PS: (Rewrite the Stars by Zac Efron and Zendaya is the soundtrack of the Rewrite the Stars writteb by me.)
Special Chapter.
20 years later...
Yadiel Sky Peterson's POV
"Ready ka na hon?" tumango ako kay Isha habang nakatalikod.
"Momm, why do we need to go there? Ayokong pumunta sa mga kasal" reklamo ni Hale.
"Anak, para yun kay Tita Yazi at Tito Enzo. Diba parati ka namang binibigyan ng gifts ni Tita Yazi?" saad ni Isha. Nagpout naman si Hale at lumabas ng kwarto namin.
"Tulungan na kita dyan-"
"No need" inayos ko na ang neck tie ko. Nauna na siyang lumabas ng kwarto.
"Mauna na pala kayo sa venue. May aasikasuhin pa ako ng sandali" napalingon naman si Isha sakin. Bumuntong hininga siya at tumango.
Pumunta ako sa office ko at isinuot ang coat ko. Pero napukaw ang atensyon ko sa isang maliit na box na nasa tabi ng coat. Binuksan ko ito at bumungad sakin ang isang singsing.
Ito yung singsing na balak kong ibigay sakanya noon sa Iceland. Huminga ako ng malalim at nilagay ito sa bulsa ng coat ko.
Narinig ko namang may kumatok sa pintuan ko. "Pasok"
Nahihiyang pumasok si Theo. "Hi pa" tugon nito. Tumango ako sakanya at pumasok siya.
"Anong sadya mo anak?" tanong ko sakanya. Kinamot niya naman ang batok niya.
"Pa... there's this girl kase..." napangiti ako. Inlove na ang anak ko.
"Anong meron sa babaeng yan?"
"I like her for almost a year na. Pero she rejected me today..." nakikita kong nahihiya siya at hindi makatingin sakin.
"Do you love her?" Napatingin siya sakin nang gulat.
"Y-yes" sagot niya. Ngumiti naman ako at ininom ang wine na nasa lamesa ko.
"Then fight for her" natahimik siya.
"Pero dad, she rejected me"
"And you're gonna give up?" nanatili lang siyang nakatingin sakin.
"You know son, maraming tao na kahit anong pilit, hindi pwedeng sila ng taong mahal niya. At ikaw. Are you gonna give up on the girl of your dreams because she rejected you?" tanong ko.
"But she said she's not ready for a relationship"
"Then wait for her. Waiting is also part of loving"
Unti unti siyang ngumiti at tumango.
"Punta na tayo sa kasalan?"
----
(Play: Rewrite The Stars for better reading)
Nakaupo ako ngayon malapit sa pinakaunahang upuan. Maraming mga tao pero hindi ko siya makita. Alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko.
Natahimik ang lahat nang magbukas ang gate at unti unting pumasok si Yazi na nakasuot ng simple pero eleganteng puting gown.
Napalingon ako sa reaksyon ni Enzo. I still remembered na ito yung paborito naming bahagi ng isang kasalan.
Napahinga ako ng malalim at tumingin sa kaliwa ko. Then there nakita ko ang nag-iisang taong gusto kong makita sa kasal na to. Nakatingin din siya sakin.
And once I looked at her eyes, I felt home, the feelings that I never knew existed.
----
Gabi na at nagpa-party na ang mga tao. Pero isa lang ang nasa isip ko. Siya. "Psst" tinapik ni Yazi ang likuran ko.
"Oh Yazi. Musta ang buhay?" tanong ko. "Malapit na akong mamatay" bulong niya. Tinawanan ko lang siya. "Pero kailangan mo siyang makita" nawala ang ngiti ko.
"May taning na ang buhay niya. At alam kong gusto ka niyang makasama muli bago siya mamatay. Pumunta ka sa garden. Makikita mo siya doon"
Sinunod ko ang sinabi ni Yazi at mula sa kalayuan, bakita ko ang buhok niya. Ang hubog ng katawan niya na umuupo sa isang bench.
"Nandito ka na" saad niya nang maramdaman niyang nasa likod niya ako. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi niya.
Nakatitig siya sa langit.
"Alam mo, kinamumuhian ko ang mga butuin" tumitig ako sakanya.
"Bakit kailangan niyang maging unfair?"
"Bakit sobrang gulo ng kalawakan?"
"Bakit may maliliit at malalaking stars? Bakit may magagandang gabi at malungkot na gabi? Bakit may mga happy ending at meron namang wala?"
Magkaparehas lang kaming tumititig sa kalawakan.
"Alam mo iniisip ko ba kung tama yung desisyon kong pakasalan si Isha at iwanan ka" saad ko.
"Kase pareho lang kaming nasasaktan. Nasasaktan siya dahil alam niyang hindi ko siya mahal. At nasasaktan ako dahil kailangan kong ipakita sakanya na mahal ko siya kahit hindi naman talaga" nararamdaman ko na ang init ng mga luha ko.
"Sa tingin mo ba... kung naging matatag lang tayo... kung di lang tayo nagpadaig sa sinasabi ng iba... tayo pa rin ba?" tanong niya sakin nang diretsong nakatingin sa aking mga mata.
Napalayo ako ng tingin. "Hindi ko alam" sagot ko.
Kinuha ko ang maliit na box mula sa bulsa ko at pinakita ito sakanya.
"Gusto kong malaman mo, mahal na mahal kita. Hindi ikaw yung pinakasalan ko pero ikaw yung mahal ko. Alam kong kasalanan to pero anong magagawa ko? Nangyari na eh" kinuha ko ang maputla niyang kamay at isinuot ang singsing sa ikaapat niyang daliri.
"I just want to ask, why do I need to be the second lead of my own love story?" malungkot na saad niya.
"I guess happy ending does not exist. There's always an end in everything. I'm the first one who came into your life, bit I'm not the one you end up marrying" pareho kaming humihikbi.
"This might be our last but I'm forever greatful for the memories we created together. Promise you won't forget that" saad niya.
Humawak naman ako sa dibdib ko. "I promise" ngumiti siya. At nanatili kaming tahimik.
"Thank you for those years Yadiel, I love you past the moon and endlessly." Hinawakan ko ang mukha niya.
"I will miss you beyond the Stars Tala. You're always in my mind and always in my heart" hinalikan ko ang noo niya.
Pinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. We stayed in that position for a few minutes.
"Yadiel, pagod na ako. I want to sleep" napakagat ako sa aking labi at napapikit ang mga mata.
"Rest well Tala. I love you"
"I love you too"
Ilang segundo matapos niyang sabihin ang tatlong salita, naramdaman kong bumitaw na siya sa hawak kong kamay.
Naginginig ang kamay kong hinawakan ang leeg niya... at wala na siyang pulso. Nagsimula akong umiyak.
Napatingin ako sa langit.
"I hope you had a great journey Tala. I know it's hard and tiring, so please take a rest"
Itinaas ko ang kamay ko at sinubukang abutin ang mga butuin. Natigilan ako.
Tuluyan na siyang kinuha ng mga bituin sakin.
REWRITE THE STARS
END
![](https://img.wattpad.com/cover/248146833-288-k141821.jpg)
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Fiksi Remaja(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...