"We're not even a scientist but how come we made chemistry"
Saad niya habang nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang kamay.
Napahilamos naman ako mukha at napasigaw.
"Pwede ba? Tigilan mo na yan! Pang isang daang banat mo na yan, hindi mo ako mapapakilig" madiing sabi ko.
Nagdabog naman siya at napatayo. Kinuha ang backpack niya at naglakad pababa. Salamat at wala na yung salot sa buhay ko.
Nandito kami sa dorm ngayon. Nag do-dorm na kami kasi medyo malayo ang bahay. And ngayon busy ang schedule kaya hassle kung araw araw akong magbabyahe.
Ipinusod ko ng maayos ang buhok ko at nagsimula nang mag-aral. Pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi sakin ni Yazi.
Nahulog na ang coke na binili ko mula sa machine kaya kinuha ko ito at nagsimula nang maglakad pabalik sa table namin ni Yazi.
Napansin kong tahimik siya buong araw at napapatulala na lang kahit saan. Pumalakpak naman ako sa harap ng mukha niya.
"Hoy! Bat ang lalim ng iniisip mo? Akala ko wala kang isip?" pagbibiro ko sakanya at sinimulan ang pagkain ng soup na binili ko.
"It's about Yadiel"
Napatigil ako sa pagkain at dahan dahang napalingon sakanya. Nagtataka naman akong inaalam kung anong iniisip niya ngayon.
"He's been hanging out with Zari very often" tapos inalog alog niya ang balikat ko.
Tinulak ko naman siya palayo at napairap na lang.
"Wala akong pake sa mga ganyang bagay Yazi" tipid na sagot ko.
"Bat paiba iba ka? Akala ko gusto mo na si Yadiel dahil sa pinaggagawa mo. Pero ngayon naging cold ka na"
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ang hot ko kaya"
"I like jokes, but I like hUmor"
Nararamdaman ko na namang nang-iinit ang ulo ko at mamaya makakasakal ako.
"Lintek kang Yadiel ka, tigilan mo na yang mga banat mo. Kakairita" saad ko at mas binilisan ang paglakad.
Agad naman siyang nakahabol kasi ang haba at laki ng mga paa niya. Ano bang laban ng mga weak kong tuhod.
"Titigil lang ako kapag bumanat ka" tugon niya at kumindat.
"You look like taehyung without hyung. Kbye" agad akong umangkas sa tricycle na nasa tabi ko.
"HOYYY BABES! WAG MO KONG IWAN! TRAYDOR!"
Narinig ko pa siyang sumisigaw at hinahabol ang tricycle. Hindi ko napigilan ang pagtawa nang matisod siya at madapa. Matangkad na payat ft. Lampa HAHAHA.
Yaretzi's POV
Nakatambay ako ngayon sa isang milk tea shop habang hinihintay si Pierce. Pumupunta siya dito araw araw pagkatapos ng klase niya.
Bwiset kasi yung dalawa. Iniwan ako. Nag bebe time na naman, wala pa naman silang label. Si Ali kasi parang bipolar. Parang nakaraang araw nagseselos kina Yadiel at Zari. Pero ngayon wala na siyang pake. Tch. Basta team Yadiel ako.
Speaking of Yadiel, agad ko siyang nakita na kasama si Astrid. Kakaway na sana ako kaso napansin kong parang nag-aaway sila. Ngayon ko lang sila nakitang mag-away simula nang naging sila. Pero problema naman nila yan, bala sila dyan.

BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Fiksi Remaja(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...