Chapter 17

13 2 9
                                    


"Are you okay?" tanong ni Yazi habang naglalakad kami sa corridor.

Nakahawak lang ako sa strap ng backpack ko habang nakatitig sa daanan ko. Nakakunot naman ang noo ko nang tumingin ako sakanya.

"Oo naman" tanging saad ko lamang.

"Alam mo Ali, ok lang namang sabihin na hindi ka okay eh. It's ok not to be ok" tugon niya habang hinihimas ang likod ko.

"Yazi, I'm ok" malamig na saad ko at nagsimula nang maglakad papuntang classroom.

Hindi na sumunod sakin si Yazi dahil iba ang schedule ng klase niya. Nang makarating ako ng classroom ay inilapag ko ang bag ko at umupo. Napatingin ako sa binatana dahil bahagyang umaambon.

Dalawang araw na simula nang mangyari ang nangyari sa bahay. Naalala ko pa ang huli naming pag-uusap.

𝓯𝓵𝓪𝓼𝓱𝓫𝓪𝓬𝓴

Nakaupo ako ngayon sa swing habang hinihintay siya. Nakatitig lang ako sa lupa habang pinipigilan ang sarili kong maluha.

Maya maya pa ay nakakita ako ng anino mula sa likod ko. Pinunasan ko muna ang luha ko gamit ang kamay bago tumayo. Napahinga ako ng maluwag bago humarap sakanya.

Matinding katahimikan ang namayani samin nang basagin niya ang katahimikan.

"Nang makita ko ang papa mo..... Kilala ko na siya" mahinang sabi niya.

Gulat naman akong napalingon sakanya.

"Pero di ko alam na siya pala ang papa mo. Hindi ko inaasahan na makikita ko si tito dito" saad niya at naupo sa swing.

"Matagal nang may away sina Tito David at si Dad Will. Hindi ko alam ang dahilan pero ayaw nilang makita ang isa't isa. Simula nang ma expell ako sa Cambridge, pinapunta ako ni Dad sa Thailand" unti unti akong napalingon sakanya.

"Pero dahil matigas ang ulo ko, hindi ako sa Thailand pumunta. Wala akong kakilala sa Thailand at hindi ako friendly. Pero alam kong may pamilya si Dad sa Pilipinas na ayaw niyang makilala ko. Kaya andito ako ngayon. Oo nakita ko nga ang pamilya ko, kaso pinsan ko pala ang babaeng pinakamamahal ko haha" tugon niya habang unti unting nahuhulog ang luha mula sa kanyang mata.

Hindi ko kailanman nakitang lumuha si Yadiel.

Parati kong nakikita ang masasaya niyang ngiti. Yung magiliw at kalog niyang attitude na parating tumatawa at good vibes lang.

Pero hindi ko kailanman nakita ang weak side niya. Kahit pagtulo lang ng luha, never. Pero ngayon, humihikbi siya para itago ang sakit na nararamdaman niya.

Nararamdaman ko naman ang pagsakit ng damadamin ko at unu unting pagbubuo ng butil ng luha ko.

"Tala, mahal na mahal kita. Halos limang buwan pa lang kitang nakilala pero iba na ang epekto mo sakin. Yung araw araw may lakas akong bumangon. Gusto kong nakikita yung ngiti mo para maalala ko yung mga lessons ko. Makasama ka kasi ikaw yung pinagmumulan ng ngiti ko. Gusto kong makatapos ng pag-aaral para sa future nating dalawa" nagsisimula nang lumakas ang iyak Niya.

"Pero tangina naman ng tadhana Tala. Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pang nag-iisang babaeng minahal ko ang pinsan ko? Pucha" saad niya at tumayo at sinuntok ng paulit ulit ang metal sa gilid ng swing. Nag crack ang metal dahil lugmok na ito.

Napatingin naman ako sa kamao ni Yadiel na punong puno ng dugo.

"Yadiel, ang kamay mo may sugat. Kailangan mong gamutin yan. Masakit at mag eempeksyon yan"

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon