Yaretzi Blair Lopez's POV
"Huh? You're going to Iceland?" tanong ko kay Alaia. Medyo napaso pa ang bibig ko sa kape dahil sa gulat.
"Oo nga. Ngayong araw ang flight ko. Alam kong hindi to planado, kaso 5 days na lang, birthday ko na." tugon niya naman sa kabilang linya.
"Alone?" nag-aalalang tanong ko.
"Ano ka ba Yazi, hindi na ako bata no" reklamo naman niya.
"Eh sa pagka immature mo na yan, daig mo pa ang fetus eh" pagbibiro ko sakanya.
"Ah basta. Mag-ingat ka dyan ha? Goodbye na Future Attorney Lopez" excited na saad niya sa kabilang linya.
"Goodbye Alaia, have a safe trip. Thank you for always being there for me. I love you" tapos binaba na ang phone.
"Close talaga kayo no?" napatingin ako sa gawi niya. Si naka simpleng puting polo lang siya at jeans pero malakas ang dating.
"Oo. Childhood bestfriend ko yang si Alaia eh" saad ko. Sinuot ko na ang blazer ko.
"Eh yung baklang yun at yung babae?" tanong niya habang nag-aayos ako.
"Ah si Zari at Archie? College friends namin yun from Ateneo" sagot ko at inayos ang buhok ko.
"Paki sabihan yung baklang yun, wag lumapit sakin" naiiritang saad ko.
Napatingin naman ako sakanya nang nakakunot ang noo.
"Inlove yun saken. Ayaw ko lang sakanya" umirap siya. Napabuntong hininga lang ako.
"Enzo, there's no such thing as love. It's all chemical reactions on your brain. It's all in your head not in your heart" saad ko at itinuro ang kanyang ulo at dibdib.
"You don't believe in love?" dismayadong tanong niya. Tumalikod ako.
"Yes. I don't believe in love. Pagkatapos maghiwalay ang parents ko, and nawala ang pinakmamahal ko. Nawalan ako ng pag-asa sa pag-ibig. I better be alone para hindi masaktan" saad ko.
Napaiwas agad ako ng tingin sakanya nang mapansin kong may luha sa aking mata.
"What if may isang taong magpapakita ng true love sayo? Paano kung meron nagnamahal sayo pero ayaw mong mabuksan ang iyong puso?" madiing tanong niya.
"Ayaw kong mangyari yun. Kase panigurado, masasaktan ko lang siya" huling salita ko bago tuluyang lumabas ng pinto.
Alaia Tala Alvarez's POV
Pumipintig ng malakas ang puso ko. Nasa eroplano ako ngayon at nakikita ko na ang maliit na parte ng Iceland. Nakikita ko ang ilang kabundukang napupuno ng snow.
Isinuot ko na ang seatbelt para sa landing. Maya maya pa ay unti unti kaming tumayo para lumabas na.
Nilanghap ko ang sariwang hangin na bumungad sakin sa Iceland. Sobrang lamig dito pero napakaganda sa pakiramdam.
Matapos ang mga problemado kong araw, nandito ako. Ine-enjoy na ang hangin ng Iceland. Kinuha ko na ang luggage ko at dumiretso na sa Hotel.
Napalibot ang mata ko sa kwarto ko. May malaking bed at nasa harap nito ay tv. Pumunta ako aa CR at bumangad sakin ang jacuzzi, at engrandeng shower.
Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa diner. Nagugutom kase ako. Agad nanlaki ang mga mata ko sa dami ng pagkain. Merong seafoods, different steak, desserts, appetizer.
Napatingin ako sa isang meat na pumukaw ng attention ko.
"This is called Beef Wellington. That is cooked perfectly medium rare" pagpaliwanag ng lalake. Itinuro niya naman ang isa pang putahe.
"This is pumpkin soup with wild mushrooms." Agad naman akong naglaway nang maamoy ang bango nito.
"And lastly, Chocolate Donuts with powdered sugar. And all of this are Gordon Ramsay's recipe" napanganga ako.
Agad ko naman nilasahan ang pumpkin soup nang una nila itong hinanda. Napapkikit ako ng mata dahil sa sarap nito.
Sunod naman nilang hinain ang beef wellington. Napanganga ako sa sarap ng steak. Sobrang juicy nito tapos mas nagbibigay sarap ang mushrooms at pastry nito.
Huli namang binigay sakin ang Chocolate Donuts. Busog na ako pero hindi ako papahuli sa desserts no. Nangangamoy chocolate eh.
Kinagat ko ito, at ANG SARAP. Napatingin ako sa mga nagserve sakin. Natatawa lang sila sa reaksyon ko.
Matapos kong kumain ay lumapit ang lalake kanina at binigay ang bill ko. Sinenyasan ko naman siyang lumapit sakin.
"Ano po yun ma'am?" napangiti ako nang nakakintindi siya ng Filipino.
"Kuya, pwedeng pa take out?" tanong ko. Tinawanan niya lang ako. Bat ako pinagtatawanan nito eh seryoso ako? Che.
"Kuya eto na lang. Saan magandang pumunta dito kung first day pa lang?" tanong ko sakanya. Kumunot naman ang noo niya na tila'y nag-iisip.
"Yung 'Reykjanesviti Lighthouse' po ma'am. Malapit po yun sa Airport. Napakaganda roon at isa yun sa mga tourist spots dito" saad niya at nagpaalam na umalis.
Agad naman akong bumalik sa kwarto ko para magpalit. Simple lang pero komportableng damit ang isinuot ko. Di ako tanga para mag croptop sa malamig na panahon na to no.
Medyo tumagal bago tumigil ang sinasakyan ko. Kailangan ko na lang lakarin patungo sa Lighthouse.
Agad kong naabot ang paanan ng Lighthouse at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng kapaligiran.
Puno ng berde, at asul na mga kulay. Nagsimula na akong umakyat at habang umaakyat ako, mas nakikita ko ang ganda ng kapaligiran.
Hinahabol ko ang hininga ko nang marating ko na ang tuktok. Pero nawala ang lahat ng pagod ko nang makita ko na ang 'scenery' na sinasabi nila.
Parang ito yung 'the end of the earth'. Wala ka nang makikitang mga ibang isla pa, puro karagatan na lang. Hindi ko maiwasang maantig, napakaganda.
Napalingon ako nang may isa pang lalakeng umakyat. Mukhang tagarito siya. Napatingin siya sakin saka ngumisi. Hindi ako komportable sa titig niya.
Naglakad ako palampas sakanya pero hinawakan niya ang kamay ko. Agad ko namang binawi ito sakanya.
"Pretty lady, wanna have fun in bed?" nagulat ako sa tanong niya kaya nasampal ko siya.
Galit siyang tumingin sakin. Agad naman akong bumaba ng hagdan. Humabol naman siya. Mas dinalian ko pa ang hakbang ko. Pero sadyang mabilis siya kaya naabutan niya ako.
Nagmatigas akong lumayo sakanya dahilan ng pagkahulog ko sa hagdan. Mangiyak ngiyak akong tumayo dahil sa sakit. Patuloy pa rin na sumusunod sakin ang lalakeng iyon.
Umabot kami ng habulan patungo sa isang malapit na mini city. Mabuti na lang at hinuli siya agad ng mga pulis. Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa hot chocolate na binigay ng isang mabait na lola.
Napaupo ngayon ako sa bench. Naiisip ko kung tama nga ba ang sinabi sakin ni Khalil noon. Dapat hindi na lang ako umalis sa Pilipinas dahil mapapahamak ako roon.
Iinumin ko na sana ang hot chocolate pero may nahulog na kung ano rito. Napatingala ako at nakita ko ang snowflake nagsisimulang mahulog sa lupa.
𝘕𝘢𝘨 𝘴𝘰-𝘴𝘯𝘰𝘸.
Naiisip ko kung sign na ba ito para bumalik na lang ako sa Pilipinas. Kase nag-iisa lang naman ako dito. Hindi pa ako safe.
Tumayo naman ako at inayos ang tindig ko. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad sa kabilang direksyon.
"ALAIA!"
Kahit hindi ako lumingon, kilala ko kung kaninong boses iyon.
Huminto ako. Lahat ng mga tao huminto. Tanging naririnig ko lang ang malakas na pagpintig ng aking puso.
Dahan dahan akong lumingon sakanya, at hindi ako nagkamali. Siya nga.
"𝘠-𝘠𝘢𝘥𝘪𝘦𝘭?"
𝙀𝙣𝙙 𝙤𝙛 𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 26.

BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen Fiction(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...