CHAPTER
SEVENTEEN
Wounds
Rosalinda felt uneasy. Kanina pa wala si Feliciah. Si Scott at Susanna ay may pinuntahan. Si Veronica ay hindi pa rin nila nakikita. Sobrang tahimik ng bahay nila.
Paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip ang itsura ng lalaking iyon kanina. His smile. Hindi pa rin iyon nagbabago. Kung noon, kakaibang saya ang nararamdaman niya, ngayon ay nahaluan na iyon ng poot. Naiisip niya ang napakaraming dugong maaaring bumahid na sa mga kamay nito. Naaalala niya ang sigaw ng kanyang mga kalahi at ng kanyang pamilya.
Naalala niya ang gabi noong huling beses silang magkita. Kung kailan naghiwalay na ang kanilang landas.
"Rosalinda.." She really loved the way her name sounded whenever he was calling her. Para bang siya lang ang pinakaimportanteng nilalang sa mundo.
Yes, that might sound crazy but Rosalinda was really that crazy.
"Sunama ka sa'kin."
"Hindi.." Umiling siya habang walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha. "A-Ayoko!"
"Rosa — "
"Pinatay mo s-sila! Pinatay mo silang lahat! H-Hayop ka!"
"Kinailangan kong gawin 'yun. Para sa atin ang ginawa ko!"
"Hindi! Para sa sarili mo lang 'yun!" Puno ng poot na tiningnan niya ang lalaki. Halos mapuno ng dugo ang dibdib nito. May talsik pa ng dugo ang mukha at tumutulo ang dugo sa mga kamay. "Halimaw ka. Lumayo ka sa'kin!"
Walang araw na pinagsisihan niyang hinayaan niyang hinayaan niyang umalis ang lalaki. Sana pinatay niya na lang ito. Pero alam niya ang katotohanan na hindi niya kaya. Na hindi pwede.
Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang isang maliit na pigura na ginawa ni Veronica noon. Huminga siya nang malalim at ipinikit ang kanyang mga mata.
Nasaan ka Veronica?
Ngunit kahit ilang beses na niyang sinubukang hanapin ito ay wala. Hindi ito maabot ng kapangyarihan niya. Kung nasaan man ito ngayon, ang hiling na lamang niya nasa mabuti itong kalagayan.
Samantala, kasama ni Susanna ang asawa niyang si Scott. Sinusubukan pa rin nilang hanapin ang kapatid niya. Ilang araw na rin silang naggagala sakay ng kotse, sinusubukang makita si Veronica.
"Scott.." tawag niya sa asawa.
Tumigil muna sila sandali sa gilid ng kalsada. Nasa gilid sila ng bundok kung saan nila nabalitaang nahanap si Chad. Wala na siyang pakialam sa taong iyon, pinaghihinalaan niya lang talaga ito.
"Can you use your power to find her?" Tanong niya rito.
"Hangga't hindi niya ginagamit ang kapangyarihan niya ay hindi ko siya mararamdaman," pag-amin nito. "Ang totoo niyan, bilang kayo ang kasama niyo sa loob ng maraming taon kayo ang mas may kakayahang maramdaman siya. The problem is she doesn't have her power."
Tama si Scott. Wala silang magawa dahil wala na ang kapangyarihan ng kapatid. Pinikit niya ang mga mata niya.
"But Feliciah can."
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasyIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...
