ng room nila habang nakasandal sa pader. Pumasok kasi ulit sila para ayusin at kunin ang bag. Dismissal naman na kaso sila ang naka-assign maglinis ng room habang si Yexa ang nagbabantay.











"Tapos na, ang angas mo dyan ah bawas-bawasan" inayos ko agad ang pagkakatayo ko nang marinig ang biro ni Yexa. Sinabayan kona sila maglakad palabas ng university. "Kaya nyo bang magcommute? Baka kasi hindi kayo sanay sa usok" nakapayong kami ngayon at naglalakad papuntang terminal ng jeep. Sinabi naman namin na ok lang saka naranasan kona rin yun. Tinawagan nalang ni Yexa ang driver nila para sunduin kami mamaya tutal may hawak na kaming mga gown nun. Buti nalang ay hindi rush hour ngayon, hindi sobrang sikip sa loob ng jeep. Pumwesto kami malapit sa labasan para hindi mahirapan bumaba. Pinalagay ni Ari ang mga bag namin sa harapan para raw sa safety.
"Ilan itong 50 pesos!" sigaw nung driver. "3 estudyante po sa Lorenzana Avenue" nakauniform pa kami at may suot na i.d kaya may discount. Excited na akong makabili ng gown!









Arissa's POV








Agad na huminto ang jeep na sinasakyan namin ng makarating na kami sa Lorenzana Avenue sikat itong lugar dahil sa kaunlaran nito. Kaliwa't- kanan ang mga tindahan at iba pang stores. May mga sikat na bake shops, cafè, supermarket, cloting brands, flower shops, shoes factory, at ibang services. "Wow! Ang daming shops dito paano tayo makakapili? Ngayon lang ako nakapunta sa ganito" tuwang-tuwa si Natasha habang pinagmamasdan ang paligid. Dinadayo 'to ng maraming tao hindi lang dahil maraming bilihan at maunlad ang lugar na ito. Maniwala kayo o hindi ay maraming puno dito. Alam nyo yung mga nakikita lang sa drama? Yung nasa gitna ang daan tapos may mga puno sa gilid? Ganun kaganda dito lalo na kapag nakasindi ang street ligths. "Paano mo nalaman ang lugar na 'toh?" sumusunod lang sila sakin dahil may specific shops na akong naisip puntahan. "Bata palang ako dinadala na ako rito, hindi ko akalaing ganyan kayo kagulat" ilang beses kong iniyakan ang lugar nato madalas kasi ay hindi ako pinapayagan na mamasyal dito.










BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon