"Hayyyyyyy salamat" masayang saad ni Khalil dahil tapos na namin yung papers na pinagawa ni sir.
"Oh diba sabi ko sayo magagawa natin to. Laban lang. Iskolar tayo ng bayan remember?" pag che-cheer ko sakanya.
"Iskolar lang, walang tayo" tapos ngumiti siya na nakikita ang gilagid. Natawa na lang ako at inayos na ang gamit ko.
"Hoy, anyare sayo, tampo ka?" tanong niya habang kinalabit ang likuran ko.
"Bat naman ako magtatampo?" sarcastic na tanong ko kay Khalil.
Napasandal lang siya sa upuan at inilagay ang kamay niya sa likuran ng ulo niya.
"Kase sinabi kong walang tayo" tapos nagkibit balikat siya.
Tumaas naman ang kilay ko. Nilagay ko muna ang libro sa bag ko at tumayo.
"Eh totoo naman yun ha" isinuot ko ang bag ko at inayos ang buhok ko.
"Hindi lang naman ikaw ang taken ngayon" nagsimula na akong maglakad palayo.
Naramdaman ko namang tumayo siya.
"May boyfriends ka na?" gulat na tanong niya.
Sumimangot naman ako.
"Anong akala mo sakin, magmamadre?" tapos tinalikuran ko na siya.
Naglakad ako habang hawak ang phone ko. Napangiti ako sa picture na sinend ni Sylvie. Hawak niya ang pamangkin niyang si Rudolph. Ang cute, namumula ang cheeks niya.
Hindi naman sa kalayuan ay nakita ko si Yadiel na namumula ang tenga. Nagdadabog na naglakad siya papalapit sakin at tinignan ako ng masama.
"Anong ginagawa ng lalakeng yan dito?" turo niya kay Khalil na nakikipag-usap kay Yazi.
"Gumawa kami ng requirements" tipid na sagot ko.
"Bakit siya yung pinili ni prof niyo?"
"O palusot mo lang yan?"
"Gusto mo pa ba siya?"
"Di mo na ako love?"
"Niloloko mo na ako?"
"Talaaa ko"
"Anong ibig sabihan nito ha?"
"I love you" saad ko habang nakatingin sa mata niya. Agad naman siyang natahimik at pumula ang mukha.
"Tangina naman Tala eh, sa mga banat ko hindi ka naman kinikilig. Tapos kapag banat mo sapul ako. Abnormal na ba ako?" tanong niya habang hinahawakan ang pisnge.
Nagkibit balikat na lang ako at nagsimulang maglakalad. Ang "rule" daw nitong "boyfriend" ko ay dapat sabay kaming naglalakad papuntang school.
Sabay din kaming mag lunch. Tapos hahatid niya ako pauwi ng bahay. Tulungan kami sa mga gawain at mag da date kami mwf at Saturday or Sunday. Hanep ang trip eh.
"Tala" pagtawag niya sakin. Malapit na kami sa school.
"Hawakan ko yung kamay mo" bulong niya. Napalayo naman ako sakanya. Masyadong malapit ang bibig niya sa leeg ko.
"Hindi. PDA pa tayo mamaya eh" paglapit niya.
"Sige na 1 minute lang"
Wala na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko. Actually, nasiyajan ako dun. Mainit ang kamay niya na nagbibigay init sa malamig kong kamay. Malamig ngayon kasi malapit na ang pasko.

BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen Fiction(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...