(Play "The one that got away" by Katy Perry for better reading ❤️)Nanginginig ang kamay ko habang pinagpapawisan habang naglalakad pabalik balik sa hallway ng ospital.
Kasalanan ko kung bakit nasa ospital ngayon si papa. Dahil sa galit niya sakin umatake ang high blood niya na naging dahilan kung bakit na stroke siya.
"Ma I'm sorry.... hindi ko sinasadya" patuloy na iyak ko sa tabi ni mama.
"Shhh tahan na" saad ni mama at niyakap ako.
"Walang may gustong mangyari ito Alaia." wika ni mama habang hinahaplos ang buhok ko.
Ilang minuto ang lumipas at lumabas ng emergency room ang doctor.
"Maayos na ang kondisyon ng asawa mo ngayon Mrs. Alvarez. Pero matagal pa hanggang maka recover siya. Malaki ang tsansa na hindi na makakapagtrabaho ang iyong asawa"
Nasa canteen na kami ngayon ng ospital at kumakain.
"Wag ka nang umiyak anak, wala kang kasalanan ha? Hindi mo ginusto ang nangyari" mahinahong saad ni mama.
"Pero ma-" umiling si mama.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain..
"Pero may mali kang kailangan mong itama anak. At alam kong alam mo yun" saad ni mama na nagpasakit ng puso ko.
Alas sais na nang makarating siya sa pinagkasunduan naming lugar. Niyakap niya ako mula sa likod. Hinayaan ko lang siya.
"I'm sorry sa nangyari kay tito. Ok na ba siya ngayon?" nag-aalalang tanong niya. Tumango naman ako.
Napahinga siya ng malalim at may kinuhang basket.
"Nga pala, nagluto ako ng pagkain para sating dalawa. Para naman-"
"Yadiel hindi yan ang pinunta ko dito." malamig na saad ko.
Hindi siya sumagot pero nararamdaman kong gulat siyang nakatitig sakin.
"Ali you are not breaking up with me r-right?" saad niya na gumaralgal ang boses.
"Tala?"
Tumayo na ako at tumingin sa mata niya. Unti unti na ring tumutulo ang luha ko.
"Tama na Yadiel. Itigil na natin ang kasalanan na to" saad ko at naglakad na palayo. Hindi pa ako nakakalayo ay hinila ako ni Yadiel papalapit sakanya at niyakap ako na hindi na ako makaalis sakanya.
"No, no, no Tala. Please don't leave me... Diba nangako ka? Hindi mo ko iiwan diba? Remember? We will rewrite the stars"
Tinulak ko siya papalayo sakin at napahampas sa kotseng nasa tabi ko.
"Tangina Yadiel! Hindi mo ba nakikita? Hindi tayo pwede sa isa't isa. Kasi kahit baliktarin natin ang buong mundo, magpinsan pa rin tayo"
Natahimik siya sandali pero lumapit ulit sakin.
"Tala, mahal kita"
"Pero yang pagmamahal na yan ay magdadala lang ng kasamaan sa buhay natin. Kasi Yadiel, muntik nang mamatay si papa dahil lang sa relasyon natin" saad ko at napakagat ng labi.
"Sana noon tinigil na natin to. Sana hindi na humantong sa ganito" agad naman akong napamura.
"Nagsisi ka sa relasyon na to?" naiiyak na tanong niya.
"Oo!" saad at umiwas ng tingin sakanya.
Natatali lang kaming tahimik habang nakatitig pa rin sa langit.

BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen Fiction(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...