Chapter 13

18 2 6
                                    

(Listen to "The One that Got Away" by Katy Perry for better reading)


Yazi's POV


Nakatitig lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang pagtulo ng ulan, kasabay ng pagtulo ng luha ko. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ng papa ni Khalil. Papunta kami sa ospital.

Napatingin ako sa kamay ko na nangingig. Ipinatong naman ni Ali yung kamay niya sa kamay ko. Bumuntong hininga siya.

"I'm sorry......"

Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko at yumakap sakanya. Wala na anong pake kung anong isipin ng papa ni Khalil dahil sa pag-iyak ko. Hinahaplos naman ni Ali ang buhok ko.

Akala ko joke lang. Akala ko prank lang to ni Khalil. Pero putangina sana prank na nga lang.
















Nasa labas na kami ng ospital. Nakatitig lang ako sa nanginginig kong kamay habang nilalaro ko ang aking mga daliri.

Kumapit naman sakin si Ali. Tumango siya. Hindi pa rin ako makalakad. Tatlumpong minuto na kaming nandito pa rin sa labas ng ospital. Ayokong pumasok. Ayokong makita siya.

Higit sa lahat.... ayokong harapin ang katotohanang wala na siya...



















Nabitawan ko ang bag na dala ko. Unti unting nanginig ang paa ko hanggang bumagsak ako. Inalalayan ako ng nurse pero mas pinili kong manatili sa sahig.

Napapamura ako sa sarili ko. Hindi ko man lang kayang tumayo at harapin ang itsura niya. Kase putangina alam kong masasaktan ako ng sobra.

Napahinga ako ng malalim. Wala akonh sapat na lakas para tumayo pero pinilit ko. Unti unti nilang binuksan ang telang humaharang sa mukha ni Pierce.

Then I felt my heart dropping into a cold water. Wala akong maramdaman kundi lamig. Seeing his cold body with purplish face. I fainted.

























"Yazi, you need to drink this" pag-aalok sakin ni Ali ng tubig. May dala din siyang pagkain. Pero wala akong gana.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagtitig sa snow globe. Nagpapatuloy lang sa paggalaw ang mga snowflakes.

Ilang sandali pa ay may binigay na maliit na kahon si Ali sakin.

"Alam kong hindi yan ang solusyon para mawala ang sakit na nararamdaman mo ngayon sa pagpanaw ni Pierce. Pero basahin mo" saad niya at iniwan ako sa kwarto.

Napatingin ako sa isang key na binigay niya. Silver na heart shaped ang key. Binuksan ko ang maliit na box at bumungad sakin ang mga sulat.

Isang sulat ito na nasa lumang ordinaryong papel. May isang lantang rosas ang nasa harap at nakadikit dito.

Ang unang sulat at nakalagay na "Meine Liebe" binuksan ko ang sulat at hindi ko ito maintindihan. Nakasulat ito sa ibang lenggwahe. Pero may isang akong letrang naintindihan. At isa itong German ang lenggwahe nito. Isa isa ko tong tinype at google translate.

"𝘐𝘤𝘩 𝘣𝘪𝘯 𝘫𝘦𝘵𝘻𝘵 𝘴𝘰 𝘨𝘭ü𝘤𝘬𝘭𝘪𝘤𝘩. 𝘋𝘢𝘴 𝘔ä𝘥𝘤𝘩𝘦𝘯, 𝘥𝘢𝘴 𝘪𝘤𝘩 𝘴𝘦𝘪𝘵 𝘑𝘢𝘩𝘳𝘦𝘯 𝘭𝘪𝘦𝘣𝘦, 𝘭𝘪𝘦𝘣𝘦 𝘮𝘪𝘤𝘩 𝘦𝘯𝘥𝘭𝘪𝘤𝘩 𝘸𝘪𝘦𝘥𝘦𝘳. 𝘈𝘣𝘦𝘳 𝘢𝘯𝘴𝘵𝘢𝘵𝘵 𝘨𝘭ü𝘤𝘬𝘭𝘪𝘤𝘩 𝘻𝘶 𝘴𝘦𝘪𝘯, 𝘧ü𝘩𝘭𝘵𝘦 𝘪𝘤𝘩 𝘮𝘪𝘤𝘩 𝘫𝘦𝘵𝘻𝘵 𝘴𝘤𝘩𝘳𝘦𝘤𝘬𝘭𝘪𝘤𝘩. 𝘞𝘦𝘪𝘭 𝘪𝘤𝘩 𝘈𝘯𝘨𝘴𝘵 𝘩𝘢𝘣𝘦, 𝘥𝘢𝘴𝘴 𝘪𝘤𝘩 𝘴𝘪𝘦 𝘷𝘦𝘳𝘭𝘦𝘵𝘻𝘦𝘯 𝘸𝘦𝘳𝘥𝘦. 𝘜𝘯𝘥 𝘪𝘤𝘩 𝘵𝘶𝘦 𝘦𝘴 𝘯𝘪𝘤𝘩𝘵." 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘥𝘢𝘴 𝘯𝘪𝘤𝘩𝘵 "


Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon