(Completed)
Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...
"Tsk. Di man lang nagpapasalamat" nagdadabog na saad ng katabi ko.
"Thanks" tanging saad ko lang at isinuksok ang mga ear pods ko sa tenga ko. Hindi talaga ako magratitude na tao. Minsan lang ako mag thank you.
Natulog lang ako buong byahe ng bus. Papunta kami sa Las Casas Filipinas De Acuzar. Matagal ko nang gustong makapunta doon pero wala akong pera at busy palagi.
Mga ilang oras din ang byahe namin papunta sa Orion, Bataan. Sumakay kami ulit ng bus papuntang Mariveles and bumaba sa Alauli. Pagkatapos nun ay sumakay kami ng jeep hanggang makarating kami sa Las Casas Filipinas De Acuzar.
Agad naman bumilog ang mga mata ko nang makababa na kami sa jeep. Entrance pa lang ay nakikita ko na ang ganda ng mga bahay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Why am I jealous of houses right now? How can that houses make you smile but I can't?" saad naman ng nasa likuran ko.
Lumingon naman ako sa kanya nang nakataas ang noo at nakahalukipkip ang mga kamay.
"Malay ko bang mas nakakaakit ang mga bahay na ito kaysa sayo" tapos nauna na akong maglakad.
Nang makapasok kami ay si Yadiel na ang bahala sa lahat. Nag pareserve na siya. At ang gagawin lang namin doto ay mag enjoy. May sumbalubong samin na tourist guide para syempre i-tour kami dito. Di naman obvious diba?
Una ay sumakay kami sa isang bangka. Habang binabaybay ang isang estero. Nasa kanan ako at nasa kaliwa naman si Yadiel habang si Yazi ay pinapagitnaan kami.
"Ang binabaybay natin ngayon ay aming tinatawag na Estero de Binondo" pagpapaliwanag ng tourist guide.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Halos kuminang ang mata ko habang initigan kung gaano kalinis ang tubig sa estero na ito. Parang nasa ibang bansang mga estero ito. Nakikita mo ang ilang magagandang bahay na ginawa pa noong Spanish era.
Pagkatapos namin sa Estero de Binondo, ay napunta kami sa Hotel De Oriente. Bago pumasok ng bahay ay kailangan munang maghubad ng sapatos.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Halos lumuwa ang mga mata ko habang nakikita ang iba't ibang mga bagay sa loob ng bahay. May mga paintings, mga baro't saya, at marami pang iba.