Chapter 7

27 2 5
                                    


"Bat parang ang lungkot mo?" tanong ni Yadiel. Nakatitig lang ako sa kawalan habang dala dala ang natural na ekspresyon ko.

"Kasi napapagod na akong maging ako" bored na sabi ko.

Umupo naman siya sa tabi ko. May maliit na distansya syempre.

"Kung napapagod kana maging ikaw, try mo kayang maging tayo" sabay kindat.

Natawa naman ako. Medyo benta ang banat niya, tsk.

"Sira. Nalimutan ko kaseng deadline na ngayon ng essay namin. Eh kagabi tinapos ko yung kdramang pinapanood ko.

"Pagtingin nga" kinuha niya ang laptop ko.

"Tulungan kita basta may isang kondisyon?" agad akong napaupo ng maayos at sumigla ang mukha ko.

"Ano yun?"

"Kiss mo ko" tapos nagpout siya.

Bumalik naman ang normal na ekspresyon ko. Hinampas ko ang mukha niya at kinuha ang laptop ko.

Naglakad na ako papuntang library. Doon na lang ako maghahanap ng libro para sa ideas ng essay na to.

Tinatawag niya ako pero mas binilisan ko ang paglalakad para makarating ng library. Umupo ako sa isang table. Maya maya pa ay nakarating rin siya habang nakangiti.

"Psst oy" tapos tinusok tusok niya yung braso ko.

"Ang ingay mo" saway ko sakanya. Napakamot naman siya ng ulo.

"Sige eto na lang. Papayag akong tulungan ka..."

Napalingon naman ako sakanya.

"Ask me out" tapos ngumisi siya.

Ngumiti naman ako.

"Ok, get out" tapos tinuro ko ang pinto.

Napahinga naman siya ng malalim at natulog. Bahala siya kung mapagalitan siya. Kinuha ko naman yung tali ng buhok at pinusod to ng ponytail. Napalingon naman ako kay Yadiel na parang tinatawanan ang ginawa ko.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya.

"Wala lang. Di ka pala marunong magtali ng buhok mo" pang-aasar niya.

"Hindi naman importante kung anong style ng pagtatali ng buhok ko. Kasi alam ko namang maganda ako" saad ko at sinuot ang glasses ko.

Napasandal naman siya ng matuwid at tumahimik. Maya maya ay kumuha naman siya ng libro.

"As the moon begins
To brighten the night,
Know that I miss you
When I look upright

You're like a shining
Star-beautiful and bright,
But I have no wings to
Reach you-my biggest plight"

He said while gazing to my eyes.



















"Oy look mo to oh, ang gwapo niya hihi" saad ni Yazi habang pinapakita ang picture ng isang Thai na actor.

"Oh eto pa, in-add ako nung guy sa law school owemji! Crush ko na siya" saad niya habang hinahampas ang braso ko.

Hinampas ko naman ang kamay niya. Napa aray naman siya. Binuksan ko naman ang bag ng chips at kumain.

"Yan naman pala Yazi. Ang dami namang lalake dyan na crush mo. Why not try to be in a relationship with them instead na pagsiksikan ang sarili mo kay Pierce" saad ko

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon