C42- Fall

20 4 0
                                    

WARNING: Typographical and Grammatical errors ahead.





Natasha's POV





"Bakit ba ayaw mong isayaw ko si Natasha!? Inggit ka kasi andun si Kael sya isayaw mo!" naiinis na sigaw ni Arissa sa harap ni Morrix. Imbes na awatin sila ay naaliw pa akong panoorin kung paano sila magtalo. Para silang naglalaro ng tug of war at ako ang tali na hinihila. "May kapartner ka naman kasi, tsaka tignan mo yang suot mo maganda sana eh kaso may pagka isip bata yung nagsuot" napansin ko ang pag guhit ng kalungkutan sa mata ni Ari, nasaktan ba sya dahil dun? Siguro nga. "Edi wag enjoy nalang kayo alis muna ako" kung kanina ay napigilan pa sya ni Kael ngayon wala syang kasama. Pangalawang beses na kasi kaming sumasayaw ni Morrix at hindi pa rin nya pinagbibigyan si Arissa. Kakausapin ko pa sya kaya ang ginawa ko nalang ay tinanaw si Arissa papalapit sa table ng kaklase nya. Napabuntong hininga ako nang lumingon kay Morrix. "Bakit kasi hindi mo mapagbigyan ang request nya? Nasaktan yun sa sinabi mo"
Naguilt naman sya sa sinabi ko narealize nya ata na naoffend si Arissa ron sa nasabi nya.













"Sa tingin mo? Hindi ko naman sinasadya eh magsorry nalang ako mamaya" ngumiti nalang ako at muling tinanaw si Arissa. May hawak itong cookies na binigay nung kausap nyang babae. Sa pagkakatanda ko Gella ang name nun base sa kwento nya. "Magsorry kana ngayon habang kumakain sya ng matamis, good mood sya nyan" nagtaka siguro sya kung anong connect ng pagsosorry nya dun sa cookies. Nag-isip muna ng sasabihin si Morrix bago lumapit sa table nila. Nanatili lang akong nakasunod sa likod nya upang marinig ang usapan nila. "Arissa can we talk? Kahit dito nalang" inginuso ni Ari ang upuan sa tabi nya habang may hawak parin na cookie. Nahihiya pa si Morrix kaya sya inabutan ng cookies akala ata gusto nya. Kumagat naman si Morrix bago magsalita. " I just want to say sorry what i've said earlier, it's not my intention to hurt you so please accept my apology"
Sinserong paghingi nya ng tawad sa kaibigan ko. Hinihintay namin kung anong sasabihin nya or react man lang. Tumabingi lang ang ulo nya na para bang sinusuri kung si Morrix ba talaga ang kausap nya. "Sure kang hindi hologram itong kausap ko?"
naka kunot noong tanong nya kaya nakangiti akong umiling.












"Magsama kayo ng kaibigan mong inglisher! Nasaktan lang ako ng slight pero dudugo na ilong ko sainyong dalawa" hawak nya pa ang ilong nya na para bang ang laking problema nun. Abot hanggang tenga ang ngiti ni Morrix nang marinig ang sinabi ni Ari. "Sa wakas nagka-ayos din kayo, dali isayaw muna ako Arissa tigilan mo na yang cookies"
ako na mismo ang humila sakanya papuntang dance floor. Todo ngiti naman sya habang sumasayaw buti nalang at hindi na umangal si Morrix.
"Oh simula nung sumayaw kayo ni Kael nagkaganyan kana? Anong nangyare?" hindi ako chismosa ah nagtataka lang. "English kasi ng english pagkatapos balak nyang sumayaw hanggang matapos lahat ng tugtog!" naiiritang sagot nya nako sasakit nga naman ang paa nya kung totoo yun. "Asus ang sabihin mo naiilang ka! Nakita ko kaya kung paano ka nya titigan with matching killer smirk" ang reaction nya naman ay parang may nasabi akong hindi karapat-dapat. "Oh talaga? Killer smirk edi sana patay na ako"
nag make face pa sya para mang-asar pilosopo talaga kahit kailan.










BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon