Chapter 14

14 2 8
                                        

It's been a month since namatay si Pierce. And everyday, Yazi is getting better. Nakikita mo pa rin ang lungkot sa mga mata niya, pero unti unti mo na ring nakikita ang pasimple niyang pagngiti.

Hindi niya naman tinatago ang damdamin niya. Kada gabi, umiiyak siya sa balikat ko at napapamura, kinikwento kung gaano niya kamahal si Pierce. Sabi pa nga niya, tatanda na daw siya na dalaga.

Kami ni Yadiel? Ok lang kami. Hindi nga lang kami nagkikita masyado ngayon. Mas palagi kong kasama si Yazi kasi alam kong kailangan niya ng karamay, at naiintidihan naman ni Yadiel yun. Ang swerte ko sakanya.

Sabado ngayon at nandito ako sa bahay. Alas diyes na ng umaga nang gumising ako dahil nagbasa pa ako ng wattpad kagabi.

Napangiti ako sa luto ni mama. Itlog at tocino. Lumapit ako kay mama at niyakap siya mula sa likod. Bahagyang hindi naman gumalaw si mama.

"Good morning ma" malambing na saad ko.

Napangiti naman ako at sumakay sa likod ni papa.

"Good morning Commander pa" sambit ko kay papa at inilapag ang ulo ko sa balikat niya.

"Ang bigat mo ate, baka umatake naman ang rayuma ni papa" pang-aasar ni Sage. Binatukan ko naman siya.

"Ma rinig ko sa highschool campus, may nililigawan daw si Sage" ngumisi ako sakanya.

Pumula naman ang mukha niya at tinuro ako.

"Ma si ate may boyfriend na" pang-asar naman niya pabalik. Natahimik ako bigla. Siguro guilty ako?

Hinaplos naman ni mama ang balikat ko.

"Totoo anak?" napayuko naman ako.

Narinig ko na lang na tumawa sila ni papa.

"Akala kasi namin mag mamadre ka na anak" biro ni papa.

"Pa naman eh!" hinaplos naman ni papa ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"Niligawan ka ba niyan? Bat hindi muna siya dumaan sakin?" maawtoridad na saad ni papa.

"Mga 4 na buwan siyang nanligaw sakin pa. Tapos sinagot ko siya one month before" namumulang saad ko kay papa.

Tumango naman siya. Hinatak naman ako ni mama papuntang kusina.

"Pakita mo naman yung picture niya sakin dali, baka gwapo" kinikilig na tugon ni mama.

Natawa naman ako at binuksan ang phone ko. Pumunta ako sa library ng phone hanggang makita ko ang picture naming dalawa. Ipapakita ko na sana kay mama pero na lowbat ang cp ko.

"Di pala ako nakapag charge ma" napakamot ako ng ulo.

"Pero gwapo siya anak? Ano siya, macho? Moreno?" kumikinang ang matang tanong ni mama.

"Tisoy na matangkad" napasigaw naman si mama.

"Ano pa, ano pa?"

"May dimple sa kaliwang pisnge" sumigaw ulit si mama.

"Mayaman?"

"Opo"

Niyakap naman ako ni mama.

"Jackpot yan anak. Wag mo nang pakawalan" tumango naman ako kay mama.














Wala akong magawa sa bahay kaya pumunta ako sa kwarto ni Sage.

"What are you doing here?" masungit na tanong niya habang naglalaro ng ROS.

"So sino yung nililigawan mo?" mapang-asar na tanong ko.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon