CHAPTER
SIXEyes
"Bakit parang ang init lagi ng ulo mo kay Veronica?" Tanong ni Macy sa kaibigan habang nasa loob na sila ng van papunta sa rest house sa beach ng Tita ni Ted.
Si Denzel lang ang kasama nila na nagda-drive dahil kakailanganin pang tulungan nina Lloyd at Pitt si Ted para madala si Heather sa resort nang hindi ito naghihinala. Ang totoo kikidnapin ng mga ito ang babae. Naisip ni Macy na hindi magandang ideya iyon pero surpresa nga ang gusto ni Ted kaya iyon ang naisip nito. Samantala, hindi naman na nila napilit pa si Sin na sumama. Nagpaiwan na nga ito sa bahay.
"Eh, ikaw, bakit ang laki agad ng tiwala mo sa kanya?" Nilingon siya ni Giselle na ikinagulat niya.
Pilit siyang natawa. "I never said I trust her."
"Kung hindi pala, bakit ka sumang-ayon na tumira siya kasama ng mga lalaking 'yan?"
"Ano ka ba. Mukhang namang wala siyang gagawing masama. She looks nice."
"No," mariing wika ni Giselle. "There is nothing nice about that woman."
Tumigil na lang si Macy. Wala siyang magagawa sa iniisip ng kaibigan. Giselle was always like this. Palaging pinaghihinalaan ang mga lumalapit sa kanila. Okay lang naman sa kanya, pero ngayon nagsisimula na siyang mairita.
It was almost lunch time and Veronica was trying her power when she heard the doorbell. Naisip niyang si Sin iyon. Umalis kasi ito kanina dahil mamimili lang daw ng lulutuin para sa kanilang tanghalian. Baka hindi nito mabuksan ang gate dahil marami itong dala.
So, she tried to teleport to go to the living room. Hilaw siyang napangisi nang walang nangyari. Mabagal na lamang tuloy siyang naglakad pababa at papunta sa gate.
Inabot yata siya ng anim na minuto para lang makapunta sa tapat ng gate. She was already smiling when she pulled the gate open.
"Sorry natagalan - " agad nabitin sa ere ang sasabihin niya. Maging ang babae sa harapan niya ay natigilan rin.
Luminga sa paligid ito bago tiningnan ang numerong nakadikit sa maliit na poste ng gate. Nilawakan naman niya ang kanyang ngiti nang tingnan siya mula ulo hanggang paa ng babae.
"I'm sorry, Miss, but are you from here?" Alanganing tanong nito.
"Hindi po. Mga lalaki po ang nakatira rito. Wala nga lang po sila ngayon kasi may pinuntahan po silang importanteng bagay. Hm, nagbabantay lang po ako. May kailangan po kayo?"
"I am Sinco's mother."
Of course. Namukhaan niya ito kaagad kanina base na rin sa litratong nakita niya.
"Wala po siya dito. Pasok po." Mas ibinukas pa niya ang gate para makapasok ang ginang. "Ang dami niyo naman pong dala. Tulungan ko na po kayo."
"Naku hindi na.." tanggi nito pero naagaw pa rin naman niya ang dalawang paper bag. Iyon lang ang kaya niyang bitbitin.
"Sana po pala ipinasok niyo ang dala niyong sasakyan sa garahe."
"Ayos lang.." mahinahong wika nito. Tiningnan siya ulit nito nang seryoso matapos niyang maibaba ang mga paper bag sa lamesa.
Alam niyang walang tiwala sa kanya ang ginang base na rin sa iginagawa nitong titig sa kanya. Pero hindi naman iyon katulad nang titig ni Giselle. Alam niyang kikilanin siya ng ginang para magtiwala ito sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasyIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...