CHAPTER
NINETEEN
Engagement
It was almost seven years. Who would have thought that Sinco would still remember that day? Parang kailan lang noong unang beses nilang nakita sa kanilang dorm ang isang sugatang babae. Sa totoo lang, hindi na niya ganoong maalala ang mga detalye. Maging ang mukha ng babaeng iyon o kahit ang boses man lang nito. Lahat ng iyon ay kapwa malabo na sa kanya.
"Doc, tawag daw po kayo sa taas.."
Doktor na siya ngayon sa isang kilalang ospital sa Pilipinas. Marami nang nangyari sa loob ng pitong taon na iyon. Ni hindi niya nga akalaing aabot pa siya sa ganito. He felt like sometimes he wouldn't be where he was. Para bang nasa ibang lugar dapat siya. Ngunit hindi naman niya maintindihan.
He thought of going abroad. Maybe he could find peace there but things got complicated that he couldn't go.
"Doc.." bati niya sa may-ari ng ospital.
"Hijo.." Tumawa ang matandang lalaki. "Halika't umupo ka rito. Huwag ka nang mahiya."
"Salamat po." Mabilis siyang sumunod at umupo nga sa sofa sa harapan ng matanda.
Katabi ni Doc. Gutierrez ang panganay nitong anak na babae na nakangiti sa kanya. Ngumiti rin si Sinco. He remembered something but wasn't really sure what was it.
"Sinabi na sa akin ng anak ko ang tungkol sa balak niyo.." pagsisimula ng matandang doktor. "Alam mo naman na umpisa pa lamang ay boto na ako sa'yo. And I really approve your marriage with my eldest."
"Thank you, doc.." Tumungo siya at nag-angat muli ng tingin. "Tatanawin ko po isang malaking utang na loob ito. Hindi ko po kayo bibiguin."
He would be getting married with Tamara. He met her five years ago sa ospital na ito. Ang totoo, si Tamara ang unang nagkagusto sa kanilang dalawa. Eventually, Sinco found himself falling for her charm. Kakaiba rin naman kasi ang babae. Palagi lang itong nakangiti sa kanya na tila ba ang pinakamasayang tao sa buong mundo.
They decided to marry after almost four years of being in a relationship. Everyone was delighted, especially his family. Ang akala kasi ng lahat ay hindi na siya makakapag-asawa. Lalo na't halos lahat ng mga kaibigan niya ay nakapagpakasal na.
Lumabas silang dalawa ni Tamara at kumain sa isang sikat na restaurant para sa lunch nila. They talked about their upcoming marriage. Hindi pa sila nakakapagdesisyon kung kailan.
"Gusto ko sana blue ang theme ng wedding natin. I'm not yet decided kung anong shade, eh.." she said that made Sinco think.
Blue? He liked it too.
"Excited na ako!" Malawak na ngumiti ang babae.
"Ako rin."
"What about we have dinner tonight with our parents?"
"That's great."
"Are you okay?" She suddenly asked.
"Ha?" Nagulat tuloy siya.
"Parang ang tamlay mo. May masakit ba sa'yo? May problema ba?" Hinawakan nito ang kamay niya at marahan pinisil iyon.
"Pagod lang siguro."
"Hinay-hinay lang kasi, doc.." she said lightly, so Sinco smiled.
Masaya siyang kasama si Tamara. Alam niya kaya niyang makasama ito habang buhay.
After their lunch ay napagpasyahan niyang ihatid na ito sa condo kahit pa nagpupumilit pa itong manatili sa ospital.
"You know, maraming gawain si ospital. You can't be loitering there."
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasyIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...
