(Completed)
Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...
"WUHOOOOOO" napasigaw si Yazi nang makalabas kami ng airport.
"Hoy ang ingay mo" saway naman sakanya ni Yadiel.
"Walakampake" inakabayan ako ni Yazi.
"Nagugutom na ako, kumain na muna tayo" suggest ni Yazi.
"Op op op op" pagpigil ko sakanila.
"First we need to pray. Para magpasalamat sa diyos na safe tayong nakarating dito" saad ko.
Nagkatinginan sila at tumango. Nagdasal muna kami pagkatapos nun ay dumiretso sa isang kainan na malapit sa airport.
"Ano to?" Turo niya sa isang pagkain na nasa shell.
"Baked talaba yan, masarap" tas nag ok sign ako.
Mukhang nandidiri siya at pababalik balik ang tingin sa talaba at sakin.
"Kung ayaw mo sa talaba, ayaw ka rin nyan. Akin na nga" kukunin ko na sana pero kinain niya.
"Pft BWAHAHAHHAHAHA, tanga hindi kinakain ang shelf" hindi maawat ang pagtawa ko.
Tumigil lang ako nang mapansin kong tinititigan kami ng mga tao. Inilabas niya ang shelf mula sa bibig niya at kinain ng talaba. Tapos napatango tango siya.
Seafood restaurant kasi to, may pagkamahalan pero masarap naman ang mga putahe. Pagkatapos kumain ay naglakad na kami papuntang hotel.
Nasa iisang kwarto lang kaming tatlo. Magkakaiba ang kama. Nagpahinga muna kami sandali, at naisipan ni Yazi na mag swimming daw kami. Bukas yung start ng tour namin dito.
"Napadami yung kain ko" saad ni Yazi habang nakatingin sa salamin. Nakasuot siya ngayon ng one piece na swimsuit.
Hindi ko lang siya pinansin at inayos na lang ang rush guard na suot ko. Lumabas naman ng cr si Yadiel ng, NAKA TOPLESS? Nakng.
"AY BOLD" napasigaw ako at nagtago sa ilalim ng blanket ko.
"Wala ka palang abs Yad, HAHAHAHAH" halakhak ni Yazi.
"K." tanging saad ni Yadiel. Maya maya pa ay nakita kong nakapangtaas na siya kaya lumabas na ako sa blanket.
"Pano ba yan, di ka makakaakit ng mga chicks nyan" pang-asar ko sakanya. Lumapit naman siya sakin at yumuko.
"Bat naman ako naghahanap ng chicks? Andyan ka naman eh" tas kumindat siya.
"Feel mo kikiligin na ko dun?" tinaasan ko siya ng kilay. Sumimangot siya at lumayo sakin.
Pumalakpak naman si Yazi.
"Walang makakatalo sa Alaska" turo niya sakin. Inerapan ko siya.
Lumabas na kami ng hotel and bumungad sakin ang fresh air. Ang ganda ng siargao. White sand, at malinis ang tubig. May limit din ang mga taong pumupunta dito para mapreserve ang kagandahan ng lugar.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.