CHAPTER 3: Girlfriend

681 49 1
                                    

CHAPTER
THREE

Girlfriend

Dahil may pasok ang mga ito ay sila lang dalawa ni Ted ang naiwan sa apartment. Busy naman ito sa kwarto nito dahil may ginagawa daw itong experiment. Nanatili na lang naman si Veronica sa sala. Bukas ang malapad na telebisyon pero nakatitig lang siya doon at nag-iisip lang siga kung saan niya matatagpuan ang mga kalahi nila.

Lahat ng syudad ay mayroong mga kalahi nila pero paano niya naman makikita ang mga ito. Hindi naman siya katulad ni Rosalinda na malakas ang pakiramdam. Madali sana kung Necromancer ang makikilala niya dahil kahit yata walang gawin ang lahing iyon ay mag-i-standout ito. Pero kung iisipin niya ay si Feliciah na nga lang pala ang natitirang normal na Necromancer. Normal dahil ang asawa naman kasi ni Susanna at kapatid ni Feliciah na si Scott at ang bunsong kapatid ng mga ito na si Kanlas ay hindi na normal. Mga Necromancer nga naman dati ang mga ito pero mga Dead one na silang ituturing ngayon.

Napabuntong-hininga siya. Ginulo pa niya nang bahagya ang kanyang buhok nang wala na siyang matinong maisip. Natigil lang siya nang biglang bumukas ang pintuan ng apartment.

Isang nakangiting babae ang pumasok. Hindi ito ganoon katangkadan. May kapayatan ang pangangatawan, makapal ang kilay, asul ang kulay ng contact lens, itim ang lipstick, pinkish ang mga pisngi, labanos ang balat, straight ang itim nitong buhok na hanggang balikat lang at purong itim ang suot nitong damit.

Pagkakitang-pagkakita nito sa kanya ay naglaho ang ngiti nito. Ilang segundo pa yata silang nagkatitigan bago siya ngumiti nang matamis sa babae. Nanlaki ang mga mata nito bago namula ang buong mukha.

"Ted!" Sigaw nito na lalong nakapagpangiti sa kanya.

Nakarinig siya ng kalabugan mula sa second floor bago nakababa ang hinihingal na si Ted. Namumutla ang mukha nito at nagpabalik-balik pa ang tingin sa kanilang dalawa ng babae.

"Heather, magpapaliwanag ako - "

"Bilisan mo!"

"Hindi ito katulad ng iniisip mo."

"At ano bang iniisip ko?" Nagngangalit na tanong nito. Pinanlakihan pa nito ng mga mata si Ted saka napansin ni Veronica ang makapal na eyeliner sa mga mata nito. "Sabihin mo nga sa'kin!"

Napayuko naman ang lalaki. Pulang-pula ang mga tainga nito kahit ang pisngi nitong bilugan. Napanguso si Veronica bago siya tumayo kahit hirap pa rin siya. Humawak pa siya sa sofa bilang alalay.

"Ako si Veronica."

"Tinanong ko ba?" Tinaasan siya nito ng kilay.

Nagulat siya doon at parang sandaling nagdilim ang paningin niya. Lalong lumawak ang ngiti niya na maging ang mga mata niya ay sumasama na sa pagngiti.

"Hindi," sagot niya sa babae na agad siyang sinamaan ng tingin. "Pero baka lang gusto mo akong makilala. Hindi kasi masabi ng boyfriend mo. Nandito lang ako para magpagaling. Hindi ako magtatagal. Baka sa isang araw o sa isang linggo na wala na ako dito. Wala kang dapat alalahanin. Wala akong gusto sa boyfriend mo at sigurado naman akong mahal na mahal ka niya."

"Paano naman ako maniniwala sa'yo?" Matalim pa ring tanong nito.

Tinamisan pa niya ang kanyang ngiti. "You have my word."

This was the thing that Veronica mastered for a long time. Convincing and almost manipulating people through her words. Hindi ito kakayahan ng isang Alchemist kaya naman kahit wala siya kapangyarihan ngayon, alam niya pa rin ang mga tamang salita na dapat sabihin sa specific na tao. Dahil siya si Veronica Zolleriah Valdenim.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon