"Y-Yadiel?" gulat akong napatayo.
Medyo malayo ang lalakeng namumukaan kong si Yadiel. Malabo na rin ang aking mga mata dahil sa grado.
"Alaia!" mas gulat akong napatingin sakanya nang ma realize ko nga na si Yadiel siya! Agad naman akong tumakbo sa direksyon niya.
Napayakap ako ng mahigpit sakanya at napangiti. Nang mapansin ko na mali ang ginagawa ko ay lumayo ako ng konti sakanya.
"Sorry" mahina kong bulong. Mukhang nagulat si Yadiel dahil nakatulala pa rin siya sakin at nanigas.
Agad naman niyang inayos ang kanyang tindig at tumikhim. "Hindi ko alam na narito ka pala sa Iceland" naiilang na tugon niya.
Napakamot naman ako ng noo. "Diba sinabi ko sayo iyon bago ako pumunta rito?" takang tanong ko.
"Ah- AHH! HAHHAA oo, oo nga pala sinabi mo yun haha..." nahihiyang pagtango niya. Nagsimula na lang ulit akong maglakad para mawala ang tensyon sa pagitan namin.
"Nga pala, anong sadya mo rito sa Iceland?" tanong ko sakanya. Nauuna akong naglalakad habang sumusunod naman siya sa likuran ko. Nasa mini market pa rim kami ngayon.
"Bakasyon. At may iproproseso ring ilang mga dokumento. Limang taon na rin simula noong huli akong nagbakasyon" mahinahong tugon niya. Nawala na ang pagka-ilang niya at bumalik na sa normal ang pag-uusap namin.
"Ikaw, bakit mag-isa ka lang? Akala ko sasamahan ka ni Khalil?" takang tanong niya. Hindi na lang ako umimik. Ayaw ko ding sabihin na nagtrabaho si Khalil. Sasabihin niya na naman na binbalewala na lang ako ng mapapangasawa ko.
Mukhang nababasa niya rin ang isip ko kaya tumahimik na lang siya. Walang nagsalita samin hanggang marating namin ang isang maliit na convenience store.
Pumasok kami sa loob at walang masyadong tao rito. Maliit lamang ang lugar pero maaliwalas. Una akong pumunta sa coffee machine dahil sabi nila, masarap ang kape sa Iceland.
Napatingin naman ako sa gawi ni Yadiel at namimili siya ngayon ng cup noodles. Pagkatapos kumuha ng kape ay pumunta na ako sa gawi niya.
"Anong bibilhin mo?" tanong niya. Napalibot naman ang mata ko sa kabuuan ng store. "Yan na lang" turo ko sa isang cup noodles gamit ang labi ko. May hawak kase akong dalawang kape.
Binayaran ni Yadiel ang pagkain namin at umupo kami sa isang lamesang may dalawang upuan. Niluluto muna namin ang noodles habang hinihigop ko ang kape.
"Masarap nga" bulong ni Yadiel pero narinig ko. Ngumiti na lang ako.
"Kamusta ka na? Last tayong nagkita may sakit pa ko" saad ko sakanya. Nakatitig siya sa labas.
"Okay lang. Kaso nag-away kami ni Isha. Kaya nandito ako sa Iceland para mag-isip isip muna" naibuga ko ang iniinon kong kape at nabulunan ako. Nahimasmasan ako nang hinihimas ko ang dibdib ko.
"Wow, ganda naman ng life mo. Papa Iceland ka lang para mag-isip isip. Sa bagay, masarap ang buhay mayaman" napailing iling na lang ako.
"Alam mo, hindi ko talaga gusto ang buhay mayaman" napalingon ako dahil sa sinabi niya. Nakatitig lang siya sa kape niya.
"Si Dad yung nagpayaman sa pamilya namin. Pero mula din siya mahirap na pamilya" napabuntong hininga siya. Sumandal siya sa upuan.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Genç Kurgu(Completed) Alaia Tala Alvarez is just a typical college student at the University of the Philippines. Her heart was broken after knowing her childhood best friend and lifelong crush is been with the girl he loves. This is when Yadiel Sky Peterson e...