Chapter 20

14 2 3
                                    

Naglalakad ngayon ako sa kalye. Matirik ang araw pero hindi ko ito dama. Napakaraming problema ang nangyari ngayong buwan.

Si Tita Faye, yung mama ni Yazi, namatay. Cardiac arrest ang dahilan. Nadala naman siy sa opsital pero di na niya kinaya at bumitaw na.

Isang linggo na simula nang malibing siya at isang linggo na ring hindi ko nakikita si Yazi. Simula nang mamatay si Tita Faye, nagkulong na siya sa kwarto niya.

Kumakain naman siya pero di siya nagpapakita. Inillagay lang sa labas ng kwarto niya ang pagkain at kukunin niya lamang ito pag walang taong nakakakita sakanya. Nalaman ko ito dahil parating ubos na ang pagkaing dinadala ko sakanya.

Ayaw niyang kumunsulta sa doctor. Hindi naman siya nagwawala pero pinapabayaan niya ang sarili niya. Pag daw lumapit ako sa doctor o awtoridad, hindi na siya kailanman magpapakita sakin.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Yazi. Natigilan naman ako paglalakad nang may yumakap sakin mula sa likod.

"I miss you" saad niya na dahilan ng pagngiti ko. Hindi na kami masyadong nagkikita ni Yadiel kasi parati kong kasama si Yazi. Nasa bahay lang nila ako kasi takot akong may gawin siya sa sarili niya. Yung tita niya ngayon yung kasama niya para makauwi ako.

Hinila niya ako malapit sa lugar na wala masyadong tao. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Marami pa akong gagawin, pero namimis na kita" niyakap niya ako at isinuksok ang ulo niya sa leeg ko.

Maya maya pa ay lumayo na siya sakin. Hinalikan ang pisnge ko at umalis na.

Napahinga ako ng malalim pero napangiti. Isang week na kaming hindi nagkikita... pero hindi man lang siya nagreklamo.

Naglakad na ako ulit pauwi sa bahay nang makita kong nakatitig sakin si Khalil habang umuupo sa swing sa plaza.

Naglakad naman ako papalapit sakanya at umupo sa katabi niyang swing.

"Kamusta na-" nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Yumakap naman ako pabalik.

Hindi siya nagsalita. Maya maya pa ay kumalas na siya sa yakap namin at tumitig sa mata ko. Huli na nang maramdaman kong nagdikit ang aming mga labi.

Agad naman akong tumayo at napatingin sakanya ng masama.

"KHALIL, ANO BA?!" galit na tugon ko.

Tumayo naman siya at hinawakan ang balikat ko.

"Sinabi sakin lahat Yazi. And naging manhid lang ako Alaia. Nabulag lang ako sa katatohanang iniisip kong mahal ko si Astrid. Pero ang totoo, ikaw yung mahal ko. Ikaw yung parating nandyan para sakin"

"Pero wala lang ako sayo noon diba?"

Napahinga ulit ako nang malalim bago humarap sakanya.

"Sa totoo lang Khalil, hindi naman kita minahal nun eh. Infatuation lang yung naramdaman ko. And nalaman ko lang iyon nang maramdaman ko ang totoong pagmamahal kay Yadiel" saad ko na nagpatahimik sakanya.

"Nagkikita pa rin kayo no?" napangisi siya. Napalunok naman ako.

"H-hindi" tanging saad ko.

"Bat kayo nagkikita pa?! Alam mo namang hindi na kayo pwede ha. Magagalit si tito sa ginagawa mo"

Napayukom ako ng kamao.

"Khalil, please wag mong pakialaman to. Please wag mong sabihin to kina mama at papa"

"Obligasyon kong sabihin ang totoo sa mga magulang mo dahil kaibigan mo ko"

"Tangina Khalil! Obligasyon lang ba talaga ang pakay mo?"

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon