Chapter 28

13 2 3
                                    

(Song of the Chapter: Two Less Lonely People in The World)



Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. Napalingon ako sa aking kaliwa at bumungad sakin ang glass door ng hotel. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.

Ahad akong huminga ng malalim habang nilalanghap ang sariwang hangin mula sa balkonahe. Itinaas ko ang kamay ko at nag strech. Bigla naman akong natigilan nang maramdaman kong may yumakap sakin mula sa likuran.

"Good morning" saad niya gamit ang malambing na boses. Napangiti naman ako at hinawakan ang kamay niya na nakayap sakin. Inilayo ko ito sa beywang ko at humarap ako sakanya para yumakap.

"Good morning din, kamusta ang tulog?" tanong ko. Humiwalay na kami sa yakap ng isa't isa habang magkahawak pa rin ang mga kamay. Mukhang umaga pa lang pero sa totoo lang ay 6:00 na ng gabi.

Dito kase sa iceland hindi katulad ng normal na bansa na may umaga at gabi. Dito, kahit umaga na, madilim pa rin na akala mo ay gabi.

"San mo gustong pumunta muna?" tanong ko sakanya.

"Kahit saan, basta kasama ka" nakakunot noong tumingin ako sakanya. Nakaakbay siya sa balikat ko.

"Corny mo" buwelta ko at umirap. Tumawa naman siya.

"Joke lang eto naman. May gusto akong puntahan na craft store dito. Pwedeng ikaw mismo gumawa ng mga bagay na gusto mo" suhestiyon niya. Tumango na lang ako.

Agad kaming nagbihis. Nakasuot ako ng isang puting turtleneck, black leggings kasama ang plaided black and white skirt. At sinuot ko rin ang comfy black jacket, kasama ang layered necklace.

Napalingon naman ako kay Yadiel na nagsusuot ng relo. Naka black turtleneck siya at pinatungan ng black jacket. Kasama na rin ang black na pants. Mukhang may lamay lang na pupuntahan ha. Buti na lang malakas ang appeal neto.

Pinaharap ko siya  sakin at inayos ko ang jacket niya. "Ayan" saad ko. Napatingin ako sakanya at napansin kong nakatitig siya sa mukha ko. "Tara na nga" saad ko sabay hatak sakanya palabas ng hotel.

Naglakad lang kami papunta sa paroroonan namin. Nakakahiya nga kasi HHWW ang peg namin habang naglalakad. Pero dedma lang naman ang tao.

Nakapunta kami sa isang shop na malayo sa bayan. Binuksan ni Yadiel ang pintuan at agad namang umingay ang mga bells na nasa tabi ng pintuan.

"Ah, tao po" siniko ko siya. "Wala tayo sa Pilipinas no" saad ko.

"Wala kayo sa Pilipinas ngunit Pilipino ang may-ari nito." gulat akong napalingon sa matandang nanggaling sa likuran ng shop. Maputi na ang buhok nito at kulubot na ang balat. Medyo kuba na ang likuran nito at may dala dala itong tungkod.

"Mano po, Mang Mani" magalang na saad ni Yadiel. Napalingon siya sakin at sinenyasan na magmano rin.

"Anong sadya mo rito apo?" tanong ni Mang Mani sakanya. May ibinulong si Yadiel sakanya na hindi ko narinig. Ngumiti si Mang Mani at pinapasok kami sa loob ng kanyang shop.

Agad naman akong namangha nang bumungad samin ni Yadiel ang iba't ibang kagamitan sa loob ng kwarto. Ngayon ko lang nakita ang mga ganitong klase ng gamit.

"Dito, upo ka" saad ni Yadiel at pinaupo ako sa tabi niya. "Eto yung hobby ko simula noong nag-aral na ako sa England" saad niya.

"Anong gagawin mo dyan?" tanong ko. Pinahawak niya naman ang isang piece ng kahoy. "Isa itong exotic wood na ginagamit sa paggawa ng mga wooden necklace" napatitig ako sa binigay niya. Hindi ito karaniwan na kahoy na makikita mo. Kinuha niya ito mula sakin at sinumulang umikit rito.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon