CHAPTER 1: Woman

1K 62 3
                                        

CHAPTER
ONE

Woman

It was a cold Friday night. Medyo maulan pa sa labas at madulas ang mga kalsada kaya naman mataas ang posibilidad na magkaroon ng aksidente. Ganoon pa man, maliwanag ang kahabaan ng isang highway dahil sa napakaraming sasakyan na naipit sa traffic. Madidinig ang mga busina ng mga ito.

"Walang hiya naman!" Isa pang gigil na pindot sa busina ang ginawa ni Lloyd.

Alam naman niyang wala iyong magagawa pero halos dalawang oras na siya sa traffic na ito ay nakakadalawang metro pa lang yata ang naiipod ng sasakyan niya. Nauubos na ang pasensya niya.

"Relax ka nga lang dyan."

"Palibhasa palaro-laro ka lang dyan," singhal niya sa kanyang katabi na si Denzel. Nakataas pa ang paa nito habang tutok na tutok sa cellphone na hawak.

"Ang bobo naman!" Biglang hiyaw naman ng nasa likod nitong si Ted. "Hoy! Puta!"

"Gago!" Sigaw pa ng katabi nitong si Pitt.

"Pwede bang tumahimik kayo," saway naman sa kanila nang nag-iisa sa likod ng van na si Sin. Nakahiga pa ito at may hawak ring cellphone.

"Ikaw tumahimik dyan - langya - porke 'di ka makalaro dahil 'di ka na - hoy! Gago ka talaga Ted! - pinayagan ni Martha," pang-aasar ni Denzel.

Ngumiwi naman si Sin pero hindi na lang nagsalita dahil hindi siya makapag-concentrate sa pinag-uusapan nilang movie ni Martha. Kanina pa niya itong ka-text. Parang kanina lang din ay ang usapan nila ay kung nakauwi na ba ito hanggang napunta na nga ito sa kari-release lang na movie. Gusto nitong mapanood ito bukas.

Bagot namang nakinig lang si Lloyd sa usapan ng mga kasamahan niya. Galing sila sa kanilang basketball practice at pabalik na sa kanilang apartment. Malas nga lang talaga at inabot sila ng rush hour. Umuulan pa.

Gustuhin man niyang maglaro rin ngayon at makisali sa mga kaibigan ay siya ang nakatokang mag-drive. Hindi naman pwedeng si Sin mag-drive dahil pagmamay-ari nito ang van na sinasakyan nila.

Binuksan na lang niya ang radio at nilakasan iyon kahit pa nagreklamo ang mga kaibigan niya. Napangiti naman siya nang magsimula nang umandar ang mahabang traffic.

"Drive thru tayo," biglang sabi ni Ted nang may matanaw itong fast food restaurant. "Gusto ko ng sundae, pre."

"Ang lamig-lamig, eh!" Bulyaw ni Pitt. "Pero tara! Chicken akin, spicy."

"Mahihirapan na tayong sumingit sa taffic kapag nag-drive thru pa tayo," pagdadahilan naman ni Lloyd.

"Bilis na naman! Saka magpalipas muna tayo ng ulan dyan. Kahit mga eleven na tayo umuwi. Si Sin lang naman mapapagalitan dito."

"Bakit? 'Di ka pagagalitan ni Macy?" Tanong ni Sin galing likuran.

Ngumisi naman si Pitt at talagang bahagyang tumayo pa. "Alam mo pre, si Macy may tiwala sa'kin. Kahit pumunta pa akong bar mag-isa hinding-hindi ako mag-uuwi ng babae."

"Bakla lang!" Nagtawanan sila sa sinabing iyon ni Lloyd.

"Ay, sino kayang inuwi ng bakla noong isang araw?" Lalo lang silang nagkantyawan kaya naman napailing na lang si Sin.

Natigil lang siya nang makitang tumatawag ang girlfriend niya. Sinagot niya kaagad iyon.

"Hindi pa rin kayo nakakauwi?" Pagalit na tanong nito kaya naman napasimangot na naman agad siya.

"Hindi pa. Traffic kasi."

"Traffic? Baka naman may iba pa kayong pupuntahan!"

Hinilot niya ang kanyang sintido saka tahimik na bumuntong-hininga. Ito talaga ang pinakaayaw niya kay Martha. Masyado itong mapaghinala. Pakiramdam nito ay lagi itong tama kahit naman hindi.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon