C31-Preparation

18 5 0
                                    

WARNING:Typographical and Grammatical errors ahead.

Arissa's POV

"Next week na gaganapin ang 13th anniversary ng Clave University. At ang napiling theme ay masquerade ball" literal na napanganga ang lahat dahil sa sinabi. So ibig sabihin magarbo nga talaga this year? Kailangan naka gown ang nga babae dyan syempre. "Bago pa man kayo pumasok sa gate ay kailangan naka maskara katulad sa gown na isusuot ganun din ang sa lalaki" napasigaw ang mga kaklase ko sa labis na excitement. Kahit si Yexa ay kanina pa inaalog ang kaliwang braso ko. Naglakas loob akong magtaas ng kamay "Ma'am hindi naman po required na merong partner hindi po ba?" puno ng pag-asang tanong ko ngumiti muna saglit si ma'am at halos matumba ako sa dahan-dahan nyang pag-iling.

"I'll be expecting you'll wearing your beautiful gowns and tuxedo with masks ofcourse, oh wait only dark colors is allowed. The party will start exactly 7:30 pm so don't be late" pagkalabas ni ma'am ay binalot ng ingay ang apat na sulok na room namin. Excited lahat sila habang ako iniisip kung sino ang partner. "Oh bakit nakabusangot ka dyan? Hindi ka man lang ba naeexcite? Hindi na boring this year" natatawang sabi ni Yexa habang ang braso nya ay naka-angkla sa isa kong braso. Napabusangot naman ako at pinadyak ang mga damo sa open field "Wala naman akong problema sa gown ang kaso lang sinong partner ko? Nagka-emergency sila Rayvier kaya hindi sya pwede" last week ng magpaalam sa akin si pinsan na uuwi sya saglit sa america may aasikasuhin daw kasi sya. Napabuntong hininga nalang ako dahil kahit itong katabi ko walang maisip na sagot.


"Wala ata sya sa mood?" pagtatanong ni Natasha kay Yexa dahil sila ang magkalapit ngayon. Tumango nalang si Yexa at niyaya kami sa magical garden para naman makapag relax kami lalo na raw ako.
"Ayan din ang problema ko eh, kayo lang ang kaibigan ko dito tsaka boyish ang tingin sakin ng mga kaklase ko" parang hindi ata namomroblema si Yexa tungkol dito? Kung sabagay andyan naman si Zeff eh nakilala na nga iyon nila tita at tito. "Ako bahala sainyo hindi ako papayag na walang kapartner na gwapo ang mga kaibigan ko" nang-aasar na tono ni Yexa pero naghahanap nga yata talaga sya kanina pa sya tutok na tutok sa cellphone nya.



"May alam akong shop maraming mga gowns dun, ano samahan nyo ako bumili or sabay-sabay na tayo?" may hawak na magazine ngayon si Yexa at kapwa sila nagtitingin ng design ni Natasha. "Kayo nalang muna siguro, isasama ko nalang kayo kung saan makahanap si mama" tumango naman sila habang ako ay nag-iisip kung anong klaseng gown naman ang babagay sa akin. Sigurado naman akong alam ni mama ang ayaw at gusto ko ang kaso lang mapilit sya minsan. Lagi nyang dahilan ay masanay daw dapat ako at umalis sa comfort zone paminsan-minsan.
"Magkaclose na pala kayong tatlo? Akala ko ba ako lang ang kaibigan mo ha Natasha Celena?" taas-kilay habang may halong irita ang pagtatanong ni Morrix.




"Ikaw pa rin ang original dito, wag ka nang magselos nahahalata ka" Napatawa ang lahat ng pagka lakas-lakas. Naghahampasan na sa braso sila Xamiel at Zeff habang itong si Yexa ay namanhid na ang palad sa paghampas dito sa lamesa. Kahit si Kael ay maririnig mo ang tawa kaya hindi na maipinta ang mukha ni Morrix. "HOY! HINDI AKO NAGSESELOS ANONG PAKE KO KUNG MAS CLOSE NYA KAYO HA!?"
Lalabas na ang ugat nya sa lalamunan sa ginawa nyang pagsigaw. Saglit na natahimik ang paligid at kapwa nakapukol ang paningin kay Morrix na hinihingal. Nakasuporta ang dalawa nyang braso sa lamesa at saka sya pumunta counter para mag order.






BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon