"Kung ang tagalog ng box ay kahon, pwede ka bang makasama ngayong bagong taon?" tinaasan ko naman siya ng kilay.
Etong lalakeng to another day another banat naman eh.
"Hindi. Kasama ko syempre pamilya ko eh" pangbabara ko sakanya.
Umupo naman siya sa sofa na nasa tabi ko. Nandito ako sa dorm ngayon at tinatapos ang mga assignments ko. Akala ko tutulungan ako ng lalakeng to pero tatamabay lang pala dito, tsk.
Pumasok muna ako sa cr para umihi. Pagkalabas ko ay muntik na akong madulas dahil hinila niya ko.
"Ang old style mo naman" saad ko habang nakakulang pa rin ako sa bisig niya. Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa mga mata ko. Ngayon ko lang napansin na kulay hazel ang mata niya.
"Alis" saad ko at umalis naman siya. Medyo nagulat ako sa bilis niya pero binalewala ko na lang.
"At least ngayon hindi mo an ako kiniliti ha" nakangiting saad niya.
Tumigil naman ako sa paglalakad. Tumingkayad ako ng kaunti, at binigyan siya ng halik sa kaliwang pisnge.
Tapos tinulak ko siya papalabas ng bahay. Napaupo naman ako sa sahig at napahawak sa puso ko.
Isang buwan na simula nang maramdaman ko to. Parati akong kinakabahan at namamawis kung andyan siya. Minsan nahuhuli ko na lang ang sarili kong nakatitig sakanya. Putchangina, anong ginawa mo sakin Peterson?
Nandito kami ngayon sa isang charity event. December na ngayon at malapit na ang christmas. Kaya naisipan ng group namin na mamigay ng regalo at tulong sa isang foster home.
"Salamat po" masayang sambit ng bata nang matanggap niya ang kanyang regalo.
"Pwede ko na po bang buksan?" saad naman ng batang lalake sa harap ko. Umiling ako at yumuko para maging kapantay niya.
"Hindi pa. Hintay muna hanggang sa Christmas" sabi ko gamit ang sweet voice ko.
Hindi ako mahilig sa mga bata, pero ang mga batang to, malapit sa puso ko. Mayroon akong kaibigan noon na galing sa foster home. Hindi ko na nga lang alam kung nasaan siya ngayon.
"Ang tagal pa nun Ate Ganda. Pwede pong ngayon na lang?" tapos nagpout ang batang lalake. Natawa naman ako.
"Alam mo, minsan kailangan nating maghintay para makuha ang gusto natin. Kasi ang paghihintay na yun ay magiging sulit para makuha mo na ang bagay na gusto mo"
"Eh paano kung tao yung gusto mo, hindi bagay?" sa boses niya pa lang, alam ko na kung sino to.
"Kung hindi mo na kayang maghintay, edi sumuko ka" saad ko at tumayo na.
"Eh paano kung gusto ko siya? Gustong gusto ko siya na pakiramdam ko maaring mahal ko na siya?"
"Santa Claus?" masiglang saad ng bata at yumakap kay Yadiel. Niyakap naman niya ito ng pabalik.
"Santa Claus may hinihintay ka na babae? Ang magiging Mrs. Claus mo?" saad ng batang may bungi at napahagikhik.
"Yes, My Mrs. Claus is her" turo niya naman sakin.
Inerapan ko lang siya at napa x sign.
"Ngek naman Santa Claus eh. Ikaw po mataba at panget, si ate maganda at seksi. Di kayo bagay" saad ulit ng batang may bungi.
"Bakit nang maging bundok na ba ang pagitan ng mga ngipin mo pinake alaman ko ba?" nang-aaway na saad nito.
Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Siguro hanggang sa point na lahat sila ay tumitig sakin. Nakikita kong nagitiginan ang mga bata at sinasabing si-ate-mukhang-baliw-look.
![](https://img.wattpad.com/cover/248146833-288-k141821.jpg)
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen Fiction(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...