Chapter 3

44 4 8
                                    

"Umuulan na naman?" naiinis na tugon ko habang nakatingin sa bintana. Lintek na panahon naman to, wala akong dalang payong. Napatingin ako kay Khalil. Siya kasi yung naghahatid sakin noon kapah umuulan at wala akong payong.

Napatingin naman siya sa direksyon ko. Napakamot siya ng batok.

"I'm sorry Ali, pero di kita mahahatid ngayon eh. Monthsarry namin ni Astrid. And I promised her na may movie night kami sa bahay" nahihiyang tugon niya.

Umiling ako.

"Nah, don't mind me. Ulan lang yan, malakas ako no" tapos pinakita ko ang muscles ko kahit wala naman.

Tumawa lang siya at nagpaalam sakin. Nang makaalis siya ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Nilagay ko sa locker ang mga librong mabigat.

Ipinusod ko ang buhok ko at nagsimula nang magpaulan. Tumigil ako sandali sa building ng college of engineering. Wala na masyado tao dahil gabi na. May bagyo kasi, at nauna nang makauwi si Yazi.

May sakit ngayon si papa kaya nagmamadali akong umuwi. Bibili pa ako ng gamot sa butika na malapit sa waiting shed. Napahinga ako ng malalim at nagsimula na ulit na sumilay sa ulan. Napahinto na lang ulit ako sa building ng college of law.

Napaupo muna ako sandali at naghabol ng hininga. Bigla akong kinilibutan ng may marinig akong tunog. Napatayo ako ng wala sa oras. Dahan dahan akong lumapit sa cr.

"Meow"

"Ay pisteng kalabaw at baka" napatalon ako. Agad naman akong natawa, pusa lang pala.

Pero biglang may tumalak sakin papasok ng cr. Medyo masakit ang pagkatulak nila kaya nahirapan akong bumangon. Pinilit kong bumangon at binuksan ang pinto. Pero hindi ko to mabuksan.

"HOYYY! MAY SINO KAYO? BAT NIYO AKO NILOCK DITO?" napapaos na sigaw ko.

"Serves you right, biatch" tapos nagtawanan sila.

Ay meganon, mean girls 2.0 lang ang peg. Sisigaw na sana ako ulit pero parang mawawalam na ako ng boses. Napahinga ako ng malalim at napaupo sa sahig. Pagod na kasi ako. Nalalamigan pa ako kasi basa ang suot ko. Gusto ko nang matulog.

Nawala ang antok ko ng may marinig ulit ako na tunog. Agad akong naistatwa ng maalala kong isa to sa pinaka creepy na cr sa school. Nakng!

"MAMA TULONGGGGG!" sigaw ko nang bumukas ang isang cubicle.

"Oy oy hindi ako masamang tao, wag lang sumigaw" dahan dahan akong napalingon at laking gulat ko ng

"IKAW?" sabay naming turo sa isa't isa.

Pagminalas naman talaga oh.

"Ikaw diba yung sumipa ng pitotoy ko?" galit na tugon niya.

"Ikaw diba yung tumira ng bola sa ulo ko?" sarcastic na tugon ko sakanya.

Sabay kaming napaiwas ng tingin at umirap. Umupo na lang ulit ako sa inuupuan ko at nagsimulang matulog.

Nagising ako ng maramdaman kong may humahawak sa kamay ko. Agad ko naman siyang nasampal.

"Aray 'bat ka ba nananampal?" inis na tugon niya.

"Eh bat ka naman nanghahawak?" inis din na tugon ko.

Umiwas siya ng tingin at tinapon sakin ang hoodie niya.

"Suotin mo" utos niya.

Napatingin ako sakanya. Nagpapapogi points ba to?

"Hoy! Kung iniisip mo na magkakagusto ako sayo dahil sa kabaitan mo, asa ka!" tinapon ko pabalik ang hoodie niya sakanya.

Napatingin naman siya sakin ng gulat at napairap ulit.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon