Chapter 25

8 2 0
                                    



Napahinga na lang ako ng luwag nang magising ako pagkatapos umidlip. Masama ang pakiramdam ko ngayon. Mataas ang lagnat ko at sinisipon pa.

Mag-isa lang ako ngayon sa bahay. Nasa Baguio ngayon si Khalil, at si Aiden naman nasa tita niya niyang kapatid ni Astrid.

Si Yazi naman ay busy kase tinatapos niya pa ang mga practice trial niya. Ayaw ko namang guluhin siya kasi malapit na siyang maging ganap na abogado.

Napatingin ako sa phone ko. Nakita ko sa contacts ang pangalan ni Zari at Archie. Matagal ko nang hindi nakita yung mga bugok na yun. Matawagan nga.

Nag ri-ring ang cellphone ko ng agad naman nila itong sinagot.

"Uy Alaia! Buhay ka pa palang bruha ka" bungad sakin ni Archie.

Natawa naman ako at humiga.

"Aba'y kayo kaya ang parating busy. Hindi na tayo nakakalabas. Musta na lovelife mo bakla?" tanong ko sakanya.

"Hayyy, eto. Maraming nagmemessage saking mga arabo. Kaso gusto ko ng papa eh, hindi lolo" pag-iinarte niya. Narinig ko namang nag-aagawan sila ni Zari sa kabilang linya.

"Dzaayt Ali, mustaa na?" pagbati sakin ni Zari.

"Eto okay lang"

"Huyy, anong nangyari sayo, bat ganyan ang boses mo? Parang kambing" saad niya habang naririnig ko siyang kumakain ng chips.

"Hoy favor nga. Alagaan niyo ko. Masama pakiramdam ko eh" saad ko sakanya.

"Oy girl busy kame, pero may kakilala akong pwedeng mag-alaga sayo"

"Ha sino-"

"Sige bye, love you papunta na siya dyan" pagkatapos ay binaba na niya ang telepono.

Kumunot naman ang noo ko. Napatingin naman ako sa oras. 5:30 na. Pero hindi pa ako kumakain ng kahit ano simula kanina. Wala akong gana at walang magluluto sakin.

Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay nagtungo ako sa cr para umihi. Napahinga ako ng maluwag ng mabawasan ang dinadala ko. Napasigaw naman ako nang bumukas ang pintuan.

Si Yadiel na gulat.

"S-sorry-" sinarado niya agad.

"I swear! Wala akong nakita!" sigaw niya mula sa labas. Nakatitig lang ako sa kawalan habang unti unting prinoproseso ang nangyari lang.

-----

Bumuntong hininga ako bago bumukas ang pinto. Nadatnan ko si Yadiel na tulala lang sa tv at hindi lumingon sakin nang buksan ko ang pinto.

"Ikaw yung pindala ni Zari dito?" tumango naman siya na hindi tumitingin sakin.

"Wag ka na ngang ganyan. Wala ka namang nakita diba?" Tumango ulit siya.

"Kaya magluto ma don" saad ko. Ngayon naman ay napalingon siya sakin na nakakunot ang noo.

"Sabing magluto ka na don. Gutom na ako wala akong kinain buong araw" hindi siya nagsalita at nagpatuloy na kumunot ang noo.

Naglakad ako papalapit sakanya at pinatayo siya. Hinatak siya papunta sa kitchen ng kwarto ko.

"Ikaw" turo ko sakanya.

"Magluluto" tapos nagkunwari akong nagluluto.

"Naiintidihan kita" inis na saad niya.

Sumimangot ako.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon