Epilogue

406 34 4
                                    


EPILOGUE

Ngayon na lamang ulit nakadalo si Veronica ng isang kasal. It was a garden wedding. Sobrang daming mga bulaklak kaya naman humahalimuyak iyon. Light blue at white ang color theme kaya naman ang mga abay na babae ay nakakulay light blue na gown at ang mga lalaki naman ay naka-amerikana at slacks na light blue at necktie na blue. The combination of colors were very pleasant to the eyes.

Simon was dazzling in his light blue suit kaya naman hindi mapigilan ni Veronica na kunan ito ng litrato. It was one of her proud moments as a mother.

She personally didn't know the family of the groom. Ang nakakagulat doon ay kilala siya ng mga ito at base sa panginginig ng mga kamay at boses ng mga ito habang kausap siya ay takot nga ang mga ito sa kanya. Sinubukan na lang niya lumayo sa mga ito hanggang kaya niya.

The wedding night celebration was very elegant. The lights around the garden made the ambiance magical. Dagdag pa ang tugtog ng violin ni Simon. Veronica watched his son play the violin. She could see how passionate the man was. Most of the single ladies in the venue watched him in awe. Hindi niya masisisi ang mga kababaihan. Tunay naman kasing kahanga-hanga ang anak.

Samantala ay nakaupo lamang siya sa table na nakalaan para sa kanila. Hawak niya ang isang baso ng champagne. Minsanang sumisimsim siya rito. Hindi niya alam kung nasaan ang mag-asawang Susanna at Scott. Si Feliciah naman ay malamang nasa gilid-gilid lamang. Si Christina na dumating kaninang umaga ay nakikisalamuha ngayon sa mga bisita.

"Isn't it lovely?"

Mabilis siyang napalingon sa kanyang tabi nang marinig ang boses ng nagsalita. Napanganga siya habang nanlalaki ang mga mata bago siya napailing na natatawa. Ngumiti naman sa kanya ang bagong dating.

"Long time no see."

"Mabuti at nakarating ka.." Inabutan niya ito ng isang baso ng champagne nang may dumaang waiter.

"Hindi na ba dapat?" Bahagyang itinaas nito ang baso at tumango sa kanya nang nakangiti. Ininom nito ang kalahati ng laman nito bago tumingin sa bagong kasal. "Hindi ko maaaring palampasin ang kasal ng pamangkin ko."

"Nabati mo na ba sila?"

"Oo, kanina," mabilis na sagot ni Rosalinda. "She looks really happy."

"Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit sa murang edad ay nagpakasal na siya."

"Tama ka." Tumango ito at uminom pa ulit ng champagne. "Hindi naman iyon maiiwasan dahil isang Sorcerer ang napang-asawa niya. You know, soulmates."

Natigilan si Veronica. Napatitig siya sa kanyang kapatid na ilang taon niyang hindi nakita. Katulad kay Feliciah ay may nagbago rin dito. Iyon nga lamang ay kung kay Feliciah ay tila nagkaroon ito ng buhay, si Rosalinda ay tila may . . namatay na parte rito.

"Kamusta ka?" She asked.

Nilingon siya nito at bahagyang ngumiti. Kita niya pangingilid ng luha nito bago ito umiwas muli ng tingin.

"Good." Ibinaba nito ang basong wala nang laman. "I am always good. Ikaw? Kamusta ka na? I see that Simon grew up as a fine young man."

"I think that is the only thing that I can be proud of."

"Si Sinco?"

Napangiwi siya. "I intentionally did not ask you about Ronan, and here you are asking about Sinco."

"Fair enough." Ngumisi ito.

Natahimik silang dalawa. Narinig niya ang buntong hininga ni Rosalinda. Naghiyawan ang iba pang mga bisita kaya naman sabay silang tumingin sa bagong kasal. The newlyweds were giggling.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon