Chapter 15

13 2 11
                                    

Napahinga ako nang malalim habang mabigat ang pakiramdam. Umagang umaga andito ako sa 7/11 nakatitig sa cup noodles kong umiinit pa lang.

Mas gusto ko ngayon mapag-isa. Bakit? Kasi nag-away kami ni Yadiel. At sa 2 buwan naming pagiging magkrelasyon, ito ang unang beses na nangyari to.

-14 hours ago-

Ngumiti sakin si Eya, Yadiel's friend from UK. She's british, but her mother is half filipina. So may dugo siyang pilipina.

"So you're the lucky girl na parating kinikwento sakin ni Yadiel?" nakangiting tanong niya. She seems nice.

She has a brown hair, with bright skintone. Payat siya na curvy. She has small face, with nice jawline, big lips, small nose and light green eyes. She looks like a goddess. Maganda na nga, mabait pa.

"Yes, I'm Alaia Tala Alvarez" nakangiting bati ko rin at nakipag shale hands sakanya.

"Oh, you're also studying at University of the Philippines, right?" tanong niya habang nakatingin sa juice na iniinom niya.

Tumango lamang ako. Nagpaalam namang magbanyo si Yadiel. Mukha kasing nagkakasundo na kami. Gusto naman niyang magkaibigan yung girlfriend siya, saka yung bestfriend niya.

Pero nang tumingin ako kay Eya, iba na ang ekspresyon niya ngayon. Yung mabait niyang mata kanina, ay mukhang handa nang pumatay ng tao ngayon. Ang nakangiti niyang labi ay nabahiran na ng galit. Tapos pumupula ang kanyang tenga.

"Hindi ko alam na bumaba na ang standards ni Yadiel sa pagpili ng girlfriend. How pity" saad niya habang pinaglalaruan ang hawak niyang baso ng wine.

"What do you mean?" nakakunot kong tanong.

"He dumped me for a girl like you. I hate that moment. How can he dumped a professional model for a terorist?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinampas siya ng tubig.

"What? Terorist?" galit na tugon ko.

"Diba ganon yung mga UP students? Always against government? Tapos nakikisali kayo sa mga Terorista?" palaban na sagot niya.

Ngumiti naman ako ng sarcastic.

"Oo kaming mga UP students, sometimes kinokontra namin ang gobyerno. Kasi alam mo? Hindi naman kami bulag eh. At ayaw naming magbulag bulagan lang. Sa tingin mo ba magra-rally kami dahil sa wala lang kaming pinaglalaban? Girl, ang nasa harapan mo ngayon, proud na iska. Kasi yung gobyerna ngayon, hindi na nag-iisip sa kung anong makakabuti sa mga mamayan. Ang iniisip nila, paano sila mag co-corrupt. Kung paano nila nakawin ang milyon o kahit bilyon na pera para lang sa kasiyahan nila" saad kong nakatitig sakanya.

Wala naman siyang masabi. Ngumisi siya.

"How would I knew. But remember, maganda ako. Professional british model? Oh common. Mababawi ko si Yadiel sayo"

Unti unti naman akong lumapit at humarap sakanya. Medyo tumitingala ako kasi mas matangkad siya.

"I maybe not as pretty as you, but at least I don't have that trash attitude like yours" saad ko at umalis na ng resto.

Akala ko mabait, plastic pala.

Ilang minuto ang nagdaan nang may humawak ng braso ko.

"Anong ginawa mo kay Eya? Bakit duguan ang braso niya?" medyo galit na tanong ni Yadiel.

"Anong pinagsasabi mo?" naiirita kong tanong.

"Inaway mo siya. Natumba siya at hinagis mo ang wine sakanya. Malubha ang kalagayan niya ngayon. Bat mo ginawa yun?" sigaw niya sakin.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon