Chapter 16

12 2 16
                                        

Yazi's POV

Napahinga ako nang malalim at sinarado ang laptop ko. Tinapos ko na ang project, tapos passed 1 minute early ako. Naks, hindi na late.

Napaupo ako sa kama ko habang hinahawakan ang picture frame niya. Sa totoo lang, pwede akong magwala ngayon eh. Wag kumain, wag mag-aral, at magkulong lang sa kwarto.

Pero agad ko namang naisip kung paano makakakaapekto ang mga gawing iyon sakin. Kahit gawin ko yun, hindi pa rin mababalik si Pierce sakin. So I chose to live, trying to be happy.

Pero hindi pa rin gumagaling yung sugat ng pagkawala niya. Nagpapasalamat ako kay Ali, nandyan siya parati para sakin at damayan ako tuwing umiiyak ako.

Napalingon naman ako sa phone ko, nang mag invite ng video chat ang dalawang bakla. Ngumiti ako at sumali sa video call.

"Ay ayan na siya oh" excited na bati ni Zari.

"Ghorl, pasalamat kita mahal kita. As a friend nga lang. Kinuha mo pa ang first kiss ko punyeta ka" saad ni Archie at inerapan ako.

Tinawanan ko lang siya. Magkakaibigan na kaming tatlo, pati na rin si Ali dahil nakakarelate kami sa kwento ng isa't isa.

"Uy girl, wala kang class ngayon diba? Bar tayo"

"Sige ba" game na game na sabi ko.

"Aba di patataob to sa inuman ha" pang-aasar ni Zari.

"Ako pa" ngisi ko at nag flip hair.












Napahinga ako nang maluwag habang pinagmamasdan ang malaking paaralaang nagngangalang Ateneo. Uwian na nila. Halos lahat ng mga mag-aaral dito ay may kotse, o di kaya ay magagara ang kasuotan nila.

Sa bagay, iilan lang din naman ang scholars dito. Nakapakamahal ng tuition fee, kaya siguradong mayayaman ang mga estudyante dito.

"Hi miss" napalingon ako sa kaliwa ko at bumungad sakin ang isang lalakeng malaki ang katawan. Mukhang nasa Ateneo din ito nag-aaral. Hindi ko na lang siya pinansin at iniba ang direksyon.

Nanigas ako nang bahagya niyang hawakan ang pwetan ko.

"Hey, kanina ka pa naghihintay? I'm sorry ha. Pinaghintay kita" saad nang lalake mula sa malayo. Kumakaway siya, pero hindi ko siya kilala.

Mukhang mabait ito kaya lumapit ako sakanya.

"Hindi naman ganon katagal"

Kunyari ay nag-uusap kami hanggang mawala na sa paningin namin ang lalake. Napahinga naman ako ng maluwag ang muntik nang maiyak.

Ilang beses na ako na harass. Nakakaputangina lang kase hanggang sa public hina harass ka pa rin kahit wala ka namang gingawa. Hindi nga ako nagpapakita ng balat, at mababastos pa ko.

"Miss ok ka lang?" naawang tanong ng lalakeng tumulong sakin.

Nahihiya akong tumango rito.

"Salamat sa pagtulong" grateful na saad ko.

"Louis Enzo nga pala, 4th year highschool dito sa Ateneo"

Napatingin ako sa kamay niya at nagbuntong hininga.

"Yaretzi Blair Lopez, 1st year college in University of the Philippines"














Alaia's POV



Natatawa ako habang pinagmamasdan kung paano mabalisa si Yadiel.

Kanina pa siya nag try ng mga kasuotan at ngayon nakasuit na siya. Napalingon siya sakin at lumapit. Tinuro niya ang tie niya.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon