"Impressive"Nakahinga naman ako ng maluwag. Kakapasa lang namin ng report namin tungkol sa vacation sa Siargao.
"PIERCE BABESSSSSS!" sigaw naman ni Yazi habang winagayway ang kamay niya.
Napailing-iling lang ako. Kasama na naman ni Pierce ang bago niyang girlfriend. Ano pa ba ang ma e-expect mo sa Engineering students? Tsk.
"Alam mo Yazi, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko tungkol sayo. Na ang tatag mo dahil mula pa nung elementary kayo hinihintay mo siya. O iisipin ko na ang tanga mo dahil hanggang ngayon naghihintay ka pa rin sakanya" saad ko habang di nakatingin sakanya.
"Ediwow" tanging saad niya at nagdabog paalis. Bat ba nagagalit tong babae pag nirerealtalk ko? Tss.
Naglalakad lang ako papunta sa cafeteria. Napalingon ako nang may tumapik sa balikat ko. Napangiti ako nang makitang si Khalil pala.
"Samahan mo ulit ako sa court?" masiglang saad niya. Tumango naman ako.
"Kamusta yung vacation sa Siargao?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Masaya naman. Sayang na lang na wala ka" sagot ko naman.
Tumigil naman siya sa paglalakad. Ngumiti siya ng mapangasar.
"Sa tingin mo mas masaya pag kasama ako?" tumango naman ako.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang court. Maliit na court ito malayo sa mga tao. Khalil is actually a basketball player noon. Pero nagka injury, at sinabi ng mga magulang niya na hindi na siya makakapaglaro ulit.
Once in a week lang kami pumupunta sa court ba tago sa mga tao dito. Hindi na maaring makapaglaro pa si Khalil kaya sikreto lang namin ang pagpunta dito. Parang stress reliever ni Khalil ang pagbabasketball.
Naglalaro lang siya habang pinapanood ko lang siya. Binibigyan ko siya ng tumbs up kung makashoot siya ng 3 point shot.
Mga isang oras din siyang naglaro hanggang matapos siya. Nahihingal na umupo siya sa tabi ko. Inabot ko agad ang water bottle at bimpo sakanya.
"Salamat" nakangiting saad niya. Nagtaka naman ako ng hindi niya kinuha ang bimpo.
"Pwede bang punasan ang pawis ko?" saad niya bagay na pinagtaka ko.
Umiling ako at tinapon ang bimpo sakanya. Tumawa naman siya. Tumalikod lang ako dahil namumula na ang mukha ko. Pero nagulat ako nang hatakin niya ang kamay ko at ilagay ang bimpo roon.
Tapos maingat niyang pinapunas ang pawis niya. Umiinit na ang pisnge ko kaya tinapon ko ulit sa mukha niya.
"Yuck ang dungis mo" reklamo ko sakanya. Tumawa naman siya ulit. Nanatili lang kaming tahimik nang tumunog ang phone niya.
"I need to go" kinuha niya ang bag niya at tumayo.
"Ali, I have a favor to ask you" nahihiyang tugon niya.
"Eto naman parang others, bestfriends kaya tayo. Anong favor ba?"
Ngumiti siya at binulsa ang kamay niya.
"Birthday ni Astrid ngayon. Pwede mo ba akong tulungan mamayang gabi para makapaghanda sakanya?" tugon niya habang nakakamot sa batok.
Tumango na lang ako. Napatalon naman siya at niyakap ako.
"Salamat Ali, the best ka talaga" ngumiti ako, nang pilit.
Umalis naman siya na sumisigaw at nagpapasalamat. Kumakaway lang ako. Napaupo ulit ako para ayusin ang mga gamit ko nang dumaan siya.

BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Tienerfictie(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...