Chapter 1

104 6 8
                                        

"So ano, buong araw ka lang tititig sa mga glow in the dark stars na yan?" iritadong sambit ni Yaretzi.

May gala sana kami ngayon kaso ayaw kong gumala. Kasama niya kase yung ilang barkada niya. Alam niya namang introvert ako.

"ALAIA TALA ALVAREZ!" sigaw niya.

Napa-irap ako ng mata at pilit na bumangon sa kama ko.

"Ugh finee!" sigaw ko.

Tumalon talon naman ang bruha, masaya kasi makikilala ko na ang mga kaibigan niya.

Kinuha ko ang towel ko at pumasok na sa banyo. Nagpatinag ako sa salamin. May tatlong maliliit na pimples na tumubo sa noo ko. Pero wala din naman akong pake. Maganda pa rin ako.

Speaking of Maganda, I'm Alaia Tala Alvarez. My friends just call me Ali. Isang normal na magandang estudyante, studying at UP. With black wavy hair na hanggang pusod ko, dark brown eyes with not so talk nose and pinkish yet pale lips. 5'4 lang ang height ko. At the age of 18, narealize ko na kailangan ko ng social life.

I'm an introvert. Gusto ko lang mag stay sa bahay at magbasa ng libro. O di kaya manood ng movies o mag jamming na lang kasama si Yazi. Yazi is my only friend since childhood. I don't want to make a lot of friends, kasi alam kong marami sa kanila ay toxic.

So what's the point of having a lot of friends yet they are fake, right? And si Yazi lamang ang nag stay kasama ko kahit ganito ang ugali ko. Cold ako at sensitive. Hindi palakausap except kapag kasama ko si Yazi.

Palabas na ako ng cr nang aastang kakatok si Yazi.

"Bat ka ba nagmamadali? Pft" saad ko sakanya at inalis siya sa daanan ko.

"Oh come on girl, may kasama ang friend ko na isang japanese. Alam mo naman na mahilig ako sa anime dibaaa" kinikilig na tugon niya.

Napailing na lang ako. Hayyyyy Yazi, hindi kasing gwapo ng mga anime ang japanese na iniisip mo. Hay buhay.

Isinuot ko na lang ang t-shirt and jeans ko. Tapos nagdala lamang ako ng isang mini bag na malalagyan ko ng cellphone at wallet ko.

"Tara" aya ko sakanya.

Tinitigan niya naman ako na nagtataka.

"Anong tara? Wala ka ngang liptint o make up man lang" reklamo niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala akong pake dahil maganda na ako, now tara na"

Ipinatayo ko siya ng upuan at pilit na pinapalabas.

Nagpaalam muna ako kay mama at papa. Ipinadalhan pa ako ng kapatid ko ng pagkain. Tsk patay gutom.

Nag jeep lang kami papunta sa coffee shop na sinasabi ni Yazi.

"Yazi wala akong pera. Bat sa Starbucks pa kayo pupunta" reklamo ko sakanya.

"Ughh girll! Yayamanin tong friend mo kaya taraaaa naa" hinila naman niya ako papasok sa coffee shop.

Kinawayan niya ang mga friends niya. May kasama itong mga lalake. Akala ko ba mga gwapo tong mga to? Eh parang tambay lang to sa mga kasalda na maraming piercings.

"Akala ko ba friendly date to? Eh bat parang frat tong napasukan natin?" naiiritang tugon ko kay Yazi.

"Alam mo, tama ka, tara uwi na lang tayo" pag-sang ayon ni Yazi. Buti na lang at hindi kami napansin ng mga kaibigan niya. Sasabihan na lang ni Yazi na nagka diarrhea daw siya.

Naglalakad kami ngayon sa isang bridge. Hapon na at nakikita na ang sunset. Napangiti ako dahil maggagabi na, at makikita ko na ulit ang mga stars.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon