Chapter 31

19 1 0
                                    

(Play: Mundo by IV of Spades for better reading"

"Hindi mo pinsan si Yadiel"

Ilang segundo akong natigilan dahil sa sinabi ni mama.

"Ma, ano bang kasinungalingan na naman yan. Alam nating lahat na pinsan ko siya-"

"Hindi anak" pagtigil sakin ni mama. Napahawak siya sa ulo niya. Hinawakan ko naman ang braso ni mama.

"Umuwi muna tayo. Sa bahay ko na lang ipapaliwanag ang lahat. Napagod ako sa araw na ito" tumango ako.

Pareho kaming tahimik ni mama habang nasa sasakyan kami. Gulong gulo ang isip ko. Hindi ko pinsan si Yadiel? Paano? Bakit naman magsisinungaling si papa sakin? Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

Nang makarating kami ni mama sa bahay ay pinakuha niya ako ng tubig habang nakaupo siya sa sala. Binigay ko kaagad ang tubig kay mama at umupo sa harap niya.

"Hindi ka namin tunay na anak." nanigas ako sa sinabi ni mama.

"Akala ko hindi na ako magkakaanak. Isang araw papunta kami sana sa bahay ng lola mo ay may nakita kaming sasakyan na naaksidente. Agad naman kaming tumawag ng ambulansya. Pero napukaw ang atensyon ko sa isang bata na hawak ng ina niya" tumingin siya sakin.

"Ang huling sinabi niya bago siya mamatay 'please raise my daughter well. Give her the love that I can't give her" nanatili akong tahimik habang nagsisimulang umiyak si mama.

"P-pero bakit hindi niyo sinabi sakin ang totoo? Lalo na nang makilala ko si Yadiel? Ma, alam niyo namang mahal na mahal ko siya eh" nanatili akong kalmado kahit medyo galit.

"Noong highschool kami ng papa mo, bestfriends kami. At kasama niya noon sa Pilipinas si Tino, ang papa ni Yadiel, kapatid niya. Sobrang close nila noon hanggang makilala nila ang dalawang magkapatid na sina Faye at Mina" ngumiti ng saglit si mama.

"Naging magkaibigan kaming lima, o akala ko kaibigan lang ang tingin nila sa isa't isa. Ang papa mo, mahal si Faye. Habang si Faye naman, mahal si Tino, pero mahal ni Tino si Mina. Mutual feelings sina Tino at Mina. Pero biglang nag-away sina Mina at Faye dahil nalaman ni Faye na may sikretong relasyon sina Tino at Mina. Mahal ni Mina ang kapatid niya kaya umalis siya sa bansa at lumayo layo. Hindi nagtagal, napamahal din si Tino kay Faye kaya naging sila. Habang yung papa mo, naiwang mag-isa" tumingin siya sa itaas.

"Kaming dalawa ang parating magkasama ng papa mo noon, kaya nagkagusto ako sakanya. Ilang taon ang naglipas hanggang mabalik niya sakin ang nararamdaman ko para sakanya. Kita mo anak? Ako yung extra sa kwento haha" nakikita kong malungkot ang mata niya kahit tumatawa siya.

"Ilang taon ang naglipas at nagkaroon kami ng pamilya. Nung namatay ang una naming anak na lalake, in-adopt ka namin. Pero hanggang napanganak ko ang kapatid mo si Sage. Masaya si papa mo kasama ako hanggang may malaman siyang balita. Namatay si Faye dahil sa galit kay Tino. Nung nasa UK na si Tino at Faye, dun niya ulit nakita si Mina. Nanaig ang pag-ibig nila sa isa't isa kaya nagkikita sila kahit mag-asawa na sina Tino at Faye. Mayroong anak si Faye sa una niyang relasyon at masaya naman iyong inaruga ang bata na walang iba kundi si Yadiel. At nalaman ni Faye ang betrayal ng asawa at kapatid niya sa iisang bahay kasama si Yadiel. Dahil sa sobrang galit, na stroke siya at namatay." natahimik siya saglit.

"Doon ko narealize na mahal pa rin ng papa mo si Faye" umiyak siya.

"Kasi kinamuhian niya ang sarili niyang kapatid dahil sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang babae. Oo minahal din ako ng papa mo. Pero hindi katulad ng pagmamahal na binigay niya kay Faye" lumapit ako kay mama at tinapik ang likod niya.

"I'm sorry ma..." tumingin sakin si mama.

"Wala kang kasalanan" hinawakan niya ang kamay ko.

"Ngayon, gusto kong pumunta ka kay Yadiel at sabihin mo ang totoo. Ayaw kong matulad yung istorya mo sa pagmamahalan namin ng papa mo" tumingin ako sa sahig.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon