Prologue

228 10 2
                                    


"Alpha Orionis"

Sambit ng isang batang lalake sa batang babaeng nasa tabi niya. Mga nasa pitong taong gulang pa lamang ang batang lalake. Napapansin ng batang lalake na kanina pa nakatitig sa bituin ang batang babae.

"Huh?" takang tanong naman sakanya ng bata. Hula ng lalake ay anim na taong gulang pa lamang ang babae.

Inilapag ng batang lalake ang kanyang binabasang libro, at napatitig sa mga bituin.

"Alpha Orionis is the scientific name of the Orion, also known as the brightest star among all the stars" pagmamayabang ng bata. Sa murang edad ay nakikitaan na ito ng talino.

"Tinanong ko ba?" sambit ng batang babae at inerapan ang batang lalake. 

Nasindak naman ang batang lalake. Parati siyang pinupuri ng mga tao sa angking katalinuhan niya. Ngunit sa dahilang hindi niya malaman, gusto niyang makipagkaibigan sa babaeng ito.

"Kung may isang hiling na maari mong hilingin sa mundo, ano ito?" tanong ng batang lalake. Tumayo ito malapit sa batang babae. Hanggang sa balikat niya lamang ang batang babae.

"At bakit mo naman natanong yan?" naiiritang sagot ng babae.

"Kasi ako gusto ko, ma-impress ko ang lahat ng tao. Magiging successful ako sa pag-aaral ko. Magiging masaya ako at mabibili ko lahat ng gusto ko" hindi sila tumitingin sa isa't isa at nakatitig lamang sa mga bituin.

"Ano pa ang iyong nalalaman tungkol sa mga bituing iyan?" sambit ng babae at tinuro ang libong libong bituin na nakapaligid sakanila.

Humawak naman sa kanyang beywang ang batang lalake at nag-isip. Agad naman sumigla ang itsura niya ng may sumagi sa isipan niya.

"My lola said na, a persons destiny is written on stars. Yun ang paniniwala nila" tugon ng batang lalake sabay ngumiti, dulot ng paglabas ng biloy niya sa kaliwang pisnge.

Napatango-tango naman ang babae at namangha. Tinitigan niya ulit ang mga bituin at humarap sa batang lalake.

"Alam ko na ang hihilingin ko sa mundo" ngumiti siya at lumapit para bumulong sa batang lalake.

"I want to rewrite the stars"


    REWRITE THE STARS

PROLOGUE  


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime, punishable by law. 


@ All rights reserved 2020


Note: This story contains is not edited, therefore it contains many grammar errors. This story also contains cusses and some inappropriate words. Thank you for reading this story, I hope you enjoy it! 

- Author d^_^b

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon