Epilogue

38 2 0
                                        

It's been 3 months. Tatlong buwan akong clueless at wala sa sarili. Nawala si papa. Nawala si Khalil. At 3 buwan nang nawalan ako ng komunikasyon kay Yadiel.

Sobrang stress ako dahil ako ang nagha-handle ng kompanya. Dalawang araw na akong walang tulog at halos isang beses lang ako kumain sa isang araw. Hindi ko na alam kung ano pang mangyayari sa buhay ko.

Tumayo ako at nag stretching ng sandali. "Workaholic ka na, katulad ni Khalil" biglang sumigla ako nang marinig ko ang boses niya. Lumingon ako sa likuran ko at hindi ako magkamali. Si Yazi.

Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. "Oo na, alam kong namiss mo ang kagandahan- weyt teka" bigla ko siyang sinuntok sa tiyan.

"Walanghiya ka ilang buwan mo kong ginhost." reklamo ko sakanya. Tumawa naman siya at umupo sa upuan ko.

"At least may lovelife na ako" napanganga ako.

"May puso ka pa pala?" kunyaring gulat na tanong ko. Umirap naman siya at tumayo.

"Eto oh, at may nagmamay-ari na to" turo niya sa dibdib niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Huminga siya ng malalim at ngumiti na animoy kinikilig.

"Si Enzo" tumalon naman ako habang hinahampas ang braso niya. "Sabi ko na eh!!!" hinawakan niya naman ang kamay ko. "aray! Tigilan mo na nga yan"

Tumatawa kami hanggang mawala ang tawa namin at nanatili kaming tahimik. "I'm sorry for your lost Alaia, I'm so sorry" ngumiti ako. "Tulungan mo na lang ako maging masaya ngayon" ngumiti ako. Ngumiti din siya at tumango.

Lumabas kami ng office papunta sa sasakyan niya. Kailangan ko nang magpahinga. Hindi ko mahandle ang company na ito. Kailangan ko itong ibigay sa isang taong mapagkakatiwalaan ko.

"Ano ba to Alaia ang layo. Pwede lang naman tayo magstay sa bahay niyo eh. Maganda dun bakit dito sa farm pa" reklamo ni Yazi. "Shhh, hindi pahinga ang pinunta ko dito" bumaba ako ng sasakyan at nagsimulang maglakad papunta sa isang maliit na bahay sa gitna ng palayan. Agad ko namang nakita ang taong sadya ko dito.

"Sino ka?" tanong ng isang lalakeng nasa 30+ na ang gulang. Siya yung pinuntahan ko dito.

"Daniel Barcelona diba?" tanong ko sakanya. Tumango naman siya. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang mga papeles.

"Ikaw, si Daniel Barcelona. Ang nag-iisang magmamana ng mga ari-arian ni Khalil Ace Barcelona... na pumanaw na ilang buwan mula ngayon." malungkot na saad ko.

Mukha naman siyang nagulat. "Patay na si Khalil?! Paano-" huminto siya sa pagsasalita. "Hindi ako interesado" tumalikod na siya at akmang papasok na ng bahay. "Ilang taon nang sinusubukang tulungan kayo ni Khalil. Hanggang ngayon ba na wala na siya tatanggihan mo pa rin?" pagprangka ko. Natahimik na siya.

"Wala siyang pake samin ni inay" saad niya. "Kayo yung walang pake sakanya" napalingon siya sakin. "Inabandona siya ng nanay mo noong sanggol pa lang siya. Sa tingin mo sino yung walang pake sainyo?" natahimik siya. Tumalikod na siya at pumasok sa bahay. "Sabi ko, hindi ako interesado"

"Mahal ka niya at ng inay mo. Mahal na mahal" huling saad ko bago umalis. "Hindi ko alam na inabandona si Khalil noon..." tugon ni Yazi. "Nakwento niya sakin yun noon" sagot ko naman.

"Nga pala, sinong nag-aalaga ka Aiden?" tanong niya. "Ako syempre. Napamahal na rin ako sa bata eh" ngumiti ako. Mahal na mahal ko si Aiden na tinuturing ko na siyang sarili kong anak.

"Uyyy alam mo ba? Si Zari at Archie, silaaaa naaa" tili ni Yazi. Naningkit naman ang mga mata ko. "Diba si Archie-"

"Oo dzai. Straight na si Archie dahil kay Zari, oh kitaa mo yung powers ng beshieee natinnn" kinikilig na tugon ni Yazi. Tumawa lang ako.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon