WARNING:. Typographical and Grammatical errors ahead.
Yexamine's POV
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pagtawag at pagkatok ni mommy sa pintuan ng kwarto ko. Tinignan ko ang wall clock kaya hindi ko naiwasang magtaka. 6:30 palang ng umaga sino naman kaya ang nasa baba? Tumigil na rin si mommy dahil sinabi kong maghihilamos na ako. Kinukusot ko pa ang mata ko habang bumababa sa hagdanan. Narinig ko ang mahihinang tawa ni mommy at daddy na sigurado akong nasa kusina.
"Goodmorning Yexa ang aga ko ano? Kumain kana dali" sabi ni Ari habang sumusubo ng fried rice at bacon na nasa plate nya. Napangiti naman ako tiyak na namiss na rin sya kakwentuhan ni mommy para na talaga kasi kaming magkapatid. Kumuha na rin ako ng makakain habang nakikinig sa kinukwento ni Ari."The best na president po talaga si Yexa akalain nyo po android lang yung nasira pero napalitan ng iphone hehe" basta talaga nandito sya nalalate sa pagpasok sa office sila mommy. Ang dami na nyang nakwento pero hindi pa rin ata nauubos yung nasa list nya. Naikwento nya yung pag-perform namin, yung about sa pambubully nila Camille sakanya at kung paano ko sya ipagtanggol. "May mga new friends na rin po kami apat po sila actually kaso boys" inaasahan kona ito pero hindi ko pa rin maiwasan na magulat. "Kasama ba sa apat na yan yung Zeff Crystoval?" Nakangiting tanong ni mommy na agad namang sinagot ni Ari sa pamamagitan ng pagtango.
"Ahh oo nga po pala naikwento po sa akin ni Yexa yun sorry po ah ako po dapat naghatid sakanya nun eh"
Nakanguso at halata ang hiya sa tono ng pagsasalita nya. Napatawa naman ng bahagya si mom at dad ganun na rin ako. "Ayos lang yon kami nga dapat ang magpasalamat eh pinahatid mo pa sya" pagkatapos ng mahaba-habang kwentuhan ay kami nalang dalawa ang naiwan dito sa bahay kasama ang ilang maids. Dahil napaka aga pa naisipan ko nalang na ayain syang manood ng movie dito sa living room. Ako na ang nagset ng papanoorin habang sya naman daw ang bahala sa snacks. May blanket at pillows ang sofa na kinuha ko mula sa kwarto ko.Nilakasan ko ang aircon para feel talaga namin na nasa sinehan, tutal 50inches naman ang flat screen tv namin. Inilapag ni Arissa ang ilang pack ng chips sa coffee table kasama na ang mga inumin. Kumuha sya ng coca-cola, C2 , at syempre tubig. Ang napili kong movie ay Harry Potter and the prisoner of azkaban. Matagal na rin kasi nung huli namin itong napanood. Tutok na tutok sa screen ang mata ni Arissa minsan nga ay tinatawag ko sya para kumurap. Naubos na namin ang limang pack ng chips at tig dalawang cans ng coca-cola. Si Arissa ay nakahiga na sa sofa habang balot na balot ng blanket. Halos dalawang oras din ang tinagal nito kaya naisipan na naming pumunta sa kwarto. May dalang backpack si Ari na may laman na damit at ibang mga materials na gagamitin namin mamaya.
Kumuha ako ng tatlong libro mula sa mini library namin dito sa bahay. Inilabas naman ni Arissa ang laptop nya para itype ang mga natake down notes namin. Ang plano kasi naman ay iprint nalang ang reviewer namin ng sa ganun less effort at maipahiram pa namin sa iba. Sinummarize kona lahat ng topic na nasa pointers to review at nilagyan pa ng ilang examples. Kalahati lang naman ang ginawa ko dahil nung isang araw pa ito sinimulan ni Ari. Nang mapagod na syang mag type ako naman ang sumunod. Tinignan lang nya ang mga films na nakadikit sa pader ng kwarto ko. May nakapalibot dito na fairy light na nakapagdagdag sa ganda. Karamihan ay picture naming dalawa ang naroon sya lang din naman kasi ang close ko na kaibigan. Pagkatapos ng isa't kalahating oras na ginugol namin. Sa wakas printing na ang mga ito. Umabot lang naman sa 10 long bond papers take note harap likod pa ang mga iyan. Sanay naman na kaming magtype kaya mabilis lang namin natapos.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Teen FictionA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...