Chapter 19

16 2 12
                                    

"Alaia?" napaupp naman ako nang mabilis nang tawagin ako ni sir.

Kulang na kulang ako sa tulog. Finals namin ngayon. Tapos ko nang makuha ang lahat ng exams. Napatingin naman ako kay sir nang binigay niya ang results ng test.

51%

Napahinga ako ng malalim. Hindi naman ako bumagsak, pero mababa ito kaysa sa mga exams ko na kinukuha ko noon.

Dalawang buwan na simula nang wala na akong tulog. 11 pm, aalis kami ni Yadiel sa bahay. Pupunta sa lawa o di kaya kung saan walang makakakita samin. Tapos 3 ako babalik sa bahay. Matutulog at magigising ng 5 sa umaga.

Nag-aaral naman ako, pero madalas bigla na lang akong nakakatulog. Hindi ko naman sinasadyang makatulog pero ganon ang kinahinatnan ko. Hindi naman kasalanan yun ni Yadiel.

Sabi niya ok lang naman na tumanggi daw ako. Pero ako mismo ang hindi nakakatanggi. Kasi stress na stress ako ngayon sa buhay ko. Parating nag-aaway si mama at papa at hindi namin alam ni Sage ang dahilan.

Kaya si Yadiel na lang talaga ang makakapitan ko ngayon. Basta't kasama ko siya, pakiramdam ko magiging ok lang ang lahat. Malalagpasan ko ang lahat ng probelamang pasan ko ngayon.

Tapos na ang klase. Natapos na ngayong umaga ang lahat ng exams kaya makakauwi na kami sa hapon. Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Sir. Jimenez. Pumunta kami ulit sa office niya. Agad naman akong kinabahan dahil sa seryoso niyang mukha.

"Alaia, what is happening to you? Bakit biglang bumababa ang scores mo? Oo nakakapasa ka pero hindi ito ang usual na score na makukuha ko sayo. Even other professors noticed the changes. Alaia, running for cum laude ka diba? Keep that in mind na mula 1st year hanggang fourth year ng college ang magiging basehan ng grades mo. Alaia may problema ka ba?" Oo sir, madami.

"Stressed lang ako sir. Sir if you mind, gusto ko nang magpahinga. Good bye sir" saad ko. Pero agad naman ako napalingon nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

"Alam kong nagkikita pa rin kayo ng pinsan mong si Yadiel" nanigas ako.

"Hindi ako nakikialam sainyo Alaia. Gawin niyo kung anong gusto niyo. Pero aalahanin niyo kung anong magiging resulta nito. Ang kinababahala ko lamang ay ang iyong edukasyon. Matagal mo nang pinaghirapan makatungtong sa paaralang ito. Sana wag mong sayangin" saad ni Sir. Jimenez at umalis na.














"Ate!" tawag sakin ni Sage. Ngumiti naman ako ng matamlay sakanya. Pagod ako kaya wala akong lakas.

"Ate kumain tayo ng halo halo. Any init pa naman ng panahon ngayon" ngumiti siya.

Gustong kong humindi kay Sage, kaso minsan na nga lang siyang makakain ng gusto niya. Mas lumiiit kasi ang baon namin at mas lumaki ang babayaran sa school.

"Ako na ang sasama sayo Sage. Pagod ang ate Ali mo" saad ni Yazi at umakbay kay Sage.

Tumango si Sage at nagpaalam na mag-cr. Binigyan ko naman si Yazi ng thank-you-look at niyakap siya.

"Salamat Yazi. Hindi na ako nagtaka bakit ikaw ang bestfriend ko. Maraming salamat talaga. Magpapahinga muna ako" saad ko at lumayo ng yakap sakanya.

Pero nakatingin siya sakin ng hindi maganda.

"Ali, alam ko ang pagkikita niyo ni Yadiel. Sinabi sakin ni Sir. Jimenez kasi he thinks na dapat aware ako dito dahil kaibigan mo ko" saad niya. Napayuko naman ako.

"Hindi ko alam Ali. Alam ko namang mahal na mahal niyo ang isa't isa. Pero alam niyo namang mali, pinagpatuloy niyo pa?" sumisikip ang dibdib ko. Inaasahan ko namang hindi aayon samin si Yazi eh. At kung sino pang tao.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon