CHAPTER 25: Happiness

332 35 7
                                        

CHAPTER
TWENTY-FIVE

Happiness

Naglaho si Veronica.

Walang nakakaalam kung nasaan ang dalaga. Nag-aalala na ang pamilya niya. Si Simon lang yata ang hindi man lang naghahanap sa kanya. Tila ba normal lang para rito na wala ang ina. Hindi lang araw ang lumipas kundi dalawang buwan. Halos mabaliw na ang mga kapatid niya sa kahahanap.

"Bakit ba palagi na lang nawawala ang babaeng 'yun?" Puno ng iritasyon na wika ni Rosalinda. Hindi na nila alam kung saan maghahanap o kung sinong tatanungin mahanap lang ang babae.

Isang linggo na lang at ikakasal na sina Sinco at Tamara. Nakalatag na ang lahat ng plano. Handa na maging ang mga furnitures na in-order sa shop ni Veronica. Nakakapagtaka man ngunit iniwan ang isang sketchpad kung nasaan ang mga disenyong gagamitin para sa kasal sa ibabaw ng lamesa sa opisina ni Veronica.

Tamara was mad. Galit na galit siya sa pagkawala ng babae. Hindi niya alam kung paano nito nagagawang dumating at maglaho na parang isang bula. Gusto niyang masaksihan nito ang kasal nila ni Sinco ngunit nasaan ito ngayon . . nagtatago kung saan.

"You are all invited." She was smiling brightly habang inaabot ang isang imbitasyon kay Susanna.

Bumaba ang tingin niya sa anak ni Veronica na naroon din noong araw na pumunta siya mismo sa bahay ng mga ito. Nagtitiim ang bagang niya habang tinitigan ito. He was Sinco's. Kitang-kita naman iyon.

"I don't think we should go," Susanna said after Tamara left looking at the envelope she was holding. "And why should we even go?"

"Alam ng babaeng 'yun.." Ngumisi si Rosalinda. "Did you see her face? Her expression? Ang plastik! Tapos kung makatingin kay Simon. She knows everything about Veronica."

"Sa tingin mo siya ang nagtatago kay Veronica?"

"Hindi ako sigurado.." Kumunot ang noo ni Rosalinda. "But the way she smiles, fuck, she's a devil."

"You know who's the real devil."

"And she's not here."

"Should we talk to her?"

"Bakit pa?" Ngumiwi si Rosalinda. "She left without saying anything tapos hahanapin natin siya. Hindi na nga natin mahanap si Veronica, dadagdag pa siya."

Tumahimik na lamang si Susanna, iniisip kung nasaan ang dalawang niyang kapatid. Napatingin siya sa asawa niyang naroon ngayon kasama nila sa library. Hawak nito ang isang libro at habang nakapatong ang likod ng palad sa hita nito na nakadekwatro. Naramdaman siguro nitong nakatingin siya kaya naman nag-angat ito ng tingin mula sa librong binabasa.

"What?" He asked darkly.

"Your sister — "

"I don't know," sabi nito sabay sarado ng librong hawak. Tumayo na ito at aktong aalis na.

"Hey! I am not yet done!" Ngumisi lamang sa kanya si Scott na minsan lang nito gawin kaya bumagsak ang balikat niya at napanguso.

Umiling ang asawa niya at lumapit sa kanya saka siya marahang hinalikan sa noo. Lumabas ito ng library habang nakangiwi si Rosalinda na pinapanood sila.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon