Gabi na at tinatakpan ng mga ulap ang buwan. Napahinga ako mg malalim at nilingon si Yadiel na nasa kabilang silya malayo sakin. Wala kumibo samin mula kanina.
Nasa kritikal ngayon ang kondisyon ni papa kaya minadali kong mag book ng flight pabalik sa Pilipinas. Aabot ng 24 oras ang byahe dahil dadaan pa sa Paris, France at Turkey hanggang makabalik kami ng Maynila.
Nilagay ko na lang ang earpods ko sa tenga ko at nagpatugtog ng kanta.
(Now Playing: My Youth)
Bored ako at wala akong magawa kaya pumunta ako sa gallery ko at nag so-scroll lang sa mga dati kong photos. Nae-enjoy ko mag picture pero sa totoo lang, hindi ko na nakikita ang mga photos na kinuha ko noon.
Pumunta ako favorites ko at isang picture ang bumungad sakin. It's the only picture namin noon ni Yadiel noong college kami.
Napangiti ako nang maalala ko ang mga nangyari noong nasa college pa lang kami. Noong hindi namin alam na magpinsan kami, masaya lang kami at walang naghahadla na kung ano samin.
Napatingin ako ulit sakanya at hindi ko maiwasang mangamba. Sa dinami rami ng tao, bakit siya pa? Bakit siya pa yung minahal ko? At bakit hanggang ngayon mahal ko pa rin siya?
Huminga ako ng malalim para hindi tuluyang tumulo ang luha ko. Kailangan kong tapusin na to. Deal namin ay tapos na, wala na kami sa Iceland.
Ilang oras na ang lumipas hanggang makararating kami sa maynila. Naghihintay ako sa luggage nang tumabi siya sakin.
"Alaia" pagtawag niya. Tumingin ako sa kanya na diretso sa mata.
"Wala na tayo Yadiel. Yan lang ang malilinaw ko. Natatakot ako na baka... baka naging kritikal ang kondisyon ni papa dahil nalaman niyang nagkita tayo sa Iceland" tugon ko.
Huminga siya ng malalim. "Tama ka. Bumalik na tayo sa normal nating buhay" kinuha niya ang luggage niya at nauna nang maglakad.
"It was a nice trip, Tala" at tuluyan na siyang umalis.
----
Napabuntong hininga ako bago kumatok. Bumungad agad si mama sakin at niyakap ako. Umiiyak siya.
"Anong nangyari ma?" kinakabahang tanong ko. Lumayo siya sakin na nahihirapan nang huminga. Pinaupo siya ng mga nurse at inalalayan. Tumingin naman ako sa doctor.
"I'm sorry Ms. Alvarez, ngunit ilang araw na lang ang natitira para sa papa mo. His heart is so weak" pagpapaliwanag niya.
"What about operation? Kahit magkano babayaran namin-"
"Ms. Alvarez, 50/50 na ang kondisyon niya at kapag magkaroon ng operasyon, malaki ang chance na mamatay siya during operation" nanigas ako.
"Please make his last days happy. That's the best we can do for the patient" saad niya at tuluyan nang umalis.
---
Dahan dahan akong umupo sa tabi ni papa na mahimbing na natutulog. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Pa naman eh, kung eto lang naman ang malalaman ko sa birthday ko eh sana hindi na ako nag birthday" nararamdaman kong nabubuo na ang mga butil ng tubig sa mata ko.
"Pa, ikaw yung first love ko. Sabi nila first love never dies diba? Bakit mo ko iiwan?" tumutulo na ang mga luha ko.
"Pa naman eh. Ikaw yung nag-alaga sakin buong buhay ko, pinahalagahan mo ako at tinuring na prinsesa. Oo nag-aaway tayo pero nagbabati rin naman diba?" Humagolgol na ako.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Fiksi Remaja(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...