Chapter 18

11 1 13
                                    

Napatingin ako sa cellphone ko.

11 pm.

Maaga pa, pero Kailangan ko nang matulog dahil may klase pa ako bukas. Pero hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina.

Pagkatapos ng eksena ay naghiwalay na kami ng daan ni Yadiel. Hindi man lang ako nakatanggap ng text or message sakanya.

Mali. Sobrang mali ng ginawa namin kanina. Hindi kami pwede sa isa't isa.... dahil magpinsan kami. Siguro nadala lang si Yadiel sa emosyon niya kaya nagawa niya yun?

Nalaman naming magpinsan kami.... pero huli na. Hulog na hulog na kami sa isa't isa.

Napahinga ako ng malalim at pumikit. Hindi ko dapat ito isipin. Hindi kami pwedeng magkabalikan kasi pag nangyari yun, kasalanan ang magaganap. Kasalanan ito sa batas.

Napailing ako. Dapat matulog an ako at kalimutan ang nangyari kanina. Gigising pa ako mamayang alas tres para magreview sa exam.

Malapit na akong matulog nang may nakita akong batong pumasok sa kwarto ko. Napalingon ako sa bintana ko at hindi ito nakasara. Agad namang nagtayuan ang mga balahibo ko.

Ano yun? Magnanakaw? Mamatay? Rapist? Oh kaya yung mga aswang na napapanood ko sa movies? Tanginaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Nagtago na lang ako sa kumot ko. Ayaw kong pumunta sa kwarto nina mama at pala dahil matanda na ako. Tawagin pa akong duwag at oa ng mga yun.

"Psst" tawag sa labas.

Agad naman akong napatalon nang makita si Yadiel. Nakahoodie at sweatpants siya habang nakasilip sa kwarto ko.

Nasa 1st floor lamang ang kwarto ko.

"Bat ka nandito?" takang tanong ko sakanya. Nakatago lang siya sa likod ng bintana ko at lumilingon sa likod, at kaliwa't kanan niya.

"Tatakas tayo" agad naman akong napa atras at umiling.

"Ano? Lalayas tayo? Ayoko Yadiel. Marami pa akong pangarap sa buhay ko. Mahal kita pero hindi ko kayang gawin yun" pagtanggi ko sakanya.

Nakakunot ang noo niya pero agad naman siyang ngumisi.

"Mahal mo pa rin pala ako" pang-aasar niya. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Ngayong gabi. Sumama ka sakin" saad niya at inilahad ang kamay niya. Napatingin naman ako sa mata niyo.

Shit. Those eyes, were my weakness. Nakatitig siya sa mata ko na sinasabing wag ko sana siyang biguin. Those dazzling hazel brown eyes.

Hindi ko namalayan na nasa sasakyan na pala kami. Hawak ko ang kamay niya habang nag da-drive siya.

Napakaganda ang pakiramdam ko. Parang wala lang akong dinadamdam na problema sa mundo. Tanging ang presensya lang niya ang ninanais ko.

Hindi tumagal at nakarating kami sa isang liblib na lugar. Hindi naman ito sobrang layo sa tahanan namin. Katabi ng lupaing ito ay ang lawa, na sinsabi ng mga matanda ay may sumpa daw.

Napatingin naman ako kay Yadiel. Binigyan ko siya ng bat-dito-mo-ko-dinala-look. Ngumiti naman siya at inakbayan ako.

"Yung lawang iyan ay walang sumpa. Sinasabi lang yan ng mga matanda para mapreserba ang kagandahan nito. Oh diba napakalinis nito tapos nakakaganda pa ng paligid. Wag kang mag-alala. Ang may-ari na mismo ang nagsabi sakin" kumindat pa siya. Umirap na lang ako.

Inilapag niya ang isang tela sa lupa. Tapos gingamit naming ilaw ang nasa loob ng sasakyan. May dala siyang pagkain at ang laptop niya. May dala din siyang kumot.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon