Chapter 24

11 3 2
                                    

"We're going on a date?" excited na tugon ko kay Khalil.

Ipinaiikot ikot niya ang ballpen niya sa kanyang mga daliri na animoy nag-iisip. Umupo naman ako sa sofa niya habang tinitititigan siya sa kanyang desk.

Khalil Ace Barcelona
CEO

Napangiti naman ako. He's a successful and proud man now.

"Of course, gusto mo ba kumain sa labas?" malambing na tugon niya.

Sumimangot naman ako. Tumayo at naglakad papunta sa balcony ng office niya. Naka cross arms ako habang nakatalikod sakanya.

"Hindi mo ba naaalala kung anong meron ngayon?" inis na tugon ko.

Akala ko kase naalala niya na anniversary namin ngayon at nagkukunwaring hindi niya alam.

"Ano bang mayroon ngayon? Hindi naman birthday mo diba?" tanong niya.

Galit akong humarap sakanya.

"5th anniversary natin ngayon, Khalil." malamig na tugon ko.

Gulat naman siyang tumingin sakin. Kinuha ko ang jacket ko at nagsimula nang maglakad.

Naramdaman ko namang hinawakan niya ang braso ko kaya natigilan ako.

"I'm s-sorry love... nalimutan ko. Sobrang busy kase ako-" tinignan ko siya ng madiinan at ngumiti.

"Okay lang naman yun love. I understand. Mauuna na ako" saad ko pero hindi niya ako binitawan.

"No, I'm sorry." Saad niya. Tinawag naman niya ang sekretarya niya. Agad naman siyang bumalik sa tabi ko at inalay ang kamay niya. Napatingin naman ako sakanya ng nagtataka.

"I've cancelled all my meetings. Shall we go, love?" He said with his sweetest tone.

Ngumiti naman ako at ipinatong ang kamay ko sa kamay niya.

"Let's go"

----

Napanganga ako sa laki ng restaurant.

"Hoy! Sabi ko sa karinderya lang tayo. Bat 5 star restaurant to?" Saad ko at siniko siya.

Napakamot siya ng ulo.

"Eh CEO yung fiance mo eh. Hindi kita dadalhin sa karinderya kung anniversary natin no" saad niya at hinatak na ako papasok.

"Hi miss, table for two" saad niya sa may front seat na babae.

Gulat na napatingin sakanya ang babae.

"Wait sir" saad niya at may tinatawagan. Pansin kong medyo nag-aaway pa sila ng tinatawagan niya. Ngumiti lang siya samin at ibinaba ang phone.

"Sir, actually full na yung lahat na seats namin. Kaso..."

""Kaso?" sabay na tanong namin ni Khalil.

"May vacant po ng dalawang seats... pero share kayo ng table." nahihiyang tugon niya.

Mukha namang naiinis si Khalil pero pinisil ko lang ang kamay niya.

"We'll take it" ngumiti ako.

Napahinga naman ng maluwag ang babae at pinapasok na kami ng dining. Maraming tao, at puro mayayaman ang nandirito.

Dinala kami ng babae sa seat at nagulat ako nang makita sina Yadiel... at ang girlfriend niya.

"Peterson? Long time no see" bati ni Khalil kay Yadiel.

"Attorney Peterson, CEO Barcelona" tumawa naman si Yadiel at nakipagkamay kay Khalil.

"Oh btw, this is my pretty Girlfriend, Isha Brielle Miracle" saad niya at ngumiti.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon