"I love jokes but I like HUMOR" inerapan ko si Yadiel habang tinataas niya ang kilay niya.
"Tigil mo na yan. Nakakahiya ka" reklamo ko sakanya. Humawak naman siya sa dibdib niya na animoy nasasaktan.
"Aray, ginogoogle ko pa naman yun. Ilang oras akong nahanap ng banat para sayo tapos di ka man lang kikiligin, tsk" pagdabog niya. Kumunot lang ang noo ko at naglakad ulit.
Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan na patungo sa tuktok ng Mt. Kanla, isa sa mga aktibong bulkan dito sa Iceland. Dito kami ngayon para mag maranasan ang snowmobile. "Hindi naman bubuga tong bulkan diba?" naghihinayang na tugon ni Yadiel.
"Hindi naman sasabog yan ngayon. Oa neto" panunukso ko sakanya. Maya maya pa ay nakarating na kami sa tuktok kung nasaan ang mga snowmobile na sasakyan namin.
Namangha ako sa kagandahan ng lugar. Puting puti ang snow at wala masyadong mga tao. Napatingin ako sa snow na aapakan ko pa lang. Inabot naman sakin ni Yadiel ang kamay niya para bumaba ako.
Pagkatapos ko matapakan ang glacier ay namangha ako. Malamig sobra ang klima dito pero parang may mainit na nasa baba mo. Syempre sa ilalim nito bulkan eh.
"Yan na ba ang mga snowmobile?" turo ko sa parang mga motor sa tabi namin. Tumango naman si Yadiel. Lumapit naman siya sa kasama naming guide at nag-usap sila sandali.
Bumalik naman siya sa tabi ko. "Ako lang yung mag da-drive ng snowmobile, aangkas ka lang sa likod ko" aangal sana ako pero tinakpan niya yung bibig ko. "Ops, hindi. Hindi ka nga marunong mag drive sa game, real life pa kaya?" sinamaan ko siya ng tingin.
"Hehe joke lang. Pero aangkas ka lang sakin" tawa niya. Wala na akong nagawa at tumango na lamang.
----
"Ready ka na?" tanong niya.
"Hindi" sagot ko. Siniko niya ako.
"Aray, oo nga. Panglimang tanong mo na yan eh" reklamo ko.
"Humawak ka sa beywang ko"
"Hindi na kailangan HAAA-" agad napapikit ang mata ko nang biglaan niyang ipaandar ang snowmobile.
"Oh sabi mo ayaw mo pero dinadama mo na abs ko" ngumisi siya. Sinuntok ko ang tyan niya.
"Tanga wala kang abs"
"Ahh-ahh-ahh" utod utod na saad niya dahil napasakit ata ang suntok ko.
----
Nakatitig lang ako sa mga barbecue na niluluto ngayon. Nasa tabi kami ng isang river at nag camping kami. Nasa loob ng tent si Yadiel at naglalaro ng cellphone niya.
"Tulungan mo na lang kaya ako magluto kaysa na tumunganga ka lang dyan" inis na tugon ko sakanya.
"Eto na ma'am" sagot niya naman at sumaludo sakin.
Umupo ako pabalik sa tent at tinitigan siya habang niluluto niya ang barbecue.
Nang maluto na ay umupo siya tabi ko at nagsimula na kaming kumain. Nang matapos kaming kumain ay humiga ako at tumitig sa mga butuin. Matagal na nung huli akong tumitig sa langit.
"Ngayon ko na lang ulit napagmasdan ang kagandahan ng bituin. Nagalit ako sa kanila eh" saad ko kay Yadiel.
"Ano bang kasalanan nila sayo?" curios na tanong niya. Napahinga ako ng malalim.
"Someone told me in the past na our destiny is written on stars." Tumingin ako sa mga mata niya. There I see the stars who shines the brightest.
"I don't like how our destiny turned out" nararamdaman kong maiiyak ako kaya inilayo ko ang paningin ko sakanya.
"Y-you we're t-that girl" utal utal na saad ni Yadiel. "Huh?" takang tanong ko.
"Ikaw yung babaeng maldita na nakita ko noon sa simbahan" saad niya.
"Yung sinabihan ko tungkol sa stars, and Alpha Orionis is the scientific name of Orion?" gulat akong napatingin sakanya.
"I-ikaw yun? After all these years ikaw pala yun?" napabuntong hininga ako.
"I thought it was Khalil. That's the reason why I fell in love with him" saad ko. Umakbay siya sa balikat ko.
"Kaya pala may iba akong feeling noong nakita kita sa cr. Ikaw yung babaeng gustong gusto kong ma impress noon" ngumiti siya.
"Crush mo ko noon no?" pang-asar ko sakanya. Namula naman siya.
"H-hindi"
"Wehhhh" mas lalo ko siyang inasar. Nahiya lang siyang tumango.
"Crush kita noon ngayon, mahal na kita."
Tumingin siya sa relo niya at ngumiti. "it's 12 am. Happy birthday, Tala" hinalikan niya ang noo ko.
"Thank you, I love you"
Hinawakan niya ang neek ko at hinalikan ako ng banayad. Tapos pinatong niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Tala ko"
"Hmmm?"
"I want to rewrite the stars" bumalik ang tingin ko sakanya. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.
"Yes, let's rewrite the stars"
----
Naglalakad kami ngayon sa lupa malapit sa Blue Lagoon. Dala dala ko ang dslr camera ko at kinukunan ang ganda ng lagoon.
"Tala kanina ka pa. Enjoy mo kaya yung stay dito bago mag picture" naningkit ang mga mata ko.
"Alam mo Yadiel, once in a lifetime experience lang to. And pagkatapos nito, wala na. So gusto kong kunan ng pictures para nagsilbing memories" nanahimik lang siya habang nakatitig sakin.
Maya maya pa ay umupo muna kami sa batuhan. Nakatitig lang kami sa lagoon.
"Tala, may aaminin ako" lumingon ako sakanya.
"I broke up with Isha before going here" nanlaki ang mga mata ko.
Tumayo siya. "Tala, we don't need to go back to the Philippines. Just stay here, stay here with me" hahawakan niya sana ang kamay ko pero inalayo ko ito kaagad.
"Yadiel diba malinaw namon sating dalawa? Pagkatapos nito babalik na sa normal. Yadiel ayaw kong makasakit ng tao. Mahalaga sakin si Khalil-"
"Mas mahalaga pa sakin?" pagputol niya sa sinabi ko.
"Yadiel, si Khalil yung umahon sakin sa kalungkutan. Noong sobrang nasaktan ako sa breakup natin, nandyan sa tabi ko. Ayaw ko siyang masaktan kasi importante siya sakin"
"So kasama mo siya dahil nakokonsiyensya ka?" natahimik ako.
"Kasama mo lang siya dahil malaki ang utang na loob mo sakanya at hindi dahil mahal mo siya"
"Yadiel, mahal ko siya-"
"Pero bakit ka nandito kasama ako? Mahal mo siya pero kaya mong mag cheat sakanya?" tuluyan na akong natahimik.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Magpapakalayo tayo. Mamumuhay lang tayo ng payapa. Magiging magsasaka lang ako gaya ng pangarap ko at ikaw yung magiging asawa ko" lumayo ako sakanya.
"Yadiel hindi. Hindi to tama. Nagsisi na ako na pumayag sa bagay na to" pinahidan ko ang luha ko gamit ang kamay ko.
Biglang nag ring ang phone ko. Tumingin ako kay Yadiel bago lumayo. Nang malayo na ako at sinagot ko ang tawag.
"Hello?"
"Hello anak? Kailangan mo nang umuwi ngayon" bigla namang bumilis ang pintig ng puso ko.
"Bakit po ma?"
"Ang papa mo, nasa kritikal ang kondisyon"
End of Chapter 29.

BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Genç Kurgu(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...