"Hoyyy, ano na nga yung sagot?" sambit ni Yazi. Nagpapatulong siya sakin para sa answers sa math.
"Ano ba Yazi, alam mo naman na bobo ako sa math" naiinis na sabi ko.
Napakamot siya ng ulo at napasigaw.
"Shit kasi yang si sir Jimenez. Break na break magbibigay ng assignment"
"What did you say Ms. Yaretzi Blair Lopez?" agad kaming napatayo ni Yazi nang marinig namin ang boses ni sir.
Paktay ka ngayon.
"Nothing sir" saad ni Yazi at pilit na ngumiti.
"I didn't know that Shit is now the new nothing..." naglakad palibot sa amin si sir.
"I'll deal with you later, Ms. Lopez" agad niyang kinuha ang bag niya at isinira ng todo ang pinto.
Agad naman siyang pinagalitan ng librarian. Oo, nasa library kami ngayon. Naghahanap si Yazi ng libro tungkol sa math. Sinasamahan ko lang siya.
Pumipili siya sa mga libro at tumingin sa relo niya. Napahinga siya ng malalim at binigyan ako ng late-na-ako-look. Tumango lang ako at mabilis siyang lumabas ng library.
Napaupo ako sa upuan. May 30 minutes pa ako bago magsimula ang class ko ngayong hapon. Ipinaikot ikot ko lang ang suklay ko sa buhok ko. Sabi nila napapacurl nito ang buhok mo eh.
Kukunin ko na sana to nang maramdaman kong kumapit ito sa buhok ko. Pilit kong tinatanggal pero hindi talaga matanggal. Nakng! Katangahan mo na naman Alvarez.
Nagtago muna ako sa isang hilera ng bookshelves. Ayokong humingi ng tulong sa ibang tao. Nahihiya ako. Napatingin ako sa isang solusyon na lang na mayroon ako. Ang gunting.
Naglalakad na ako papuntang klase ko ngayon. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Pangit ba talaga ng paggunting ko? Sinubukan ko namang ayusin ah, aish.
Napahinga ako ng malalim nang makaupo ako sa desk ko. Pinagtitinginan pa rin nila ako kaya hindi na ako naging comportable. Hindi naman nila ako kinakausap kasi di naman talaga ako nakikipag-usap.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagkunwaring nagbabasa ng libro. Mabuti na lang at dumating na agad ang teacher namin.
"Sorry sir I'm late"
Napatingin lahat ng tao sakanya. Pft sino pa ba? Si Khalil. Tumango lang ang teacher at pinapasok siya. Ngumiti siya sakin at ngumiti ako pabalik sakanya.
We've been best friends since highschool. And I'm in love with him for almost like 12 years? Hanggang ngayon. Humanga kasi ako sa katalinuhan niya. And maybe he's the reason why I really love stars.
"Ang cute mo sa bagong gupit mo" tapos ngumiti siya.
"Cute lang? Ang ganda ko kaya" pagmamalaki ko sakanya. Tinawanan lang ako. Walangya.
Nasa cafeteria kami ngayon at tinitigan ko si Khalil kasama niya ang bagong girlfriend niya. Ang sweet nila.
"Ay meganon? Hindi aamin sa bestfriend niya na matagal na niyang mahal kaya nasasaktan na lang patago, isa pa meganon?" panunukso ni Yazi sakin.
"Alam mo, isa pa ibubuhos ko na tong ketchup sa damit mo" pagbabanta niya sakin.
"Ah may ketchup ka pero walang fries"
"Kayo nga nag i-iloveyouhan ket walang label" buwelta ko. Napaismid naman siya.
"Alam mo, ayoko na suko na ko sayo" saad niya. Tinawanan ko lang siya. Napatingin ulit ako kina Khalil. Ang ganda ng girlfriend niya ngayon. Ito yung babaeng gusto niya simula pa nung highschool kami.

BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen Fiction(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...