"Nag-enjoy ka ba?" tanong niya habang magkahawak ang kamay namin. Inihahatid na niya ako pauwi.
Hindi ako sumagot sakanya. Nakatitig lang ako sa mga bituin. Parang napakarami nila ngayong araw, at napakakinang pa.
"Kailan ba matatapos yung obsession mo sa mga stars na yan ha?" tanong niya naman sakin. Humarap ako sakanya dahil nasa harapan na kami ng dorm ko.
"Pag nawala na silang lahat. Hangga't may bituin, may paghanga ako sa mga bituin" ngumiti naman ako.
Pinisil naman niya ang pisnge ko. Hinampas ko naman ang kamay niya.
"Masakit yung pisil mo! Wag mo nang ulitin pa. Makakasapak talaga ako"
Tinawanan lang ako ng loko. Hinaplos niya naman ang mukha ko at tumitig sa mga mata ko.
"Gusto kitang ipakilala kita sa mga magulang ko, kaso nasa ibang bansa sila eh" hinawakan ko naman ang kamay niya at niyakap siya.
"I'm sorry kung hindi kita mapapakilala sa mga magulang ko Yadiel. Hindi ko alam kung ok lang ba sakanila na mag boyfriend ako. Let's just enjoy the moment habang hindi pa nila alam. Strict ang parents ko" nahihiyang saad ko kay Yadiel.
Hinaplos niya naman ang buhok ko.
"Let's just enjoy each other's company ok? Pumasok ka na. Gumagabi na. Wag kang pupuyat ha? Enjoy the rest of the night, my baby" tapos hinalikan niya ang kaliwang pisnge ko.
Nagsimula na siyang maglakad papalayo. Tumigil siya sa paghakbang at lumingon sakin. Ngumiti siya at nag heart sign. Nakita ko ulit ang biloy sa kaliwang pisnge niya. Yun talaga ang nagpapa appeal sakanya.
Binuksan ko ang pintuan nang may ngiti. Pagpasok ko ay naramdaman ko ang mabigat na pakiramdam nang makita kong luhaan si Yazi.
"Tell me Ali, bat ganto yung love life ng pamilya ko? After my father cheated to my mother, ngayon naman ako ang nagdudusa sa pag-ibig? Bakit ganon? Bakit sobra akong sinasaktan ng panginoon sa pag-ibig" saad niya at ipinatong ang ulo niya sa tuhod niya.
Umupo lang ako sa tabi niya at hinimas ang likod niya.
"Yazi....... I think you should forget him. Forget about him. And start liking someone new..... kung kailan ok ka na." ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Pinunasan niya ang luha niya at nakangusong napatingin sakin.
"Hindi dapat ako broken ngayon. Tara movie night" natawa ako sakanya.
Kumuha ako ng maraming chips pati ice cream. Tapos nanood kami ng mga movies ni Yazi. Iyak ng iyak ang bruha ket nakakatawa ang scene. Parang shunga. Nagkwentuhan kami hanggang makatulog kaming dalawa.
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Napatingin ako sa cellphone ko at sabado na ngayon. Uuwi sana ako sa bahay, kaso wag na lang. Next week na lang siguro. Tipid na rin sa pamasahe at may mga kailangan pang gawin na assignments.
Inaayos ko ang kama ko nang nag ring ang cellphone ko. Si Yadiel.
"Hello?" masungit na saad ko.
"Bad parang bad trip ka?" tanong niya.
"Ewan" saad ko at inayos ang bedsheet.
"Pa enchanted kingdom tayo ngayon. First weeksary natin ngayon oh baby" kumunot naman ang noo ko.
"Tigilan mo nga yang baby baby mo. Fi na ako sanggol no" reklamo ko sakanya.
"No one can stop me baby, let's go to enchanted kingdom" saad niya habang pinapalalim ang boses niya.
"Hindi ko pwedeng iwan si Yazi" matigas na saad ko kay Yadiel.
"Hinde umalis ka. Pupunta dito si Archie at Zari. Tutulungan ko sila sa mga bagay na mahina sila" saad ni Yazi habang kalahating tulog pa.
"Oh diba baby? Umaayon ang tadhana satin ngayon. Tara na"
"Taraaaa na kaseee baby talaaa kooo" tugon ni Yadiel habang hinihila ako papasok.
Napakamot naman ako ng ulo. Una naming sinakyan ay ang Space Shuttle. Parang bakla naman siya na kanina pa sumisigaw.
Hinila naman niya ako papunta sa Wheel of Fate. Tapos sa iba't ibang rides pa.
Nag-enjoy naman kami. Tinatamad na akong magkwento ng ginawa namin sa Enchanted Kingdom. Sakin na yun, pake mo ba?
Wala akong ganang pumasok ngayong araw. Napaupo na lang ako sa cafeteria at kumain mag-isa. Nang makita kong hinalikan ni Yazi, si ARCHIE?
Agad naman akong napatakbo sa direksyon nila. Gulat na gulat si Archie at halos lahat ng mga taong nakakita sa kanila.
"Meet Archie, my boyfriend" ngumiti siya ng malawak.
Pagkatapos ng scene na ginawa niya sa cafeteria, hinila ko siya sa cr.
"Ano yun Yazi?"
Napakamot naman siya ng batok.
"I also don't know. Ewan na talaga." Inerapan ko na lang siya.
"Archie is gay though" pasingit niya at ngumiti.
Hahampasin ko na sana siya nang makita naming pumasok si Khalil sa cr.
"S-si Pierce" hingal na hingal siya.
"Ano?" sabay na sambit namin ni Yazi.
Maluha luhang bumuntong hinga si Khalil.
"Pierce..... died"
𝗘𝗻𝗱 𝗼𝗳 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 12.
PS: Maliit lamang ang update ngayon. Tinatamad na akong dumagdag, wala ako sa mood HAHAHHAHA.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen Fiction(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...
