WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead.
Xender's POV
Nagbabasketball kami ngayun ng mga kaklase ko pampawala ng stress dahil ang daming requirements na kailangang ipasa next week. Tapos ko naman na ang kalahati sa mga yon kaya kalahati nalang ang kailangang kong gawin mamaya at bukas. Pagkalipas ng 30minutes ay nagpaalam na kami sa isa't-isa na uuwi na. Tinapik ko muna sila sa balikat bago sumakay ng jeep pauwi sa bahay. Pagkarating sa bahay ay nagmano ako kay mama bago umakyat sa kwarto para maligo at magbihis.
Tinignan ko ang wall clock sa kwarto at 5:30pm na pala. Masyado atang late umuwi si Ari ngayun pero nagpaalam naman sya na may practice sila. Bumaba na muna ako papuntang kusina para kumuha ng meryenda. Nagtimpla ako ng kape at nilagyan ng yelo. Kinuha ko rin ang tinapay para lagyan ng palaman. Nilagay ko ito sa platito saka nagpaalam kay mama na marami pa akong dapat gawin. Kinain ko na muna ang dala ko pagkatapos ay inihanda na ang mga gagamitin ko. Type ako ng type sa computer, sulat sa scratch paper,inom kape, print, icompile yan ang naging routine ko sa 35 minutes. Tumayo muna ako at nagunat-unat bago bumaba. Wala pa kasi si Ari eh anong oras na hindi man lang ako tinext tsk.
Tinanong ko si mama kung may sinabi ba sakanya si Ari kung anong oras sya uuwi. Ang sabi nya lang daw ay medyo late kasi nga nagprapractice sila ng sayaw para sa susunod na linggo. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng may marinig akong kumatok ang kaso lang si papa pala ito. Nag-aalala na tuloy si mama dahil 6:05pm na at hindi pa sya umuuwi. Pinakalma muna namin si mama bago ko tinawagan ang kapatid ko. Nagriring naman ito ang kaso lang ay walang sumasagot. Lagot talaga sakin tong kapatid ko anong oras na hindi pa umuuwi. Naka 88 missed calls na ako, tinext ko narin sya pero ni isang reply wala akong natanggap.
Pati tuloy ako ay hindi na mapakali. Tinry ko ang number ni Yexamine ang kaso busy din. Sinabi ko nalang kay mama na baka nasa jeep na at hindi marinig ang ring ng phone nya. Makalipas ang mga ilang minuto biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong binuksan para basahin ang message na natanggap ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig...
1 message recieved
From: Yexamine Ruis
Kuya Xender nasa kotse po kami nila Kael ngayun papunta po sa **** **** ***** hospital dadalhin po namin si Arissa. Dun nalang po ako mageexplain kung ano ang nangyari.
Tinawag ko agad sila mama at papa para makapunta na agad kami sa address na binigay ni Yexa. Sinabi kong dun nalang sasabihin ang nangyari kay Ari. Pinapakalma ko si mama dahil umiiyak na sya sa pag-aalala. Iniisip ko ngayun kung sino ang may gawa nito sakanya at kung anong magandang gawin sa tao na yun. Sakto at padating na si Rayvier tiyak na galit na rin yun.
Kael's POV
Nung humingi palang ng tulong sa amin si Yexa ay sobrang nag-alala na ako. Napalitan iyon ng galit nang makita ko ang lagay nya roon sa cubicle. Naghihintay kami ngayun dito sa labas ng room kung saan nila dinala si Ari. Umiiyak na si Yexa kaya naman pinapatahan na sya ni Morrix at Zeff. Nabanggit nyang natext nya na si Xender kaya maya-maya lang ang nandito na rin sila.
Hindi nga ako nagkakamali agad kaming nilapitan nila Xender kasama nya rin ang mga magulang nila. Bumati muna kaming lahat bago magsimulang magpaliwanag. Nagpresinta si Yexa na sya na ang mauuna kaya hinayaan na muna namin sya. Kanina pa sya tumigil sa pag-iyak tahimik kaming nagdadasal na sana ay hindi malala ang nangyari sakanya.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Teen FictionA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...