WARNING: Typographical and Grammatical errors ahead.
Same time and date ito sa previous POV ni Arissa kaya parehas na one day before ang foundation day nila. 😉
Natasha Celena's POV
Nasa kama ako ngayon habang nakatulala sa gown na binili ko. Ang ganda nga masasayang lang kung mag-isa akong pupunta dun. Tutal parehas naman kaming walang partner ni Arissa, bakit hindi nalang kami ang magsama? Hayst maganda pala kami parehas kaya hindi pwede haha. Nagustuhan ni mom at dad ang pinili kong dress at bagay daw iyon sa sandals na nagustuhan ko. Nakita ko sa news kanina na ngayon ang peak ng full moon. Nagsuot ako ng blazer para hindi lamigin sa labas kasi gabi na. Naabutan ko pa si yaya sa kusina kaya nagpaalam akong may titignan lang ako sa garden. "Hindi ba pwedeng ipagpabukas yan? Ako nalang ang maghahanap" agad nyang pinunasan ang kamay pero pinigilan ko sya. "Titignan kolang po yung moon yaya babalik den po ako agad" wala naman talaga akong plano na may tagal sa labas eh dun nalang siguro ako sa balcony mamaya.
Nang masilayan ko ito ay nawala lahat ng iniisip ko kanina tungkol sa ball. Napaka peaceful ng paligid at dumadampi ang malamig na hangin sa pisngi ko. Nabanggit sa akin ni Yexa na mahilig sa ganito si Ari sa mga stars, moon, at clouds. Naalala ko tuloy ang pinag-gagawa namin sa park ng Lorenzana. Nagswing, see-saw, at higit sa lahat nagslide. Yung mga bata ay nakisali lang at hinayaan kami. Sinindihan ko ang phone ko para tignan ang oras, 8:45 pm na pala. Pumasok na ako sa loob dahil isasara na ang mga pintuan niyan. Ayoko namang matulog dito sa garden hanggang bukas. "Goodnight 'ya sa veranda nalang po ako titingin" sabi ko habang nasa hagdanan. Pagkapasok sa kwarto ay tumakbo agad ako papuntang balcony at binuksan ang glass sliding door. Ini-unlock ko ito mabuti nalang ay hindi ako nahirapan. Matagal na kasi nung huli kong buksan ito eh hindi kona nga maalala kung anong ginawa ko nun. Humawak ako sa railings at tiningala ang kalangitan. Dahil sa buwan mabilis akong inantok, hanggang sa namalayan ko nalang na nasa kama na ako.
Napamulat ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Bakit ko ba nakalimutan na tanghali ang pasok namin ngayon? Inis kong ginulo ang buhok ko bago niligpit ang hinigaan. Dumiretso na ako sa bathroom para gawin ang morning rituals ko. Naisipan kong magworkout nalang muna bago mag breakfast. Pagkatapos ng 30 minutes workout at 15 minutes cooldown ay pumunta na ako sa dining area. Naabutan kong umiinom ng coffee sila mom at dad kaya bumati ako agad. Magcereal na lang sana ako kaso pinilit ako ni mom na mag fried rice. "Nakakainip! Anong gagawin ko dito sa bahay huhuhu"
nasa living room ako ngayon at pilit nililibang ang sarili sa television. Sa huli ang ginawa ko nalang ay inayos ang closet ko at inihiwalay ang mga damit na hindi na sinusuot. Balak ko sanang ipamigay sa mga may gusto o kaya sa mga charity. Gamit ko ang hair blower ngayon at nakatitig sa repleksyon ko. Nakita ko ang pagsindi ng screen ng phone ko kaya tinignan ko ito.From: Morrix
Coffee shop. After dismissal,
here near at Arissa's house
location.Napa 'huh' naman ang reaction ko dahil sa text nya. Ano namang kailangan nya at sa coffee shop pa talaga dapat magkita? Napabuntong hininga nalang ako at inayos na ang mga gamit para pumasok. Alam ko ang coffee shop na iyon dahil nga nadaanan namin nung nag slumber party kami. Sumalubong ang maingay na classroom sakin pagkapasok ko palang. Nang nakita nila ako ay kumaway agad sila at binigyan ako ng daan, nagkukumpulan kasi silang lahat may pinag-uusapan ata. Inilabas ko ang isang book para maghighlight tutal wala ako sa mood makisali sa topic nila. Puro foundation day lang naman yan eh bukas na kasi gaganapin. Imbes na mamoblema ako sa partner para bukas mas pinili ko nalang tapusin ng mas maaga lahat ng seatworks. "Hinaan nyo ang boses nyo o kaya naman dun kayo sa sulok, nag-aaral si Natasha oh" rinig kong sabi nung isa kong kaklase kaya agad akong umiling at sinabing ok lang. Hindi namana ko madaling madistract kaya sanay na sa ganito. Umayos na ang buong klase sa pagdating ng English teacher namin na agad nagsimula sa pagturo.
Pinaghintay ko nalang ang driver namin sa kabilang kalsada at mismong kaharap ng coffee shop. Kanina ko pa sya naitext na papunta na ako kaya agad akong pumasok. Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko syang kumakaway habang nakangiti. Ngumiti naman ako pabalik habang naglalakad sa table kung saan sya nakapwesto. "May inorder kana ba? Gusto kong matry yung pagkain dito" infairness maganda ang lugar na'to siguro laging nandito si Ari. Sinerve na ang mga inorder namin kaya bago magumipa kumain ay nagtanong na ako kung anong meron.
Iniinom ko ngayon ang iced lemon drink ng magsalita sya. "I want you to be my partner" nakatitig pa sya sa mata ko ng sabihin yun kaya hindi ko nalunok ng maayos yung iniinom ko.
Tinignan kolang sya ng may nanlalaking mata. "Partner na kita bukas sa masquerade ball, hoy wag kang magisip ng kung ano dyan ikaw lang talaga ang close kong babae" wow so ang pinapalabas neto ay hindi na kailangan ng approval ko dahil sya ang masusunod? Aba'y matinde! "As if naman may choice ako diba? Problem solved na ako dahil andyan kana" sabagay may point sya wala na rin naman akong kaclose na ibang lalaki tsaka friends naman kami eh.Inubos lang namin ang inorder saka nagpaalam sa isa't-isa. Bago ako tumayo ay sinabi ko muna ang magpapainis sakanya ng todo. "Masyado kang deffensive kanina eh wala naman akong iniisip na kakaiba, baka sayo meron" ngumiti ako ng matamis yung tipong maiinis sya ng todo. Isinabit kona sa balikat ko ang strap ng bag saka nakangising lumabas ng shop.
3rd Person's POV
Pinagmamasdan ko ngayon ang gown na susuotin ko para bukas. Nababalot ng katahimikan ang buong mansyon ko tulad ng nakagawian. Dumako ang paningin ko sa pader na may red yarn kada picture. May description den bawat tao sa kaliwang bahagi ng pictures nila. Alam ko na ang mga kahinaan at kalakasan ng bawat isa kaya mahirap akong matatalo. Sinuri ko ang nakangiting picture ni Arissa, ayon sa source ko ay 16th birthday nya ang okasyon dito. Nakataas ang isa nyang braso at ipinagmamalaki ang isang gitara. Maganda ang gitara lalo na kung sa ulo nya ito gagamitin bilang pang hampas. Sa totoo lang nakakaawa nga ang sinasapit nya eh, kasi lagi syang sinasabihan ng masasama eh mabait naman sya. Sa sobrang bait nya gusto ko ng magpakilala sakanya kaso hindi pwede. HINDI PWEDENG MAGPAKILALA AKO NG HINDI TAPOS LAHAT NG PINAGHIRAPAN KO!
Hindi naman ako sobrang sama, ayaw ko naman na mabigla ang katawan nya sa mga pinaplano ko kaya idahan-dahan natin. At dito ako magsisimula sa mangyayari na hindi nya kakayanin. "Hi! This is Kael Sandoval right? Oh well nevermind you can call me Cans" malanding saad ko dahil may kailangan akong kumpirmahin sakanya. "I don't care who the f*ck you are, WHAT DO YOU WANT!!" Napabungisngis naman ako. Wala pa nga akong tinatanong eh nainis na sya agad. "Don't be harsh to me baby, i just want to ask something" nasisiguro ko na galit na sya dahil nakarinig ako ng pagkabasag ng mga vase. "I don't know you, stop bothering me it's irritating!" No no no i can't promise. Isa ka sa mga gagamitin ko para saktan ang babae na yon. "Do you know a girl named Arissa Hesty? Anong koneksyon mo sakanya?" Alam kong sasagot sya dahil marami na rin ang nakakakitang kasama nila ang babaeng yon. "You don't care! Stop asking i don't even give a permission you to ask!" tsk dahil sa pagpapakipot nya ay matatagalan ako.
"I didn't ask for your approval, i guess that girl is just nothing for you" seryoso kong sabi. Balak ko na sanang ibaba ang tawag dahil ayaw kong mag-sayang ng oras sakanya.
"SHE IS SPECIAL TO ME! DON'T YOU DARE TOUCH OR EVEN GET CLOSE TO HER 'CAUSE I WILL HUNT YOU!!" hindi ko pinansin ang banta nya at pinatay na ang tawag.Napangisi ako sa sinagot nya kanina. Hmm gaano naman kaya ka special para sakanya ang babae na yun? Tsh pero mabuti na rin para mas marami akong maging alas at gamitin laban sakanya. Tignan nalang natin kung makaahon pa sya pagkatapos ng mga plano ko.
From now on call me Cans Facio a person who never gets tired of hating Arissa Hesty.
Chapter 36 is done! Another POV galing kay 3rd Person's! Yeah ang name nya RAW is Cans Facio bahala na kayo humusga.
READ
VOTE
COMMENT
FOLLOW are highly appriciated.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Teen FictionA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...